Chapter 15

625 32 1
                                    

Goodmorning everyone! Kahit hindi maganda ang naging pagiisip ko kagabi ay naging maayos naman ang tulog ko.

Bumangon na ako at naligo Matapos non ay nagluto na ako ng breakfast ko at mabilis na kumain. Hindi ko alam kung bakit nagmamadali akong kumain pero feeling ko magiging masaya ang araw ko ngayon :) Nafi-feel ko lang siya >.<

Bakit? Kase ididistribute na yung subject sa bawat classroom at magkakaroon na ng bawat subjects. This fast few kase ay puro si sir jake ang nagdidiscuss at isa yon sa mga weird na naexperience ko sa campus.

Maraming nagsasabi na ganon daw talaga kapag first three weeks sa school kase may mga event daw kase na pinagtutuunan ng pansin sa first day of class and so on. Kaya hindi nagaabala ang subject distributor na magdistribute ng mga subject per classroom dahil mababalewala yon dahil sa mga darating na events. Gets mo?

At dahil don! Hindi na magiging boring ang klase dahil may ibat iba nang subjects. Mamaya nga tatanungin ko si sir about dun sa mga upcoming events para ready ako diba!

Inayos ko na ang gamit ko at lumabas na ng room ko. Bago ako makababa ng hagdan ay may nakita akong babaeng mukhang bruha pero nakakatakot! Alam mo yung itsura ng white lady!? Yung buhok niya nasa harap pero makikita mo yung isang mata niya at kalat ang mascara niya!

Mabilis akong tumakbo palabas at sakto namang nakasalubong ko si tita jenny! Ang owner ng mga unit dito.

"Oh? Bakit parang takot na takot ka naman yata?" takang tanong niya.

"M-may w-w-whi-te l-ady dun!" hinihingal at nauutal na sabi ko sabay turo sa taas!

"White lady?" takang tanong niya ulit.

Hindi pink! Sinabi ko na ngang white lady diba?

"Opo" magalang na sabi ko padin.

Napatingin ako sa taas at nagulat ako nang dahan dahang bumababa yung white lady!! Hayop may white lady pala sa umaga!

"Ayan po yung white lady!!!!" sigaw ko sabay tago sa likod ni tita jenny.

"Ano ka ba iha! Hindi white lady yan! Janella babatuhin kita ng sandals ko kapag hindi ka umayos!" banta niya.

Sino si janella? Tsaka bakit ganyan yung itsura niya? Bakit sabog 'yung buhok niya tas kalat yung mascara niya? Tsaka bakit naka white long dress siya?

"Teka naman kasi mama! Tinry ko lang naman tong nabili kong dress online" nakasimangot na sabi nung white lady.

"Eh bakit nakarating ka sa floor nila?" tanong ni tita jenny habang nakaturo sakin.

"Nirampa ko lang saglit eh" nakangusong sabi niya.

"Eh bakit ganyan naman yang itsura mo?" tanong ulit niya.

"Ano ba ma! Best actress kaya ang anak mo" sabi niya at tuwang tuwa na bumaba ng hagdan papunta sa gawi namin.

"Oh siya! Athena anak ko yan, Janella at hindi white lady" nakangiting ipinakilala ni tita jenny sakin si janella kaya ngumiti din ako.

"Athena, Sa Room 119 ako nakatira" nakangiting pagpapakilala ko.

Bigla siyang tumingin sa uniform ko at nagulat pa "Sa B Campus ka nagaaral? Eh diba 7:30 am ang pasok niyo?" tanong niya at tumingin sa wall clock na nakasabit sa dingding sa labas. Napatingin din ako dun.

Wtf! 7:43 am na!?

"Kailangan ko na pong umalis! Late na late na po ako...Bye~" mabilis na sabi ko at nagtatatakbo.

Walang hiyang janella kase to eh! Napagkamalan ko tuloy na white lady! Bakit ba ang daming may sapak ngayon dito!?

Nang makarating sa school ay agad akong hinarang ng gwardya! Boset ngayon lang naman ako nalate eh! Baka naman pwedeng palusutin mo muna ko kahit ngayong araw lang na to.

The Only Girl In Our CampusTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon