Chapter 33

469 29 1
                                    


Agad nagyaya si jaydee magswimming matapos naming kumain. Bumalik muna kami sa kwarto namin para mag-bihis ng pang-swimming.

"Suotin mo to athena!" masayang sabi ni jaydee habang inaabot sakin ang black na one piece swimsuit

"Ayoko nga!" agad na tanggi ko

"Bakit naman ayaw mo?" nakakunot ang noong tanong niya "Wag mo sabihin sakin na magpapantulog ka habang nags-swimming?" nakataas ang kilay na tanong niya ulit.

"Hindi ba pwedeng mag short at tshirt habang nags-swimming? Kailangan ba naka swimsuit lahat?" tanong ko at saka lumapit sa dala kong bag para kumuha ng sunblock.

"Sige na suotin mo na to" pamimilit pa niya na agad kong inilingan "Sige na!!!" sabi niya ulit habang hinahampas hampas ang kama, parang bata amp.

Bumulong bulong siya habang nakaupo sa kama. Tinignan ko ang itsura niya at nakabihis na siya, hawak niya padin ang black na swimsuit na ipinapasuot niya sakin.

"Suotin mo na to athena, kung hindi..." sandali siyang nagisip "Hindi na kita papansinin" dagdag niya.

Agad akong umirap "Napaka-isip bata mo jaydee" sabi ko

"Ah sige eto nalang" bigla siyang ngumiti "Ibibigay ko lahat ng nakanganga mong picture kay gino, meron pa nga ako yung nangungulangot ka. Buti nalang meron ako nun" natatawang sabi niya.

Agad nanlaki ang mata ko sa sinabi niya, as usual si jaydee ay si jaydee. Hindi siya si jaydee kung hindi siya makakagawa ng paraan para sa gusto niya.

"Kelan ako nangulangot kasama ka?" tanong ko sa kanya

"Hindi ka ba nangulangot? Edi yung mga nakangangang picture mo nalang habang tulog ka" nakangising sabi niya at kinuha ang cellphone niya "Isesend ko na" nagslowmo pa siya sa pagpindot.

Agad akong lumapit sa kanya at hinampas siya sa braso! Kinuha ko ang swimsuit na binibigay niya tsaka dumiretso sa cr. Narinig ko pa ang pagtawa niya na hindi ko nalang pinansin.

Habang nasa cr ay nakatitig lang ako sa swimsuit na binigay ni jaydee. Hindi ko alam kung dapat ko bang suotin yon dahil hindi naman ako nagsusuot ng swimsuit.

Pumoporma ako pero kahit kailan hindi ako nagswimsuit kapag nags-swimming kami. Tanging shirt at short lang ang sinusuot ko kapag nags-swimming.

Sandali pa akong tumitig sa swimsuit na binigay ni jaydee bago ko napagpasyahang suotin yon. Sabi nga nila ay, you only live once kaya gawin mo na ang bagay na never mo pang nagawa tch!

Lumabas ako habang suot ang shirt ko, pampatong lang. Agad nanlaki ang mata ni jaydee nang makita ang itsura ko.

"Tanggalin mo yung t-shirt!!" reklamo niya at inabot sakin ang isang see through na dress "Eto ang ipalit mo!" utos niya.

Umirap nalang ako dahil wala akong laban sa kanya. Hawak niya ang alas. Sinuot ko na ang see through na dress na binigay niya tsaka humarap sa kanya.

"Oh diba! Bagay" nakangiting sabi niya "Oh tara na" biglang yaya niya.

Lumabas na ako kasunod niya. Habang naglalakad pababa ay pinagtitinginan ako ng mga tao. Ngayon lang ba sila nakakita ng maganda? Ano ba yan kawawa naman sila at ngayon lang nila ako nakita.

Nang makababa ay agad kaming dumiretso sa tabing dagat para icheck kung malamig ba ang tubig at kung maraming tao.

"Tara na athena!" yaya sakin ni jaydee nang makalubog na siya sa tubig.

Agad akong lumapit sa kanya. Nagpunta kami sa malalim na part para magkwentuhan. Yun talaga yung silbi ng pags-swimming namin eh. Pagkekwentuhan.

"Bakit hindi mo nalang sagutin si gino?" agad na tanong ni jaydee.

The Only Girl In Our CampusTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon