Kabanta 1

1.6K 101 0
                                    

Kabanata 1

“Maligayang pagbabalik po, Senyorito” Narinig ko ring bati sa kanya ng Mayordoma.

Ngumiti ito dahilan para lumabas ang dalawang dimple nito.

“Mabait naman pala si Senyorito” Bulong ni Hannie at siniko ako. “Faye, alalayan mo ang senyorito papunta sa kanyang silid?” Pumantig ang tenga ko sa narinig.

Ba't ako ang aalalay sa kanya? Nandyan naman si Hannie at isa pa may kamay at paa siya.

“Ho? Si Hannie nalang po ang utusan nyo may nakalimutan po kasi akong gawin kanina. ” Palusot ko at tiningnan si Hannie. Halata namang nagulat din siya sa sinabi ko.

“Kagagaling niya lang sa ospital mula sa pagkaka-aksidente, Faye.” Paliwanag pa nito.

“Mauna na ako ate Faye. Magbabanyo muna ako di ko na kasi kaya naiihi na talaga ako” Bumagsak ang balikat ko ng nagmamadaling umalis si Hannie at pumunta sa palikuran.

At talagang pinahamak ako ng babaitang iyon. Naikwento ko kasi sa kanya ang tungkol sa panaginip ko kaya may alam na siya kung bakit ako nauulol sa lalaking nasa panaginip ko.

Labag man sa aking loob ay napilitan akong sundin ang mayordoma na ihatid si Senyorito Gideon sa kanyang silid. Mahigpit siyang nakahawak sa aking braso na para bang ayaw niya akong pakawalan.

Walang ni isang nagsalita sa amin hanggang sa naihatid ko na siya sa may pinto. “Kaya mo naman siguro ang sarili mo, Senyorito. Mauna na po ako may gagawin pa ako.”

Aakmang bababa na ulit ako paalis sa pinto ng silid niya nang marinig ko ang malakas na tunog mula sa aking likuran na walang ibang maaaring panggalingan kundi kay Senyorito Gideon lamang.

Nakaupo na ito sa sahig habang hawak-hawak ang kanyang paa nakapikit ang kanyang mga mata at tila ba nasasaktan siya ng sobra.


' Ang tanga mo kasi, Diana. Pano kong masisante ka sa pinanggagawa mo? Hinayaan mo 'yong amo mo na kagagaling lang sa ospital. '



“The Fudge! "  Dali-dali ko siyang tinulungang makatayo.


“Ayos lang po ba kayo Senyorito? Kaya nyo pa po bang maglakad?” Nag-aalala kong tanong. Hindi siya sumagot, nanatili paring nakapikit ang kanyang mata.

Alam kong mas malaki ang katawan niya kesa sa akin paniguradong hindi ko siya kayang buhatin papasok sa kanyang silid.



Sinubukan kong buhatin siya laking gulat ko ng matagpuan ang sarili na binuhat siya na para bang bagong kasal at maingat siyang inilapag sa kanyang kama.

Anong nangyayari? Bakit wala akong naramdamang masakit sa aking katawan habang binubuhat si Senyorito?


“Bihisan mo ako, Dia” mahina nitong utos na nagpakaba sa akin. “Ho? Babae po ako at nakakahiyang gawin yang gusto mo senyorito.”

Namumula akong umiwas ng tingin. Dahan-dahan niya namang inayos ang kanyang sarili na humiga sa kama.

“Don't tell me hindi mo pa ito nagawa sa buong buhay mo?” Hiyang-hiya akong nagbaba ng tingin sa kanya bago sumagot. “O-Oo ho” Nakita ko ang munting ngiti sa kanyang labi.

“Fine I'll do it by my self. Go down and prepare some snack for me” Nagmamadali akong lumabas  sa kanyang silid at isinarado kaagad ang pinto.

Napahawak ako sa aking dibdib. Parang aatakihin ako sa lakas ng kabog nito.

***

“ANG daya mo ate! Kala ko ba single tayo habang-buhay ba't ka nakangiti dyan?” Isang tili ni Hannie ang nagpabalik sa aking diwa.

“Huh?”Kunot-noo kong tanong sa kanya.

“Taksil ka ate! Ba't parang ang close niyo na agad ni Senyorito? Ginayuma mo siya no?”

“Tumahimik ka nga r'yan, Hannie baka may makarinig sayo.” Mahina kong suway sa kanya.   Kakababa ko palang sa hagdan mula sa kwarto ni Senyorito Gideon ay nadatnan ko siyang may malaking ngisi sa labi.

“Pansin ko lang ate, diba inilarawan mo sa akin ang mukha ni Gio na nasa pananginip mo? Parang mag kahawig  silang dalawa ni  si Senyorito Gideon. Di kaya ay iisa lang sila? ” Di kaagad ako nakasagot sa sinabi niya.

“Malabong mag exist sa totong buhay ang nasa panaginip, Hannie. At kong talagang nageexist man si Gio sa totoong buhay, wala parin akong pag-asa sa kanya dahil may mahal na siyang iba.”

“Pero kasi ate--”

“Naku talaganh mga bata. Pumunta na kayo sa mga naka assign na trabaho sa inyo baka ma kita kayo si Senyorito dyan na nag chichismis lang, malakagot tayong tatlo pag nagkataon.” Suway ng Mayordoma kaya bumalik na kami ni Hannie sa aming mga trabaho.

***

“SENYORITO nandito na po yong snack nyo” Nakailang tawag na ako sa kanya pero wala paring sumasagot kaya binuksan ko na ang pinto sa silid niya. Napaawang ang aking bibig sa nakita.

Nakatali ng bakal ang mga kamay at paa ni Senyorito Gideon sa kanyang kama may mga dugo at pasa rin ang kanyang katawan ang mas kinagulat ko ay ang kanyang kulay abong mata kanina ay naging kulay pula.

Nagmamadali kong inilagay sa side table ang aking dalang tray at lumapit sa kanya. Tinanggal ko ang mga bakal na nakatali sa kanya gamit ang martilyo na nasa ilalim ng kama niya.

“S-Senyorito ayos lang ho ba kayo?”  Nag-aalala kong tanong hindi siya sumagot. Kulay pula parin ang kulay ng kanyang mata. Nanigas ang buo kong katawan ng hilain niya ako papalapit sa kanya at hinawi ang aking buhok na nakatakip sa aking leeg.

Naramdaman ko nalang ang matalas na ngipin  na bumaon , sinipsip niya ang aking dugo roon. Di ako makagalaw hanggang sa tuluyan nang manghina ang aking katawan hanggang sa tuluyan nang mawalan ng malay.

The Vampire's Personal Maid(ONGOING)Onde histórias criam vida. Descubra agora