Kabanata 6

954 53 0
                                    

Kabanata 6




“SIGURADO kang kaya mo yang bayaran? Gago ang dami ko na palang nabili di ko namalayan”

Binatukan ko ang aking sarili. Aakmang ibabalik ko ang ibang mamahaling bagay na inilagay ko sa cart namin nang pinigilan niya ako.

“I can take care of that. I'm the owner of this mall after all” Nanlaki ang mga mata ko sa gulat.

“Mall mo to? Sure ka? Kaya pala ang tagal mong nakipag-usap kanina dun sa sales lady akala ko ex mo.”

Syempre hininaan ko ang boses ko nang bangitin ko ang huling salita. Baka mapagkamalan niya akong nagseselos kahit konti este hindi naman.

Di na siya nagsalita pa. Pagkatapos naming mamili ay naglakad-lakad kami bumili ako ng cotton candy para sa aming dalawa.

Nung una ay ayaw niya pang kainin yon kaso ayaw niya atang magalit ako sa kanya kaya kumain narin siya.

Naka sampong cotton candy kaming dalawa bago tuluyang nabusog.

Sa di kalayuan ay may perya. Excited ko siyang hinila papasok roon. Matagal-tagal narin akong hindi nakapunta rito kaya gayon nalamang ang aking tuwa.

Mukhang ito ang unang beses na pumunta dito si Gideon. Napatingin ako nang biglang humigpit ang gawak niya sa aking kamay nang tuluyan na kaming nakapasok sa loob.

“Gideon may cellphone ka? Pahiram, picture tayo.” Di na ako nakahintay pa ako na mismo ang kumuha ng cellphone niya sa kaniyang bulsa. Halatang natigilan siya sa ginawa ko.

“Ang pangit mo naman ka bonding! Di ka manlang ngumiti amp. ” Napanguso ako nang tingnan ang kinuha kong litrato. Nakasimangot kasi siya roon.

“Ayaw mo na ba dito? Sige uuwi nalang tayo. ”

Mukhang wala talaga siya sa mood. Gusto ko pa naman sanang maglaro at sumakay kami sa mga rides pero ayaw ko naman siyang pilitin.

Nauna na akong naglakad sa kanya hanggang sa nakarating na ako sa kanyang sasakyan. Doon ko napagtantong hindi siya nakasunod sa likuran ko.

Saan siya nag punta??

Aakmang tatawagin ko na sana siya ng bigla siyang lumitaw sa harapan ko. Sabagay bampira nga naman. Nagulat ako nang makita ang dala niya.

Isang cellophane ng benteng supot ng cotton candy, isaw, hotdog, kwek² at fishball.

“Sorry kanina dahil wala ako sa mood. Kaya binilhan nalang kita nito” Ngumiti ako at mabilis siyang niyakap ng mahigpit ginantihan niya naman ako ng yakap.

Tuwang tuwa ang naging byahe namin pauwi. Habang nag da-drive siya ay sinusubuan ko naman siya. Ngayon ko lang din siya nakitang ganito ka ingay.

Napahawak ako sa aking tyan dahil sa kabusugan.

Nang makapasok kami sa mansyon ay mabilis na nag-iba ang kulay ng mukha ni Gideon nang makita ang lalaking kasalukuyang kausap ng tatay niya.


“It's good to see you again brother.” Magkamukha niya si Gideon maliban sa kulay ng buhok at tattoo.



“Did you miss me, brother?” The guy named Gio smirk. Napalipat naman ito ng tingin sa akin bago lumapit at hinalikan ang kamay ko.



Biglang may kung anong sakit ang naramdaman ko sa aking dibdib ng halikan niya ang kamay ko.


“Hey my lady, good evening.”


Totoo ba itong nasa harapan ko? Walang dudang mas kamukha niya ang lalaking nasa aking panaginip? Siya nga ba ito?

“Stop staring at her, Gio!  ” Galit na asik ni Gideon at sa isang iglap lang ay nasa silid niya na kami.

“Nagkakilala na kayo ng kapatid ko?” Iyan ang unang tanong ni Gideon sa akin.


Dahan-dahan akong tumango.



“That's imposible. Ngayon pa lamang siya nakauwo galing sa ibang bansa.” Napahawak siya sa kanyang noo.




“Siya ang lalaking napapanaginipan ko gabi-gabi. Alam kong ikinuwento na iyan sa iyo no Hannie. ” Huminga ako ng malalim.

“Kung ganon siya ang mahal mo?”Nakakuyom na kamaong tanong pa nito.



“Nagkita na kami sa aking panaginip at mahal ko siya noon. Ngunit may mahal na siyang iba. Hindi ko naman alam na mag-eexist siya. Akala ko nga ikaw ang lalaking napanaginipan ko..”  Dalian kong paliwanag.


“Sino ang mahal mo ngayon? Nevermind. Let me remind you, he's dangerous. Stay away from him as soon as posible. Ikakasal na siya sa iba at ikakasal ka sa akin naintindihan mo ba ako? ” he possessively said.





The Vampire's Personal Maid(ONGOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon