Chapter 11 . Knowing the PAST.

36.9K 623 19
                                    

*Tin POV*


Totoo kaya yung nangyari kagabi o panaginip ko lang yon? Did he really ask for forgiveness?


"Tin!" biglang may sumigaw ng pangalan ko na ikinagulat ko. Mabilis akong lumingon at nakita ko ang mga kaibigan ko.

"What the heck?" Natawa pa sila kaya umiling nalang ako.

"Bakit ba?" tanong ko na may halong inis. 


"Ikaw kasi eh. kanina ka nag s'space out, ano bang pinoproblema mo?" tanong bigla ni sab. Napa buntong hininga ako. Ayokong sabihin sakanila dahil wala naman kwenta.

"Ako? Wala pero tayo? Meron" sabi ko sakanila, buti nalang at may pang change topic ako. Kita ko naman ang kuryosidad sakanila.


"Ano naman yun?"

"Lance is planning to transfer here kaya pala siya nandito nung isang araw dahil kumuha siya ng form" balita ko sakanila sabay higop sa frappe ko.

"Paano mo naman nalaman?" I can sense fear on Ryle.

"Nag hire sila dad ng private investigator. Binalita namin sakanila at humingi kami ng tulong. Syempre nagtataka din naman kami kung bakit all this years bigla nalang siyang bumabalik atsaka sa school pa nagtagpo ang mga landas niyo at nating lahat" sagot naman ni Ailee. I nodded.. it was really confusing kaya humingi na kami ng tulong.


"So I guess we need a help" saad ko. Kanina ko pa din to iniisip kung paano mapipigilan si Lance.

"Huh? Paano? Kanino naman?" ngumiti ako at napakagat sa ilalim ng labi ko. There is a great chance that they won't like my idea.

"Kahit ayaw man natin kailangan natin humingi ng tulong kay Luke" there I said it. Kailangan talaga namin ang tulong niya. Yon nalang ang naiisip kong paraan.

"Huh? Bakit sakanya pa?" this is what I am saying.. they won't like it. Ayoko rin naman pero there are no other choices to pick.


"Oo nga.. alam mo naman yung nangyari diba" ani Ailee.


"Dahil Scott siya, may ari ng school and pwede niyang sabihin sa parents niya na wag tanggapin si Lance dito" it was a dirty play pero malaman lang nila kung anong nangyari before.. siguradong they will understand.


"I don't think that is a good idea" Si Ailee ang pinaka mag-o-oppose dito. Malaki ang paninindigan niya kaya alam kong hindi siya papayag.

"But we don't have any choice" I am so frustrated. Gusto kong makuha at maintindihan nila ang point ko.

"Ryle, we will do everything okay? Don't worry" Sa wakas! Nagkaisa na din kami.


After class pinuntahan namin sila without Ryle. Hindi naman kami nahirapan na hanapin sila.


"What" Luke answered coldly. Ito ang pinaka mahirap kalaban. Ang taong una palang ay alam ko ng malaki ang tyansa na hindi tutulong.


"We need your help" I need to be strong so deretso ko ng sinabi ang pakay namin.

"I don't want to meddle with your problems and besides I don't have time" sagot niya. Tumaas ang dugo ko pero pinigilan kong ilabas ito dahil as much as possible ay kailangan namin ang approval niya.

Book 1 : Brat Princess meets a Cold PrinceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon