Chapter 3

934 52 3
                                    


Nasa kalagitnaan kami ng klase nang biglang pumasok si sir jake sa classroom namin. Lahat ng atensyon namin ay napunta sa kanya dahil sa biglaan niyang pagpasok.

"Uhm. Excuse me maam" mahinang tawag pansin ni sir kay maam stacy "Can i excuse Ms.Santiago for a minute?" tanong niya na ipinagtaka ko!

Bakit ako? Bakit hindi sila?

"Yes sir! You may" magiliw na sagot ni maam stacy "Ms.Santiago. Tawag ka ni sir Jake" mataray na baling sakin ni Ms. Stacy.

Narinig ko po, hindi ako bingi :)

May galit ata sakin tong si Ms. Stacy eh, kanina kang ang lambing at medyo may katuwaan sa boses niya nung si sir jake ang kausap niya. Pero nung ako na ang kakausapin naging mataray na? Aba!

Habang naglalakad palabas ay hindi ko maiwasang mapayuko dahil sa nakakailang na tingin ng aking mga pambwisit na kaklase! Dukutin ko kaya mga mata niyo isa isa?!

Hindi ko alam kung may diperensya ba sa paguutak tong mga to o sadyang malakas lang mambwisit! Tingin palang paniguradong mabubwisit kana! Paano pa pag nagsalita?

Nang makalabas ay agad akong sinalubong ni sir jake. Kahit nagtataka ay lumapit ako sa kanya. Ano ang importanteng pwedeng sabihin ng isang guro sa estudyante sa kalagitnaan ng klase?

"May kailangan po ba kayo sir?" tanong ko kay sir. Malamang ipapatawag ka ba niya kung trip niya lang?

"Marunong ka bang kumanta?" biglang tanong ni sir kaya agad akong napaharap sa kanya.

"Hala sir! Hindi po ako marunong kumanta. Kapag pinakanta niyo ako makakarinig po kayo ng pinipiping yero. Promise yan sir" mabilis na sabi ko kay sir.

"Okay sige hindi na. Pero kailangan mo pading maghanda kase maski ako ay nagulat dahil dance battle lang laban na sinabi kanina. Ang sabi may mga dares pa daw dun at may possibility na kasali ang singing sa dare na yun" paliwanag ni sir sakin

"Sige po sir...T-try ko po ang makakaya ko" nagaalinlangang sabi ko sa kanya

"Sige na bumalik kana sa loob" sabi ni sir at tinaguan ko naman siya.

Yun lang yon? Hindi ba pwedeng kausapin ako ni sir mamayang dismissal? Grabe ang effort ni sir. Marami siguro siyang time kaya naisipan niya pa akong puntahan, hays.

Mukhang napapalaban ako dahil sa opening event na yan ah! Mukhang malalabas ang mga hindi dapat nilalabas! Delikado na ata ako sa campus na to.

Magaling lang talaga akong magpanggap. Wala bang battle para sa pagpapanggap at kaplastikan? Paniguradong mananalo ako kapag meron. Kaya ko ngang makipagplastikan sa mga bida bida kong kaklase eh.

Tumunog na ang bell namin hudyat na tapos na ang mga klase. Salamat naman! Pero bakit parang ang tagal ng oras?

Buti pa yung oras nagtatagal, Samantalang yung relasyon niyo hindi manlang umabot ng 2 days :) Salamat nalang sa lahat👍🏻

Nagulat ako nang may biglang sumulpot sa tabi ko. Nang tignan ko kung sino yon ay napangiti ako. Si alex. Minsan nakakatakot din pala to si alex. Bigla biglang sumusulpot.

"Sabay tayong lumabas!" nakangiting sabi niya "Para safe kang makalabas ng campus" nakangiting dagdag niya at kinuha ang bag na hawak ko

Para namang sinasabi niyang maraming masasamang tao sa campus na to. Parang hindi ako safe makakalabas kung sakali mang magisa lang akong lalabas.

The Only Girl In Our CampusTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon