Chapter 4

839 46 2
                                    

Goodmorning Wednesday!!

Masakit ang katawan na bumangon ako mula sa pagkakahiga. Kailangan kong magpractice at wag ipakita sa mga baliw kong kaklase na masakit ang katawan ko.

Kailangan manalo nila alex sa pustahan at dapat hindi manalo sila gino at jam na malademonyo ang ugali :|

Naligo na ako dahil wala ako sa mood. Matapos maligo ay nagbihis na ako. Habang nagbibihis ako ay hindi ko maiwasang indahin ang sakit na nararamdaman ko mula sa likod ko.

Hindi nako kakain ng chips na yan kahit kailan!

Nagsuot lang ako ng white na sweatpants at white na tube top na pinatungan ko lang ng polo para hindi naman sobrang reaviling diba?! Nagsuot lang ako ng white shoes dahil masakit ang paa ko tapos tinali ko lang ang buhok ko.

Nagsuot lang ako ng white na sweatpants at white na tube top na pinatungan ko lang ng polo para hindi naman sobrang reaviling diba?! Nagsuot lang ako ng white shoes dahil masakit ang paa ko tapos tinali ko lang ang buhok ko

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Naupo lang muna ako sa sofa at naghanap ng tugtog na gagamitin ko para sa sayaw ko. Mas madali kasi magpractice ng sayaw kapag may tugtog, kahit nasanay ako na magisip muna ng mga pwedeng maging step bago maghanap ng kanta.

Matapos ang ilang minuto ay nakahanap din ako ng sasayawin ko. Taki taki! Isa sa mga sumikat na kanta. Maganda ang beat ng music, madali gawan ng sayaw hehe.

Pero sa ngayon kailangan ko na munang umalis dahil baka malate na ako sa klase ko tsaka ko na muna iisipin kung paano ako makakapagpractice ng maayos.

Habang naglalakad ay hindi ko maiwasang mapangiwi. Nagsasabay ang sakit ng katawan at paa ko. Parang kapag ihahakbang ko ang mga paa ko ay kumikirot din ang likod ko. Isama mo pa na parang pilayan ang paa ko!

Boset talaga!

Nasa gate na ako nang biglang may umakbay sakin. Hahampasin ko na sana yon kaso nakita ko ang nakangiting mukha ni alex sakin.

"Papanoorin kita mamaya magpractice ah kaya galingan mo" sabi niya at dumiretso ng pumasok.

Wtf? Practice lang yon diba? Bakit kailangan galingan pa? Wala naman akong kalaban don. Hindi ako aware na pati pala sa pagpa-practice ng sayaw ay kailangan magaling ka!

Dumiretso nalang ako sa classroom namin dahil nakikita ko na ang mga nasa paligid ko na natitig nanaman sakin! Nakakailang. Hindi pa ba sila masasanay na dito na ako magaaral?

Sabagay, hindi ko din sila masisisi dahil siguro ako lang ang nagiisang babae at katakatakang hindi pa ako kakikitaan ng kagustuhang umalis na ng school.

Pagdating ko sa classroom ay nagulat ako dahil nakapila sila. Anong trip netong mga toh? 18 roses? Ayy hindi! 19 roses? Ayy mali! Hindi pala sila kasali lahat.

Lumakad na ako papasok at bigla naman nilang nilahad yung kamay nila. Sabay sabay nila yong nilahad at para silang may performance dahil parang domino ang naging galaw nila.

"Justine" pagpapakilala nung nasa unahang pila. Cute siya kasing tangkad ko lang at mukhang playboy. Well, lahat naman sila mukhang playboy.

"Baste" pagpapakilala namang nung sumunod. Gwapo siya at ang lakas ng dating pero ekis padin kase masyadong gwapo, sabi nga diba? Humanap ka ng pangit at ibigin mong tunay!

The Only Girl In Our CampusTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon