Chapter 17 . Birthday

26.9K 434 14
                                    


*Tin POV*


Napabuntong hininga ako dahil kanina pa ako nakahiga pero hindi pa ako dinadalaw ng antok.

Ang katabi kong matulog ay si Sab at sobrang likot niya then si Ryle at Ailee naman sa kabila tapos nagsamasama nalang yung boys sa pagtulog. Pagkatingin ko sa orasan na nasa lamesa sa gilid ng lamesa ko. 12:06 am na.. 'Happy Birthday Ailee' sabi ko sa isip ko. Bumaba na muna ako , hindi ako makatulog kasi sobrang likot ni sab.


Pupunta na sana ako sa kusina ng magulat ako dahil may nasalita.

"Tin?" napatingin ako sa nagsalita. Si Charles nakahiga sa sofa. Kumunot ang noo ko.

Anong ginagawa niya dito?

"Oh? Bakit diyan ka natutulog" tanong ko at lumapit sakanya para makita siya ng mabuti. 

Hindi pa rin ako makapaniwala kung gaano kami ka-close ngayon. Parang panaginip lang ang lahat.

"Hindi ako sanay na maraming kasama sa kwarto, atsaka ang ingay ni nico at james." natawa naman ako sa sinabi niya. We have the same problem.

"Aysus.. sige" pupunta na sana ako sa dining pero hinila niya ko kaya napaupo ako sa upuan.

"Bakit?" tanong ko. Sobrang lapit niya sa akin na pakiramdam ko ay magwawala ang puso ko.

"Tabi na tayo matulog" natigilan ako sa sinabi niya. Ano? Nababaliw na ata siya, sinandal niya pa yung ulo ko sa balikat niya tapos pinatong niya yung ulo niya sa ulo ko.

"H-hindi pwede!" aalis na sana ako ng mahawakan ko yung kamay niya.. linalagnat siya.

"Charles?" tawag ko sakanya. Bakit naman siya lalagnatin?


"Hmm?"

"Linalagnat ka" saad ko.

"Don't worry, lalaki ako. Gagaling din ako kaagad, wag ka lang aalis sa tabi ko" Napaawang ang labi ko. Bumuntong hininga ako at napangiti. Inayos ko nalang yung upo ko tapos hiniga ko siya sa lap ko.

"Sige tulog ka na.." sabi ko sakanya at hinintay siyang makatulog.


*Sab POV*


Nagising ako dahil sa alarm clock, nag stretch muna ako bago tumayo. Asan si Tin? Binilisan ko ang pagbaba at sisigaw na dapat ako sa nakita ko kaya lang may nagtakip ng bibig ko.

"Oh?! Wag kang OA. Magising mo pa si Ailee.. may surprise pa tayo sakanya" napalunok ako at tumango ng marahan. Pinigilan ko magreact pagkatapos ko makita si Charles at Tin na tabing natulog. 

Sad to say, tama si Nico ngayon. May surprise kami kay Ailee kaya pagbigyan ko na muna siya.

"Pwe! Ewan ko sayo. Gisingin mo na yung iba.. magreready nako dun sa dining" nagmadali na akong umalis. Napahawak ako sa puso ko nang makarating ako sa dining.

Sabi sa akin ay aalis na siya. Kailangan daw niyang ma-migrate papunta sa states. Simula non.. napaiwas ako sakanya. Hindi ko din alam bakit. Hindi ko alam.


*Ailee POV*

Masaya ang gising ko ngayon. Nakangiti akong umalis sa kama. It's a beautiful morning. Happy Birthday to me. Pagkatingin ko sa alarm clock 1:30pm na. What the heck?

Bakit hindi ako ginising ni ryle? Speaking of ryle, asan siya? Gagawin ko na nga muna yung morning rituals ko. 


Palabas nako ng pinto para sermunan si Ryle. Nasayang ang kalahati ng birthday ko dahil hindi nila ako ginising.

"Happy Birthday Ailee!!!" I was shocked ng mabuksan ko ang pintuan. Paano ba naman kabukas ko ng pintuan, lahat sila nandun at may party hats tapos may dalang cake. Napakagat ako sa ilalim ng labi ko. Oh damn! I can't cry.

"Oh! Make a wish" sabi ni ryle kaya napangiti ako. Okay! I take it back! Hindi ko na sila sesermunan.

"Thank you guys" yinakap ko silang lahat. 


*Nico POV*

Natigilan kami mag-party nang biglang mag ring ang doorbell.

"Sige ako na." saad ko at mabilis na tinungo ang gate. Kinuha ko ang newspaper na inabot ng delivery man.

"Thanks po" Binuksan ko ang newspaper para makita ang headline.

"Shit" napamura nako sa nakita kong headline!

"Guys!"sigaw ko, lahat naman sila pumunta sakin.

"Bakit?" tanong ni Luke at kinuha sa akin ang newspaper.

"Headline ng news guys. Engagement off Ailee Hernandez and Luke Joseph Scott" sabi ko. Napaupo nalang si Ailee sa narinig niya.. si luke naman ay napa takip ng mukha.

"Pano nangyari yun.. diba si ryle yung fiance mo" tanong ko kay Luke. Ano yon? Dalawa ang fiance niya?

"Nacancel na" nagulat ako sa sinabi ni Ryle. That's why.. dahil kailangan pa rin ng investment, kay Ailee naman pinasa ang responsibilidad.

"Uuwi tayo bukas na bukas din"sabi ni Ailee at tumakbo papunta sa kwarto nila, sinundan naman siya ng mga kaibigan niya.


*Ryle POV*

Nagulat ako sa narinig ko. Ito ba ang consequences ng pagiging selfish ko? Ang bestfriend ko naman ang nag dudusa. Nung pina-cancel ko ang engagement.. sakanya binigay? Anong akala nila sa amin?

Tumakbo si Ailee papuntang kwarto. Sinundan naman namin siya nila Tin.

"Ailee" sabi nalang namin nung makita siyang umiiyak sa sulok. She is the most strongest girl I know, pero ito siya at umiiyak.

"I'm really tired guys.. sobra.. sobra" paghikbi niya sa amin. Napapikit ako.. it's my fault.

"Tatanggapin ko na yung arrange marriage samin ni Luke" Damn! Para kaming nag lalaro. Nakakainis to?!

"Edi ikaw naman ang mahihirapan." Umiling ako sa sinabi ni Ailee.

"Akong nagsimula nito, saakin to binigay. Ako din ang tatapos." they hugged me and I hugged them too.

"Mag ayos na tayo. after all.. we will face tito tomorrow at siguradong patay tayo sakanya" No. Hindi kami malalagot o mapapagalitan. I'll make sure of that.

"Basta kahit anong mangyari.. andito lang tayo para sa isa't isa" I nodded with what Sab said.


Ganon naman talaga.. basta may kasama kang harapin ang problema. It will always be enough.

Book 1 : Brat Princess meets a Cold PrinceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon