Chapter 39 . Girl's Talk

21.4K 335 2
                                    

*Ryle POV*

After ng engagement, tumuloy kaming lahat sa bahay namin ni Luke. Yung mga boys nasa kwarto ni Luke, kami naman nasa kwarto ko.

"Guys! bago ko makalimutan. Nagplano kami ni luke na mag out of town tayo"sigaw ko. Kaagad naman sila tumalon sa kama. Ang weird sabihin na plano namin ni Luke yon.. it seems so different.

"Really?! Sige! Sa resort nalang tayo ng kuya ko! Wala naman siya ngayon eh!" masayang alok ni Sab. Napangiti naman ako.

"Okay! So yung plane na gagamitin natin ay ang kay Ryle" sabi ni tin. 

"Kabibili ko palang nun eh" sabi ko sakanila.

"Tama lang yan. Para mabinyagan na yung baby airplane mo" sabi ni ailee at umupo kaming lahat sa flooring.

"So good bye single life na ang ating brat princess?" tanong ni ailee sakin habang inaayos ang higaan namin sa baba. Mas gusto namin ang nasa baba kami natutulog kapag magkakasama. Nag shrug lang ako sa tanong niya.


Hindi ko na masyadong naiisip yon kesa dati na gabi gabi ko atang pinoproblema yon.

"Feel ko.. tanggap mo na ang mga nangyayari" sabi ni tin sakin habang inaayos yung binili niyang iceceam. Damn. Ganon ba kahalata?

"Ano?! hindi ko pa tanggap no!" sabi ko sakanila habang nakakunot ang noo.

Yeah Ryle, lokohin mo lang ang sarili mo.

"Asus.. sa pagkakakilala ko sayo. Pwedeng pwede mo naman wag ipatuloy yang arrange kasal-kasalan na yan eh. Ikaw pa! Brat princess ka pero hindi mo ginawa." sabi ni tin sakin. Napaisip naman ako doon. Tama siya doon. It's not that bad..

"Agree! konting kembot at lambing mo sa parents mo. Solve lahat yan pero ito ikaw tinanggap mo nalang" dagdag ni sab sakanya. Oo nga, bakit kaya tinggap ko nalang to? I mean we're done with the Ailee-Luke issue pero.. pinagpatuloy ko pa rin.

"Yes ryle.. mas mabigat pa nga yung dati diba? Pinapadala ka nila sa states but because you are not in favor of that, naglayas ka at nung tinawagan ka nila ang sabi mo 'I won't come back if you still push the idea of me going to states' diba? After that they have agreed" sabi ni ailee habang ginagaya ang tono ko nung sinabi ko sa parents ko yun. Tama sila, kaya ko naman ayusin toh kung sakali pero parang gusto ko pa? It's not that gusto ko.. it's just I'm fine with it.


"Siguro.. okay na rin to para sakin and I like luke. Yeah.. I like him."sabi ko sakanila. Konti nalang sumigaw sila kaya sinabi kong may gusto ako sakanya. Napailing nalang ako sa mga kaibigan ko.

"Okay lang yun!" kilig na sabi ni sab.

"Tin, kayo ni charles? Kumusta?" tanong ko sakanya. Nakita kong sinundan siya ni charles kanina.

"He kissed me" sabi niya na ikanagulat namin. Wow.. Mr. Charles Stanly didn't even changed a bit.

"WHAT?! OMG! LUMELEVEL UP!"sigaw ni sab. Tumawa kami dahil kay Sab. Binawalan ko naman siya dahil baka marinig kami.

"Shh!" bawal ni Ailee.

"Pero alam mo naman diba tin. May celean siya ngayon" dagdag ni ailee sakanya.

"Alam ko. Kaya nga natatakot ako" sabi niya samin at humiga siya sa lap ko. 

"Saan?" tanong ni ailee sakanya.

"Na.. dumating ang araw na wala na talaga akong magagawa. Yung araw na masayang masaya na sila ni celean kasama ang baby nila" sabi ni tin samin. Yun ang mahirap.. hindi niya alam kung hanggang kailan sila ganito.

Book 1 : Brat Princess meets a Cold PrinceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon