Kabanata 2

1.2K 87 0
                                    


Kabanata 2


NAGISING nalamang ako kinabukasan na nakahiga sa aking sariling kama. Napahawak ako sa aking noo.


Anong nangyari kagabi? Bakit di ko na maalala? Ang naaalala ko lang ay 'yong pag-uusap namin ni Hannie sa kusina pagkatapos 'non ay wala na akong iba pang maalala.



‘Shit! Initusan nga pala ako ni Senyorito Gideon na dalhan siya ng snack sa silid niya! Nadalhan ko na nga ba siya?’

Inis kong napasabunot sa aking buhok. “Ate gising kana pala. Magpahinga ka muna ”


Pumasok si Hannie sa aking silid dala ang hapunan. Napatingin ako sa orasan aas syete na nang gabi. Doon ko lang napagtanto na maghapon akong nakatulog sa aking silid.



“Paki lagay nalang dyan, Hannie salamat. Pupuntahan ko lang si Senyorito may iniutos pa yon siya sa akin na di ko pa nagagawa.”

Nagmamadali akong tumayo mula sa pagkakahiga.

“Wala naman po siyang iniutos sayo, Ate. Ang sinabi lang niya ay magpahinga ka daw muna. Nawalan ka kasi ng malay sa tapat ng kanyang silid kanina. Siya rin ang nagdala sayo sa iyong silid at nagbihis. May lakad kasi kami ni Nanay kanina kaya ayon walang ibang nagbihis sayo kundi siya”

Napamura ako nang mahina.

Binihisan ako ni Senyorito? Kinapa ko ang aking sarili at dali-daling humarap sa malaking salamin.

Mariin akong napabuntong hininga at nagpasalamat dahil wala akong naramdamang kakaiba sa aking katawan maliban sa isang kakaibang tattoo sa aking leeg.



Kulay pula iyon at hugis bituin. Pilit ko iyong tinanggal pero hindi man lang ito natinag.

Sa pagkakaalam ko ay ni minsan hindi ako nagpatattoo. Bakit meron ako nito?

Nagpaalam na si Hannie sa akin at naiwan akong mag isa sa aking silid. Pagkatapos kong kumain ay pumasok ako sa banyo upang maligo at nagbihis ng damit pantulog.

Kumusta na kaya si Gio? Masaya nga ba siya sila ng girlfriend niya?

Mapait akong napangiti at pinunasan ang namumuong luha sa aking mata.

Binuksan ko ang bintana ng aking silid upang makalanghap ng sariwang hangin.

Ilang saglit pa ay biglang umihip ang malakas na hangin kaagad namang tumaas ang aking mga balahibo. Dali-dali ko iyong isinira at napahawak sa aking dibdib sa sobrang kaba.

Lumabas ako sa silid upang hugasan ang mga pinagkainan ko. Napahikab ako at binilisan ang paghugas ng pinggan.

“How's your day? Maayos naba ang paliramdam mo?” Muntikan na akong mapatalon sa gulat ng maramdaman ang pamilyar na pabango no Senyorito Gideon.


Nabitawan ko ang aking hawak na plato mabuti nalang ay hindi iyon nabasag.


Kinakabahan akong humarap sa kanya. Bumungad sa akin ang  nag-aalala niyang mukha.


“Maayos naman ho ang pakiramdam ko, Senyorito ” Simple kong sagot.

“Good to hear that. By the way it's your birthday  tomorrow right?”

Nagulat ako sa sinabi niya. Paanong alam niya na bukas ang birthday ko?

“Hannie told me everything about you. ” Dagdag ka nito na ikina nganga ko. Pahamak talaga ang batang to. Mamaya ka sa sa'kin.


“You're turning twenty-two i am right?” Tumango ako. “Anyway do you have a wish?”


Napaisip ako. Ano nga ba ang gusto ko? Sa nagdaang birthday ko ay ngayon lang may nagtanong sa akin kung ano ang gusto ko sa aking kaarawan.

Nasanay na akong mag celebrate ng normal na birthday. Walang masyadong bisita kami lang nang mga kapwa ko katulong ang magcecelebrate.

Wala akong pamilya maliban sa kanila. Hindi ko alam kung saan ako nag mula.

Ang sabi ng mayordoma ay nakita niya ako sa may sapa malapit sa mansyon ng mga Donatelo na walang. Tinutulungan niya ako at pinangalan sa akin ang Diana Faye Sarmiento.


Kung anong araw nila ako natagpuan sa may sapa ay iyon din ang ginawa nilang kaarawan ko.

Napabalik ako sa reyalidad nang maramdaman kong parang may tumititig sa akin. Deretso akong napatingin sa nga mata ni Senyorito Gideon.

Suminghap ako ng maalala ang nangyari kaninang umaga nang makita uli ang kanyang mga mata na dahan-dahang naging kulay pula.

“S-senyorito ano hong nanyayari sa iyong nga mata?” Lakas loob kong tanong.


“Leave, Diana. Umalis ka na lumayo ka muna sa akin” malamig nitong sagot at tila pinipigilan ang sarili.


Umiling-iling ako. “Hindi ho ako aalis, Senyorito Gideon. ” Matigas kong sabi.

“Leave! Fvcking leave, Diana habang nakapagtitimpi pa ako.”


Mariin siyang pumikit rinig ko ang malakas ng kabog sa kanyang dibdib.


Di ko magawang maihakbang palayo sa kanya ang aking paa sa sobrang kaba at pagkabalisa.

Tatakbo na sana ako papalayo sa kanya pero huli na ang lahat nang mabilis niyang nahuli ang braso ko at marahas na pinaharap sa kanya. He suddenly suck my neck without any hesitation.


“I want to bite your neck and sip your precious blood so much. Ikamamatay ko kung hindi ko matitikman ang iyong dugo ngayong gabi.”

Doon ko napagtantong hindi siya ordinaryong tao.

Isang bampira si Senyorito Gideon.

The Vampire's Personal Maid(ONGOING)Место, где живут истории. Откройте их для себя