Chapter 47

477 23 1
                                    


Nang makabalik sa maynila ay inayos ko lahat ng kailangan kong ipasa. 4th quarter na kaya kailangan seryosong pagtuturo na sa mga bata ang gawin ko.

Bago kami umalis ng bulacan ay humingi ng sorry sina jamoy at tita geth dahil sa ginawa nila. Hindi naman sila mukhang sincere pero hayaan mo na, sino bang may pake?

Nagkaroon din kami ng maliit na usapan ni gino. Doon ko nalaman na kagagawan pala yon ng ex niya na umuwi galing ibang bansa. She did well! Napaghiwalay niya kami eh.

Ngayon ay naniniwala na ako kay agatha sa sinabi niyang walang ibang dapat sisihin kundi si alicia na ex ni gino! Walang hiya siya! Char lang. Mema arte lang ganon.

Okay naman na kami at "Manliligaw" daw siya. Hinayaan ko nalang siya dahil feeling niya teen siya.

Naninibago na sakin ang mga estudyante ko dahil hindi na ako madalas nagpapalaro lalo na kapag namimili ako sa dalawang topic. Puro na sila reklamo dahil puro seatwork ang ibinibigay ko sa kanila.

Hindi ko sila masisisi dahil minsan na din akong naging estudyante at alam ko ang nararamdaman nila kapag may mga school works.

"Hahatid mo ba si yohan sa airport?" tanong ni ally sakin.

Umiling ako "Busy" simpleng sagot.

Sigurado naman akong maiintindihan yon ni yohan. Tsaka tatawagan ko nalang siya kmmamaya kapag may time.

"Anong oras ba flight niya?" tanong ulit ni ally.

Kumunot ang noo ko "Mukha bang ako yung eroplano? Ako ba yung aalis?" kunot noong tanong ko sa kanya.

"Malay mo alam mo" natatawang sabi niya kaya inirapan ko lang siya.

Tatayo na sana ako nang may marinig na katok sa pintuan namin kaso bigla akong pinigilan ni ally. Pero pinigilan ko din siya hanggang sa parehas naming hindi nabuksan ang pintuan.

"Bubuksan nalang ang pinto ang aarte pa!" sabi ni jaydee na kalalabas lang ng banyo.

Padabog niyang binuksan ang pinto at bumungad samin ang isang magandang babae na nakashades at may hawak na cup ng coffee ng isang kilalang coffee shop ang nasa labas ng pinto namin.

Nang tanggalin nung babae ang shades niya ay agad naningkit ang mata ko. Parang nakita ko na siya sa kung saan pero hindi ko lang maalala. Pilit kong tinitigan ang mukha niya pero hindi ko parin maalala kung saan!

"Dito ba nakatira si Athena Santiago?" tanong nung babae kaya napatayo ako.

"Anong kailangan mo sakin?" mataray kong tanong.

Naramdaman ko ang pagkurot ni ally sa hita ko kaya mahina akong natawa. Malay mo lang naman matakot sakin tas umalis diba?! Grabe makakurot ah!

"I'm Alicia Rodriguez" pagpapakilala niya.

Alicia?! Siya ba yung aliciang demonyo sa utak ko? Siya ba yung kobtrabida sa buhay ko? My gosh. Lumiliit na lalo ang mundo ko at lumalapit na sakin ang demons.

"Oh, ano naman ngayon?" bored na tanong ni jaydee "Ano bang kailangan- sorry kung medyo bastos- kay athena dahil pare parehas namin kailangan ng pahinga" sabi niya.

"Nandito ako para kausapin si athena" sabi niya na nakapagpalaki ng mata ko.

"Ako?" hindi makapaniwalang tanong ko

"Pwede ba?" tanong niya kaya tumango ako at lumabas ng unit.

Sinyesan ko si jaydee na isarado na ang pinto dahil nakita ko pa ang masama niyang tingin kay 'alicia'.

The Only Girl In Our CampusTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon