Chapter 7 . Meeting his Fiance

37.5K 667 23
                                    

*AILEE POV*


Nandito na.. nandito na ang kinakatakutan namin, ang bumalik si Lance. Masyado niyang nasaktan si Ryle, it's not just about the break up and all. It was more than that. Hayop ang lalaking iyon dahil hindi makatao ang ginawa niya. After ng breakup nila mga halos isang taon din namin hindi nakausap ng maayos si ryle kaya masama man pero ayaw na namin bumalik si Lance.


"Tara Ryle lunch na tayo" hinawakan ko ang kamay ni Ryle at nanginginig siya. Ayoko nang bumalik ang takot ni Ryle. Pinisil ko ito kaya nakuha ko ang atensyon niya.

"Sige" sabi lang niya. Hinawakan ko ng mahigpit ang kamay ni ryle.


Pumunta na kame sa cafeteria at nakita namin si Sab at Tin na masayang nag kekwentuhan. Hindi pa kasi nila alam ang nagyari eh. Kami kasi ni Ryle ang magkaklase sa first 2 subjects every monday, wednesday and friday. 

Nag bago kasi ng schedules ang mga teachers.


"Hey!" masayang bati ni sab samin ng makalapit na kami. Umupo na kami ni Ryle at binitawan ko na rin ang kamay niya. Ngumiti ako ng marahan at kumuha ng fries sa kinakain nila.

"Oh? Anong problema ryle? Parang balisa ka?" nag aalalang tanong ni Tin. Nagbalik balik ang tingin nila sa amin ni Ryle dahil hindi sumasagot si Ryle. Nakatulala lamang siya.


Ako na sana ang sasagot pero dumating na ang pinaka ayaw namin makita.


"Ryle magusap tayo" sabi ni lance ng makalapit siya samin. Paano ba siya nakapasok dito? It's been years! Bakit pa siya bumalik?


"Ang lakas naman ng loob mo na i-command si ryle na makipag usap sayo, hindi na siya ang ryle na sunod ng sunod sayo dati." sabat ni Sab kay lance at hinawakan ko naman ang kamay ni ryle. 


Napatingin sa akin si Tin na para bang nagtatanong pero umiling ako.

"Oo nga, kung hindi lang nakiusap ang mga magulang mo sa amin at sa parents ni ryle pinakulong ka na namin." dagdag pa ni Tin. Naiyukom na ni Ryle ang mga palad niya kaya hindi ko siya binitawan. Nakuha na rin namin ang atensyon ng mga ibang estudyante.

"Get lost Lance habang hindi pako napupuno" sabi ko naman pero hinablot niya parin si Ryle. Kasabay non ay ang paghablot ko din. Hindi niya makukuha si Ryle. Matalim ko siyang tinitigan, akala niya purkit babae ako, uurungan ko siya?

"Bitiwan. Mo. Ako." galit na galit na sabi ni Ryle sakanya. Lahat ng atensyon nasa amin na.


Tama Ryle.. ipaglaban mo ang sarili mo.

"Hindi Ryle mag uusap tayo sa ayaw o sa gusto mo" hinablot niya si Ryle pero nag laban si Ryle. Tumulong na rin sila Tin, sinubukan naming alisin ang pagkakahawakan niya kay Ryle.


Isa pa tong mga tao sa school na to!? Bakit hindi sila humingi ng tulong!


*Ryle POV*


Ayokong hinahawakan niya ko. Diring diri ako sakanya.. tumulo ang mga luha ko dahil sa takot.


"Ano ba?! Ayoko nga--" biglang may humila sakin kaya naputol ang sasabihin ko.

"Hindi mo ba naiintindihan ayaw niyang sumama sayo" nagulat ako. Napaangat ang tingin ko at napaawang ang labi ko.

Book 1 : Brat Princess meets a Cold PrinceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon