3

536 22 7
                                    

Justin's POV


                "Lakas ng amats mo pre, ginawa mo talaga yun?"
Natatawang sabi ni Stell sa akin.

"Ang daya, sigurado kapag ako ang nasa posisyon ni Rain, hindi gagawin ni Jah yun.."
Segunda pa ni Josh na ngi-ngiti ngiti lang.

"Tsk"


Kasalukuyan akong nasa library ngayon kasama ang buong Syclups. Dito kami madalas tumambay dahil si Paulo, Josh, at Ken ay mahilig magbasa.

At tska para makaiwas na rin sa crowd at ingay..



"Patingin nga"
Wika naman ni Ken sabay haplos sa hita ko na agad kong ikinasigaw. Masakit kasi!

"ARAY!"


Napalingon sa direksyon namin ang librarian pero niyukuan lang ni Paulo kaya tapos na, wala ng problema.


"Bakit kasi bigla bigla mong inihaharang ang paa mo, hindi ka si Iron Man okay? Paano kung naputolan ka ng buto?"
Sermon pa ni Josh.



"Worth it naman eh, nakita ko kung paano mag alala sa akin si Rain.."
Sabi ko sabay ngiti sa kawalan.
Utomatiko talaga akong napapangiti kapag naaalala ko ang babaeng iyon..


Feeling ko talaga nagayuma ako eh..


"Just be careful on playing with her, Justin. Maaaring siya ang puntiryahin ng mga fans mo. It will make a huge trouble.."
Biglang wika ni Paulo habang abala siya sa pagbabasa.

Nagsalita na ang aming pinuno..


"I'm not playing with her, Paulo.. Seryoso ako.."

Napangiwi pa sila Stell at Josh na kunwari'y nadidiri sa inaasta ko. Binilatan ko lang sila at umirap.
Mga inggit lang eh..




"Lakas ng amats mo.."
Ken murmured.

Bakit? Totoo naman ah.. Hindi pa sila nasanay, ilang linggo na akong ganito. Bukod sa mga lessons ko, puro si Rain Quenirry nalang ang bigla biglang pumapasok sa isip ko.


Wala namang kakaiba sa kanya.
Simple lang siya.

Pero...



Sobrang kakaiba ng dating niya sa akin.
The way she ignores me, the way she said nothing, the way she look at me blankly, it's so special for me...


Wala siyang ginagawa pero naaakit na ako.



Sabi nila Josh, baka daw nacha-challenge lang ako since siya pa lang ang babaeng hindi ako nagugustuhan.
Pero hindi ko alam eh..


I look forward on seeing her in university everyday. Omygod, I've gone nuts..



"Nagugutom nako.. Tara na"
Aya ni Stell.

Nagkatanguan naman kaming lima at sabay sabay ng naglakad palabas.
Napatingin sa amin ang ibang estudyanteng naroon at ilan sa kanila'y pinagpantasyahan pa kami.


Habang naglalakad pa papuntang canteen, nasaksihan na naman namin ang pangkaraniwanag kumpolan ng mga babae sa daan na araw araw ng nangyayari sa buhay namin.


Their endless fantasies and dreams about us are filling our world. Pero bilang Pride ng University, we have to bear it. Magsisilbi na rin kaming role model.



Though medyo nakakapagod, lahat kasi ng galaw mo, pinapanood nila. At kahit na personal na bagay, kailangan mo pang isipin ng ilang beses kung makaka apekto ba ito sa imahe mo.. Haist..



She And Her Cold Heart (Syclups #1) Where stories live. Discover now