Kabanata 3

1.1K 78 0
                                    

Kabanata 3


HINDI ISANG ordinaryong tao si Senyorito Gideon.

Isang malakas na suntok ang tumama kay Senyorito dahilan para mabitawan niya ako.

“What the fvcking did you do, Gideon! ” Umigting ang panga ni Don Dorcan at galit na nakatingin sa anak na nakahandusay sa sahig.

Kasama nito ang kanyang asawa na pilit siyang pinakalma. Nag-aalalang  tumingin sa akin si Donya Dimitrica  lumapit ito sa akin ang at inilalayan akong umupo.

Bumalik na rin sa dati ang mga mata ni Senyorito Gideon. Nakita ko ang labis na pag-aalala sa kanyang mukha nang mapagtanto niya ang kanyang nagawa.

Tila ba humihingi ito nang tawad at nais akong lapitan ngunit hindi niya magawa. Sa isang iglap lang ay nawala sa ire sina Don Dorcan at ang anak nitong duguan ang labi.

“Kainin mo to hija. Nakakatulong ito upang maibalik mo muli ang iyong nawalang dugo.” Binigyan ako ng kakaibang prutas ni Donya Dimitrica. Kahawig iyon ng mansanas pero kulay asul iyon.

Gumaan ang pakiramdam ko nang malapit ko na iyong maubos. Tila naibalik sa akin ang nawala kong lakas kanina. “Ako na ang humihingi ng tawad sayo, Diana sa ginawa ng anak ko sayo kanina. ” Paumanhin nito.

“Alam kong naguguluhan ka sa nangyari kanina,hija. Nais ko lang ipaalam sayo na kailangan mong iwasan ang anak ko nang sa ganon ay hindi ka mapahamak” Hinawakan nito ang kamay ko.

“Lahat ng bagay na nakita mo kanina ay totoo. Hindi ordinaryong tao ang kami ng asawa at mga anak ko. Mga bampira kami. ” Napahawak ako sa aking bibig sa nalaman.

Kung ganon umiinom at kumakain sila ng laman loob ng tao. Nanayo ang aking mga balahibo sa naisip.

“Hindi kami kagaya ng mga bampira na nababasa o nakikita mo sa telebesyon, Hija. Hindi kami kumakain ng laman ng tao. Kakaiba kami sa mga ibang bampira. Malaya kaming uminom at kumain ng  gustuhin naming pagkain. Umiinom kami ng dugo kung gugustuhin namin o hindi. Hindi kami tumatanda at namamatay. ” Nakahinga ako nang maluwag nang marinig ang paliwanag nito.

“Kung ganon ho, nakakabasa rin po kayo ng isip nang iba at may kapangharihan po kayong maglaho at magpalit anyo?” Tumango siya bilang sagot.

“May karamdaman ang Senyorito Gideon mo hija, sila nang mga kapatid niya. Kakaiba sila sa angkan namin ng ama niya. ” Malungkot nitong turan.

“Bihira lang sila uminom ng dugo di katulad sa amin ng ama niya. Sa loob nang maraming taon ay ngayon lang namin nakita ang anak kong uminom uli ng dugo, dugo ng tao. Ang sabi ng pinakamataas sa angkan namin ay may nag sumpa daw sa kanilang magkakapatid habang pinagbubuntis ko pa lang sila noon. Wala kaming ideya kong sino ang gumawa noon maliban sa dating kasintahan ng asawa ko na si Filomentria, siya reyna nang itim na mahika kaya siya ang pinagdududahan namin.”


“Ang lunas raw nang mga karamdaman nila ay kung makatagpo sila ng babaeng karapat-dapat at mamahalin sila ng buong-buo at handang maging bampira rin alang alang sa pag-ibig kung hindi nila mahahanap ang babaeng nararapat sa kanila sa loob ng isang daang taon ay magiging abo ang aking mga anak. Hindi namin hahayaang mangyari iyon.  Napakarami na naming babaeng ipinakilala sa kanilang magkakapatid pero hindi tumalab hanggang sa nakita namin ang nangyari kanina. Marahil ay ikaw ang matagal na naming hinahanap na maging kaisang dibdib ng panganay kong anak.”

Gulantang ako sa mga nalaman. Panong ako ang makaisang dibdib ni Senyorito Gideon. Nahihibang naba sila?

“Baka ho nagmakamali lang kayo ng hinala” Agarang tanggi ko. Di naman sa ayaw kong magpakasal kay Senyorito ngunit wala sa aking bukabularyo ang magpakasal sa hindi ko naman mahal at kakakilala lamang namin.

“Pag-isipan mong mabuti hija, ngunit wala ka na talagang kawala. Kahit anong gawin mo ay hindi na magbabago ang tadhanang nakalaan sayo. Kailangan mo itong tanggapin. ”

Pagkatapos non ay bigla nalang naglaho si Donya Dimitrica sa aking harapan.

The Vampire's Personal Maid(ONGOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon