Chapter 18

538 35 0
                                    


Gino's Pov

Nang makauwi ako sa bahay ay agad akong dumiretso sa kwarto ko dahil wala akong balak makipag usap sa mga tao dito sa bahay. Araw araw nalang nila akong sinasalubong at sinasabihang kumain na! Hindi ba sila nagiisip? Kung gusto kong kumain syempre kakain ako!

"Hoy! Mukha kang t*nga" sigaw ni shane sakin bago pa ako pumasok sa kwarto ko.

Tumaas ang kilay ko at mabilis na lumapit sakanya. Agad ko siyang binatukan at niyakap!

"Kelan ka pa umuwi?" nakangiting tanong.

"Tignan mo to!" sabi niya sabay turo sakin "Pagkatapos akong batukan tatanungin ako ng nakangiti! Baliw kaba?" mayabang na tanong niya.

"Kelan ka nga umuwi?" nakataas ang dalawang kilay na tanong ko ulit sakanya.

Ngumiti siya sakin "Matagal na akong umuwi" sabi niya na kinakunot ng noo ko "Sadyang di lang ako nagpapakita sayo HAHAHA" sabi niya at malakas na tumawa "Tsaka isa pa..." binitin niya pa ang sasabihin niya at tumingin ng deretso sa mga mata ko "Sa boyfriend ko ako umuuwi" sabi niya na ikinalaki ng mata ko!

Agad kong pinalibot ang braso ko sa leeg niya- sakto lang yung alam kong hindi siya masasaktan

"Kelan ka pa nagkaboyfriend? Alam ba nila mom and dad yan? Bakit hindi ka nagsasabi sakin na nakauwi kana pala? Bakit ang tigas ng ulo mo? Gusto mo bang bumalik sa canada?" sunod sunod na tanong ko.

Umubo ubo muna siya bago siya magsalita "Pwede ba! Bitawan mo nga ako!" sabi niya sabay tulak sakin. "Ikaw ang isusumbong ko kila mom and dad para ipatapon ka sa canada! Tch!" salubong ang kilay na sabi niya habang nakahawak pa sa leeg niya. "Fyi! Alam nila mom na may boyfriend na ako at alam din nila mom na hindi ko sinabi sayong umuwi na ako!" sabi niya at tumayo. "Papasok na ako sa kwarto ko! Bye! Kuya! " sabi niya at mabilis na tumakbo papunta sa kwarto niya.

Sinundan ko siya ng tingin at hindi ko inalis ang tingin sa kanya kahit nakasarado na ang pinto ng kwarto niya!

Kelan pa kaya nakauwi yung babae na yun? Hindi ako makapaniwala kase alam nila mom and dad na hindi sinabi sakin ni shane and yet hindi nila sinabi sakin? What the hell!

Malaking problema to pagnagkataon!

Agad akong pumasok sa kwarto ko at dinial ang number ni Jam. Nakailang ring muna bago niya sinagot.

"We have a big problem" bungad ko sakanya pagkasagot niya ng tawag.

"What kind of problem?" tanong niya sa kabilang linya.

"Shane is back!" inis na sabi ko. Narinig ko ang pagtawa niya sa kabilang linya.

"Ikaw lang ang may problema tol HAHAHA kapag nagkataong umiral ang topak ng kapatid mo ay paniguradong bistado ka HAHA" nangaasar na sabi niya sa kabilang linya.

"Hey! Pupunta ako diyan sa inyo. I need a plan" sabi ko at agad na pinatay ang tawag.

Nagmadali akong lumabas ng kwarto at nakita ko si shane na nakangisi sakin habang nakasandal sa pintuan ng kwarto niya.

"Nakakatakot ba na bumalik na ako?" nakangising tanong niya "Don't worry bro! I got you HEHE" sabi niya at mabilis na pumasok sa kwarto niya

Kahit kelan talaga ang lakas ng sapak!

Mabilis akong tumakbo papunta sa kotse ko pero hindi pa man ako nakakasakay sa kotse ko ay biglang bumuhos ang malakas na ulan!

"Shit! Kahit kelan malas talaga!" inis na sabi ko at bumalik sa loob ng bahay para kumuha ng payong.

The Only Girl In Our CampusTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon