Simula

2.1K 101 1
                                    

Simula

Diana Faye Sarmiento

“GIO! Kumusta ka na? Ngayon ka lang ulit nagpakita sa'kin ah” Nasa ilalim kami ng punong mangga kasama ko si Gio.


Ilang araw ko na siyang hinintay na magpakita ulit kaya laking tuwa ko nang makita ko siyang muli.


“I'm okay, uh medyo busy lang kaya bihira na akong pumupunta rito” Simpleng sagot nito.


“Ay ganon ba. Meron nga pala akong s-sasabihin sayo”


“Tungkol saan?” Kuryoso nitong tanong. Yumuko ako at pinaglaruan ang aking mga kamay.


“Gustong-gusto kita, Gio. Sinubukan ko namang balewalain ang nararamdaman kong to kaso di ko na kayang pigilan pa..”

Namayani ang katahimikan sa aming dalawa. Ramdam ko rin ang gulat niya matapos kong ipagtapat yon sa kanya.


“Alam mong kaibigan lang ang turing ko sayo, Diana. Alam mo ring may kasintahan ako sa totoong buhay. Kaya utang na loob itigil mo na yang kahibangan mo. ”

Mas lalo akong napayuko sa naging sagot niya.

Pagkatapos niyang sabihin iyon ay tumalikod na siya. Bago pa man siya tuluyang makalayo, hinawakan ko ang kamay niya at pwersahang pinaharap sa akin.

Tumingkayad ako mabilis at sinakop ang labi niya. Alam kong nagulat siya sa ginawa ko.

Desperada na kong desperada ang mahalaga ay mahal na mahal ko siya.


Nang matauhan siya'y kaagad niya akong itinulak. Napaupo ako sa sahig dahil sa lakas non.

“Hindi ko alam na ganyan ka pala ka desperada, Diana. ” Malamig nitong turan.


“Mahal kita, Gio. Ako yong nandito sa tuwing may problema ka! ”Napanghilamos siya sa inis.


“Stop dreaming, Diana. Bumalik ka na sa mundo kung saan ka nang galing. Ayaw na kita rito, hindi kita mahal at hinding hindi kita mamahalin.”

Tumango ako. Tama siya kailangan ko nang umuwi at mukhang magiging masaya naman siya kahit wala na ako rito.


Patuloy lang na tumutulo ang luha ko habang nakatitig sa kanya. Sinusuri ko ang bawat detalye ng mukha niya marahil ay ito na ang huling beses na matitigan ko siya.


“Be happy, Gio. Ipangako mo yan sa akin at alagaan mo rin ang sarili mo. Salamat dahil nakilala kita kahit panandalian lamang. Pinaramdam mo sa akin na mahalaga at may nagmamahal rin sa'kin kaso guni-guni ko lang pala yon. Kahit ba naman sa panaginip ay walang nagmamahal sa akin? Ganyan na ba talaga kadaya sa akin ang mundo?”


“Hiling ko na sana ay huwag mo akong kalimutan kasi ako hindi kita makakalimutan eh. Ang hirap sa akin na bitawan ka pero titiisin ko. Ipangumusta mo nalang ako sa girlfriend mo ha. I love you, Gio. Tandaan mo yan palagi.”

Binigyan ko siya ng huling ngiti bago tuluyang tumakbo pabalik sa mundo kung saan ako nanggaling.

***

“DIANA FAYE!” Kaagad akong napadilat.

Nakabusangot na mukha agad ng Mayordoma ang sumalubong sa akin.

“Ano ba kasing klaseng panaginip yang napapanaginipan mong bata ka at bakit tila ayaw mo na iyang pakawalan?”

Di ako makasagot sa tanong ng Mayordoma. “At yon umiiyak ka pa! Ano ba talagang nangyayari sayo? ”

Ni isa sa mga tanong niya ay wala akong maisagot.


Mapait akong napangiti habang pinunasan ang  aking mga luha.

Kailangan kong harapin ang reyalidad at tuluyan nang kalimutan si Gio. Ang lalaki sa aking panaginip na lubusan kong minahal.


“Nga pala hija ngayon uuwi yong panganay na anak ni Sir Dorcan at may bago na tayong uniporme ito oh isuot mo pagkatapos mong maligo”

Pagkatapos niyang ilapag ang paper bag sa aking kama ay kaagad siyang umalis.


***

“Hannie, anong nangyayari?”tanong ko sa kasamahan kong katulong at siya rin ang anak ng Mayordoma sa hacienda na ito.


“Naku! Ate mabuti naman at nakapagbihis kana. Nasa labas na kasi ng gate  ang kotse ng anak ni Sir Dorcan kaya nagkakagulo na 'yong iba pa nating kasambahay.”Saysay pa nito.

“Maayos naman ang hacienda ah. Bakit kayo natataranta? ” kunot-noo kong tanong.


“Ang sabi nila ate ay masungit daw iyon at mabilis magalit baka sa isang pilik mata lang ay mawalan tayo nang trabaho”


Sa di maipaliwanag na dahilan ay malakas na kumabog ang aking dibdib.

Aakmang magsasalita pa sana si Hannie ngunit naputol iyon ng bumukas na ang malaking pintuan ng hacienda.


“Welcome back po, Sir”

Sabay-sabay nilang bati.

Nag-angat ako ng tingin kaagad na sumalubong sa akin ang pamilyar na kulay abo  niyang mga mata.

Hindi ako maaring magkamali, si Gio na nasa panaginip ko  at ang anak ni Sir Dorcan na si Sir Gideon ay magkapareho mula ulo hanggang paa.

Napasapo ako sa aking bibig sa sobrang gulat at pagkalito.

Posible bang nag-eexist dito sa totoong buhay si Gio na nasa aking panaginip?

The Vampire's Personal Maid(ONGOING)Where stories live. Discover now