Kabanata 4

1K 75 0
                                    

Kabanata 4

“BAKIT KA AALIS ate? Nagkasagutan po ba kayo ni Donya Dimitrica? ” Nakasimangot akong tiningnan ni Hannie.


Pagkatapos nang usapan namin ng Donya kagabi ay hindi na ako makatulog. Napagdesisyunan ko rin na umalis dito sa mansyon ng mga Donatelo.

Kasalukuyan akong nag-iimpake habang panay naman nang daldal sa akin si Hannie.


Ayaw niyang umalis ako, sila nang Mayordoma. Ngunit wala silang ibang magawa kundi pumayag.

Hindi ko alam kung saan ako pupunta ngayon. Ayoko rin namang magtagal pa dito dahil panigurado akong totohanin ni Donya ang sinabi niya na ipapakasal niya kami ni Senyorito Gideon.

“Wag mo kaming kalimutan ha. Tawagan mo nalang ako ate kung may problema ka, ready to rescue agad ako”


Niyakap ko siya nang mahigpit. Pagkuwa'y nagpaalam narin ko sa Mayordoma at naglakad papuntang terminal dala-dala ang bagahe ko.

May inipon naman akong pera siguro sapat na ito para buhayin ko ang sarili ko. Laking pasasalamat ko at nakakita ako nang murang matutuluyan na apartment pagkarating ko sa kabilang syudad.

***

MAHIGIT DALAWANG LINGGO narin ang lumipas nang umalis ako sa mansyon ng mga Donatelo.


Hindi naging madali para sa akin ang humanap nang trabaho.



Laking pasasalamat ko at may tumulong sa aking babae na nagtratrabaho bilang waitress sa isang bar.


Nakisuyo siya sa manager na papasukin ako sa trabahong iyon, pumayag naman ito.

“HOY! Babaeta ang lalim na naman nang iniisip mo. Kanina kapa tulaley diyan ah”

Rinig kong sabi ni Farien.

“Mabuti pa'y mag ayos ka na ryan sa sarili mo. Baka tawagin na tayo ni Sir ngayon naku. Nga pala may pinabigay sayo yong anak ko.” Nakangiti nitong inabot sa akin ang paper bag. 

Kaagad akong napangiti at binuksan iyon. Puro bulaklak iyon at may kasama pang letter at mga chocolates. Naku talaga tong batang to napakasweet.

Ang swerte swerte naman nang mapapangasawa nya sa paglaki niya.

“Ewan ko nga ba dun sa batang yon. Pitong taong gulang pa yon tapos paulit-ulit niyang sinasabi na may gusto daw siya sayo at papakasalan ka daw niya pag lumaki na siya.” Natatawang kwento nito.

“Sinabi ko na sa kanya na may boyfriend kana kaso ayaw parin paawat.” dagdag pa nito.


“Hayaan mo na. Atsaka wala naman akong boyfriend. ” sabi ko pa.

“Sa ganda mong yan wala kang boyfriend? Pinagloloko mo ba ako, Dia? Kung naging lalaki sana ako malamang shinota na kita.” Inirapan niya ako. Hindi na ako nakipagtalo pa sa kanya dahil hindi rin naman siya maniniwala na nbsb ako.


“Halika na tinawag na tayo ni Sir. ” Napatingin ako sa aking suot na offshoulder at lagpas tuhod na palda. Nagsuot naman ako nang skirt pero hindi parin ako sanay magsuot ng ganito.

***

“What's your order, Sir?” casual na tanong ko sa isang customer. Actually marami silang lalaki na nakaupo sa isang couch.

“Hard drinks, Miss Beautiful. By the way can i take you out?”

Nakangising tanong nito.  “Salamat sir. Pero hindi ho ako bayarang babae na kakaladkarin nyo lang. Waitress po ako rito sir hindi bayarang babae. ” Pormal kong sagot.

“Naku pre. Mahirap yan ayain HAHAHA” tawa pa nang mga kasama nito.Mas lalong lumaki ang ngisi ng lalaki.

“Pakipot ka pa, alam ko namang magugustuhan mo rin ang gagawin natin mamaya. ”

Itinulak niya ako sa bakanteng couch kaya nabitawan ko ang papel at ballpen na aking dala.

Aakmang hahawakan niya na sana ang kamay ko nang kusa kong naikuyom ang aking kamao at nasuntok siya sa tyan.

Nanlaki ang aking mga mata sa nakita. Nabasag lahat nang baso at mga inumin sa mesa nila pati narin sa iba pang mesa. Tumilapon ang lalaki papunta sa dance floor.

Kusang tumakbo palayo ang aking mga paa pagkatapos nang nangyari. May lalaking nakatayo sa may pinto ng bar.

Naka hoddie ito kaya hindi ko maaninag ang kanyang mukha. Pamilyar ang kanyang pangangatawan.

Si Senyorito Gideon....

Bakit siya nandito? Ako ba ang hinahanap niya?

The Vampire's Personal Maid(ONGOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon