Chapter 16

584 32 0
                                    

Nang magising ako kinabukasan ay mabilis akong kumilos at Pumasok sa school! Ayoko nang malate baka kase masabihan nanaman ako ng warfreak ng mga tao sa tabi tabi!

Nang makarating sa school ay dumiretso kaagad ako sa clssroom namin dahil wala naman na akong ibang gagawin bago ako pumasok sa classroom namin. boring!

Hindi pa ako nakakarating sa classroom ay sinalubong kaagad ako ni sir jake.

"Kunin mo ang uniform mo sa admin office" parang nagmamadaling sabi ni sir.

"Ayy may uniform na?" malungkot na tanong ko kay sir.

"Kailangan na since nagbigayan na ng subject" nakangiting sabi niya "Hindi kase maganda tignan na mga nakacivillian kayong papasok sa school, hindi ba?" dagdag niya pa.

"Oo nga po sir" nakangusong sabi ko sakanya.

"Hindi na kita masasamahan sa admin's office kase may importante pa akong lalakarin ngayon. Pero pwede ka namang pumunta sa admin's office kahit anong oras ang gusto mo pero kailangan ngayon araw" nakangiting sabi ni sir sakin.

"Sige po sir ako nang bahala" sabi ko kay sir.

"Oh sige na mauna na ako" sabi niya at nagmadaling umalis.

Bakit naman kaya nagmamadali yun si sir? Jusko po athena! Pati ba naman buhay ng teacher mo pinakialaman mo na?!

Hindi ko nalang pinansin at dumiretso na ako sa classroom namin. Kelan kaya magiging exciting tong klase nato! Sabagay kasisimula palang kase ng klase kaya medyo boring pa kaya ganon talaga. Siguro?

Pagpasok ko ay maingay at iba't ibang klase ng bulungan ang naririnig. Sabi ko na eh hindi talaga school tong pinasukan ko!

"Ang dinig ko nung dumating tayo sa faculty room ay magkakaroon tayo ng retreat!" dinig kong bulong ni justine

"Ayy nadinig ko na din yan! At ang balita ko ay makakasama natin yung ibang kalevel natin sa ibang campus!" dinig ko namang bulong ni Daniel.

Hindi ko na sila pinakinggan dahil ampangit sa side ko na mas maingay pa sila kesa sakin tch!

Kaya siguro nagmamadali si sir kanina ay baka dahil don? Baka kailangan niyang asikasuhin yung mga bagay na kailangan niyang asikasuhin. Ano daw?

Inisip ko nalang kung anong oras ako dadaan sa admin's office. Admin's office. Dun kami nagbabayad ng tuition fee at kung ano ano pang fee ng school. Dun din dumideretso ang president ng bawat section para magreport ng mga nangyayari sa loob ng isang classroom- every 2 months yon.

Merong apat na teacher na nakaassign sa admin's room. Ang isa ay para sa fee's at ang isa naman ay para sa mga reports. Ang dalawa ay sub lang kung sakaling maraming ang biglaang lumapit o pumunta sa admin's office.

Wala pa kaming president or officer sa loob ng classroom kase nextweek pa magbobotohan. bakit ko nalaman ang mga yan? Dahil sinabi sakin ni Carl bago niya pa ako hindi pansinin. Matagal na yon at buti nalang natatandaan ko pa.

Nagsimula ang klase namin at ang inaasahan ko ay kahit papaano hindi ako mabobored kase nga may iba't ibang subjects na pero nagkamali ako! Ang boring padin ng klase namin!

Nang matapos ang klase ay nagkaroon kami ng lunch break kaya inayos ko na ang mga gamit ko at inayos yon sa upuan ko. Kinuha ko lang ang wallet ko at akmang bababa na nang biglang may humawak sa palapulsuhan ko.

Tinignan ko kung sino ang pumigil sakin at nakita kong si alex yon!

"Pwede na ba kitang makausap ngayon? Kung kukuhanin mo yung uniform pwede namang mamaya yon hindi ba? Nagoovertime ang mga admins" sabi niya kaya wala na akong ibang nagawa kung hindi tumango.

The Only Girl In Our CampusTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon