Chapter 2 . Meet the Cold Prince

57.8K 838 25
                                    

*Ryle POV*


Damn! Ang aga ko umalis sa bahay para hindi makasalubong si mommy o kaya si daddy pero ang sakit naman ng ulo ko. I stayed up reading in advance kagabi tapos ang aga ko pa nagising. 

Binilisan ko ang lakad ko habang hinahanap ang cellphone ko sa bag ko. Naiwan ko ba? Hindi pwede! Ayoko ng bumalik sa bahay. Where the heck is it?

Natigilan ako dahil may nabunggo ako. Naramdaman kong hindi ko masusupport ang sarili ko. Shit! Pumikit ako dahil naramdaman ko babagsak na ako.


"Aray!" Napaupo ako sa sahig. Great! Just what a great day! 

Sino ba to at hindi man lang ako tinulungan?! Hindi niya ba ako kilala?! Okay.. sobrang yabang ko na pero this is unusual! I don't like unusual.. 


"Ts. Hindi kasi tumitingin sa dinadaanan." Sabi ng nakabangga sa akin. Nag-angat ako ng tingin at napaawang ang labi ko. Tinaasan ko siya ng kilay para mapakitang naiinis ako sakanya pero linampasan lang niya ako.


What the heck!? Bago lang siya dito I am sure.


"Salamat ah! Hindi man masakit. Kayang kaya ko to!" Sarcastic kong sigaw. Buti nalang ay wala pang masyadong tao dito kaya hindi pa masyadong nakakahiya ang nangayayari sa akin.

Napabuga ako ng hangin sa ginawa niya. Tinaas lang niya ang kamay niya at nag hand sign na welcome daw. Ang sarap niyang ingudngod! Nakakainis! Napahawak ako sa batok ko para bumaba ang blood pressure ko. 

Ryle.. wrinkles. Masyado pa akong bata para magkaron ng wrinkles. Tumayo ako at pinagpag ang damit at pants ko.

Pumikit ako sandali at dumiretso na sa room. Naabutan ko ang mga kaibigan kong nasa room na. Ang aga nila?


"Oh, Ryle? What happened? Hindi pang Goodmorning ang mukha mo?" Bungad sa akin ni Ailee pagkapasok na pagkapasok ko palang ng room. Lumapit ako sakanila at umupo sa harap nila. Inayos ko ang gamit ko at sinabit ang bag ko sa sabitan sa gilid ng desk.

"Wala.. may asungot lang akong nabangga. Walang hiya talaga yon." Saad ko habang tinitignan ang binili kong bottled juice. 

"Edi takot na takot? Siguradong minaldita mo nanaman yon. Did you show him your roaring face?" wika ni Tin pero nagulat sila ng umiling ako. Naalala ko nanaman ang nangyari kanina kaya umakyat nanaman ang dugo ko.


Hindi ko na muna pinansin ang roaring na sinabi niya. Dahil kung maibabalik lang ang oras na yon ay ginawa ko na. I will gladly show him who Ryle Sofia Harris is.

"Linampasan ako at sinabihan pa akong hindi tumitingin sa dinadaanan. What a jerk!" saad ko habang nakayukom ang palad ko. I want to smash his face! Tignan ko lang kung makangisi pa yon.

"Bitch ka din naman. Jerk siya.. o edi maganda" natatawang saad ni Tin kaya sinamaan ko siya ng tingin. I don't get offended pag sila ang nagsasabi non dahil medyo totoo naman.


"Hayaan mo na.. once in your life dapat maranasan mo rin yan. Isipin mo nalang.. atleast may kakaibang nangyari sayo. Not your typical pag may nakabangga sayo ay tatakbo at sisigaw ng patayin niyo na ako!" Napailing nalang ako sa sinabi ni Sab. Of course she was exaggerating the patayin part. I am not that cruel.. akala lang nila yon.


Everyone is so judgmental. Hindi naman nila alam kung ano ang point of view ng isang tao pero in a snap.. agad ka na nilang sasabihan ng mga bagay. But I think that's what life is.. full of close minded people. That's why I prefer to be primitive that to be too modern.


"Ay! By the way.. narinig ko sa mga juniors kanina na may bagong transfere daw sa batch natin! Kung umabot sakanila yon.. siguradong worth it ang mga transferee na ito." Ani Ailee habang humahagikgik pa. Hindi ako makapaniwala sa sinasabi niya.

"Worth it saan?" tanong ko habang binubuksan ang bottled juice ko.

"Worth it mapansin!" ani Tin at nakipag apir pa kay Ailee. Uminom nalang ako at binuksan ang notes ko.

"Pogi daw eh!" Dagdag pa ni Sab pero hindi ko na sila pinansin. I don't have time for that.


"Classmate ba natin sila? Sana no! Oh my gosh! Sana talaga! Para exciting naman ang school year natin!" gusto kong sumabat at sabihing kung classmate namin ang mga yon edi sana nakita nanamin sila. Wala naman sila kahapon nung first day.. ano yon? Pa-importante?


"Oh tapos? Bigti na ako? Ts. As if naman magiging useful yan sa buhay ko diba, atsaka ano ba kayo? Bagong investigator ng school?" Dahil sa nangyari kaninang umaga ay sumama na ang timpla ko. Sarap talaga hambalusin ng lalaking yon.

"Ang KJ mo! Gusto kong makita ang lalaking nagpainis sayo ng ganyan. Sasapakin ko kasi nadadamay kami sa kabad-tripan mo." Saad ni Ailee sa akin. 

Paki-sapak please! Kailangan na kailangan niya ng sapak!


Nagmadali sa pagpasok ang mga estudyante nang magring ang bell. Napailing ako dahil hindi sila magkanda-ugaga na magayos. What's with my classmates? Humalakipkip nalang ako at umayos ng upo. Tumingin ako sa harap with my poker face on. Ang bagal ng prof.


Napabuntong hininga ako nang pumasok ang prof namin na may malaking ngiti sa labi. Damn! Sarap burahin ng ngiti niya. Pumikit ako para pakalmahin muli ang sarili ko.

"Good Morning Ma'am" Pinilit ko ang sarili kong sumabay sakanila sa pagbati pero hindi ko talaga kaya.

"Good Morning Class. May mga bago pala kayong kaklase. Please welcome them with happiness okay?" Napataas ang kilay ko. So classmates nga namin sila? So pa-importante nga sila?


"What the?! Classmate natin sila" narinig kong bulong ni Sab. Lumingon ako sakanya kaya nag peace sign ito. Ngumiti nalang ako at nag roll eyes. Atleast my friends are happy.

Pumasok na sa side door ang mga transferee. So they're boys? Tama nga ang balita.. napagaling talaga ng mga estudyante dito. Ang galing sa chismis.

Minagmasdan ko silang lahat. Okay naman.. normal. Mukha naman silang matino and I don't care.

Wait.. what the fuck! What the heck is he doing inside my territory?! Kaya pala hindi niya ako kilala! Transferee pala siya. Napangisi ako at nag taas ng kilay.


There infront of me.. walang kwentang, feeling gwapo, feeling hot, masamang ugali na nakabangga sakin! 


Great! 


What a life.

Book 1 : Brat Princess meets a Cold PrinceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon