Chapter 45 . "Mahal kita"

19.2K 329 8
                                    

*Ryle POV*


After ng wedding dumeretso kami sa reception. Ang ganda dito.. naisip ko nga habang kinakasal si kuya taemin and ate sulli na nakangiti.. magiging ganito kaya kami ni luke?

"Buti naman at nakarating kayo" sabi ni ate sulli sa amin. HIndi kasi kami nakapag-bati sakanya kanina sa simbahan dahil napakaraming bisita.

"Of course naman ate" sabi ni sab sakanya. Lumingon ako para hanapin si Luke pero hindi ko siya makita.

"Congratulations" sabay-sabay na sabi namin.

"Thank you guys.. pupuntahan ko lang si Taemin don." paalam niya samin at tumango kami. Pinanuod namin siyang lapitan si Kuya Taemin.

"Guys.. punta lang ako sa may garden" sabi ko sakanila. 

"Sige"pagsasangayon nila.
 

Lumabas na ako papunta sa garden at umupo sa may bench doon. Tinignan ko ang langit, matagal ko na din tong hindi ginagawa.

"What are you doing here?" napalingon ako. Umupo sa tabi ko si luke. Napanatag ang puso ko nang makalapit siya sa akin.

"Nagpapahangin" sabi ko sakanya. Kita ko ang pagkunot ng noo niya.

"May aircon sa loob" Napaismid ako sa sinabi niya at ngumisi naman siya.

"Luke.."

"Hmm?" sobrang tahimik ng paligid. Hangin lang ang naririnig ko at ang puso ko na sobrang lakas ng kabog.

"Wag mo akong iiwan ah?"

I just felt the need to say that..

"Of course.. pero bakit mo nasabi yan?" Hinarap niya ako sakanya.

"Nakakapagod na kasi na may nagiiwan palagi" mahina kong saad sakanya. Hinaplos niya ang baba ko kaya napa-angat ako ng tingin sakanya.

"Don't worry.. I won't do that" sabi niya sakin. Sinandal ko naman yung ulo ko sa balikat niya.

This feel so good. I would trade everything for us to stay like this.

"Ang payapa ng langit" sabi ko sakanya. Hinawakan naman niya ang kamay ko at pinaglaruan iyon.

"Oo nga.. parang walang problema" sabi niya sakin.


Napakagat ako sa ilalim ng labi ko.

"Thank you luke.."

"No ryle.. thank you. I have learned many things from you and because of that, I became a good person." sabi niya sakin. Napangiti naman ako sa sinabi niya.


*Sab POV*


Kasayaw ko si nico ngayon. Masaya ako at okay ang lahat sa amin.

"You look really beautiful" sabi niya sakin. Natawa ako sa sinabi niya.

"I know" sabi ko at siya naman ang humalakhak.

"Kakaiba ka talaga.." nagkibit balikat naman ako.

"Alam ko rin yon" sabi ko sakanya.

"Ang kapal mo talaga sab" sabi niya sakin. Matalim ko siyang tinignan.

"Kaya nga match tayo" sabi ko sakanya kaya marahan kaming natawa.

"I agree" sabi niya sakin.

"Hindi mo ba ako.. you know? Pupuriin?" nahihiyang tanong niya sakin. Tumawa naman ako.. kakaiba talaga si nico.

"Ikaw lang ang taong nakilala ko na sasabihin yan sa isang babae" sabi ko sakanya. Nagshrug lang ang mokong.

"Fine.. you look really handsome tonight." diniin ko ang tonight.

Kita ko ang pagsalubong ng kilay niya.

"Tonight lang?"

"Oo.. para kasi sakin.. linanding ka parin" sabi ko sakanya.

"Stupid-Pig ka parin"


"Pasalamat ka mahal kita" nagulat ako sa sinabi ko.. umiwas ako bigla ng tingin sakanya.

"Mahal din kita" mas lalo akong nagulat sa sinagot niya. Binalik ko na yung tingin ko sa mga mata niya. Napasmile ako.. nakita ko kasing sinscere siya.


Naniniwala na ako na makikita mo ang totoong damdamin ng tao sa mga mata niya.


I saw that he really loves me and I feel the same.

Book 1 : Brat Princess meets a Cold PrinceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon