11

307 21 2
                                    

Justin's POV

               I started knocking three times in the door right after i arrived. Seconds later, the door open and a old woman greeted me.

"Hello po ma'am, ito po ba ang bahay ng mga Quenirry?"
Malambing kong tanong.


Tumango tango naman sila at pinapasok ako.
"Oo iho, maupo ka muna at ikukuha kita ng maiinom"

The lady seems to be 70-80 years old.
I bet, she's Rain's grandmother.

Lumingon lingon ako sa kabuoan ng bahay.
Hindi ko alam kasi kung anong pumasok sa utak ko at binisita ang pamilya ni Rain.
I get the address from Rose, thanks to her.


"Ito iho.."
Sabi ng lola sabay lapag ng tubig.


Lumabas rin mula sa isang kwarto ang isang bata at dalaga na satingin ko sa 16 years old, pati na rin ang isang lalaki na sa tingin ko ay 45 years old.


They're must be Rain's relatives.

Tumayo naman ako at isa isa silang binati.


"Ano nga pala ang sadya mo iho?"
Uncle asked.

Umupo silang lahat sa harap ko at ngumiti.
I don't know what expression to use but i need to be more polite.

They are my future family-in-laws... Joke, hahaha.



"Ako nga po pala si Justin De Dios, andito po ako para magpakilala na rin bilang manliligaw ni Rain.."

Woah bro, that's fast.
Kinakabahan talaga ako kanina pa kung paano haharapin at kakausapin ang pamilya niya.


"R-rain?"

Unti unting nawala ang mga ngiti nila sa sinabi ko at nagtinginan. Oh no.. Masyado ba akong naging mabilis?
Shoot, rejected na nga ako kay Rain, pati ba naman sa pamilya niya?

Ouch ha..



"Asan po pala ang mga magulang niya?"
Tanong ko


This time, sobrang naging tahimik sila at walang sinabi. Weird. Pati rin ang bahay, walang bakas ni Rain doon eh. Kahit sana picture ni Rain doon sa isang cabinet diba?
Pero wala akong makita..


Picture lang ni Rose at ng ibang kamag anak nila..


"A-ah iho.. Kumain kana muna"
Pag aaya ni lola.


"Hindi na po la, kumain na po ako. Gusto ko lang po sanang magpakilala sa parents niya bilang respeto na din.."
Sabi ko sabay ngiti pa ng malawak.


Biglang tumayo ang uncle niya sabay sabing,
"Wala sila"
Then he walked out.


Wala sila? Nagtratrabaho ba?


"Iho.. Hindi ba nasabi sayo ni Rain?"
Tanong ng lola na napakunot sa noo ko.





Sabihin ang alin?








***



                   I'm quietly walking in the hallway while carrying my book. Until now, hindi pa rin ako makarecover sa sinabing iyon ni lola kanina.

Nasa school na ako pero nasa bahay pa rin na iyon ang isip ko.



Who would ever wonder na parehas ng patay ang magulang ni Rain?
Sobrang naaawa ako para sa kanya.
It explains everything why she's so cold hearted.


Siguro sobra siyang nalulungkot sa pagkawala ng mga magulang niya..
Haist,


My Rain is so fragile...


Nawala lang sa isip ko ang mga isiping iyon nang makita ko siyang naglalakad rin sa hallway na nilalakadan ko.
I think she's also heading to our collaboration room.

Napangiti ako at agad na lumapit sa kanya.



Nagbulongan ang mga nakakita sa amin pero hindi ko nalang pinansin.
Ilang araw ko ng hindi nakikita ang babaeng ito,

I miss her blanked face.


"Hi Rain, good afternoon"
Bati ko.


As usual, hindi siya sumagot na parang walang Narinig. Dire-diretso lang siya sa paglalakad habang may hawak na notebook.

It's her sketch book.

You see, i know almost everything about her, but why does her status didn't appear in my mind before..



"Nag lunch kana ba?"
Tanong ko ulit.


"Omg, bakit kasama ni Justin ang babaeng iyan?"

"What's their relation?"

"I underestimated this cold girl, she seduced my Justin!"


Napansin ni Rain ang mga bulungang iyon at agad na pinahinto ako sa pagsunod sa kanya.
Pero hindi rin ako nakinig at patuloy lang na naglakad para sundan siya.



"Ako, oo tapos na. Masarap kasi magluto ang lola mo, napadami tuloy ako ng kain. Nakakahiya.."

Nakangiti pa ako ng malawak nang bigla siyang tumigil sa paglalakad at hinarap ako.

"Anong sabi mo?"
She's looking at me with a strange look.
Teka, kinakausap na niya ako ng kusa?
Naksss.


"Sabi ko, masarap magluto ang lola mo kay—"

"You knew her?"


Napakunot ako pero kalauna'y ngumiti rin.
"Uh, oo. Kani-kanina lang.. Binisita ko sila"
Sabi ko at kumamot sa batok.


Kinikilig kasi ako na kinakausap siya.

"You even visited them!"

Natigilan ako nung bigla siyang sumigaw.
I blinked three times and gulp when i saw her eyes glaring at me.


"Bilang tao, don't you think you're so nosy? Can you please respect my privacy and leave my world?!"

Wala akong masabi at magawa nang makita ko ang mata niyang nanunubig.
Naestatwa ako doon hanggang sa dumating si Rose sa harap namin.

"Hey what's up?"
She said.

Hindi umalis sa akin ang tingin ni Rain until her tear fell down.


"Wala kang karapatang pasukin ang mundo ko, Justin. Wala"
Pagkatapos niyang sabihin iyon, umalis na siya sa paningin namin..








D-did.. Did i made her cry?

She And Her Cold Heart (Syclups #1) Where stories live. Discover now