28

339 24 6
                                    

Rain's POV

                    "Uy ano? Ready kana ba? Bakit ang tagal mo?! Male-late na tayo Rose Quenirry!"

Halos pasigaw na sabi ko na sa kanya mula sa labas ng kwarto niya.

"Ito na, malapit na!"

Haist, ilang layer ba ng make up ang ginagawa niya sa mukha niya? Kung maka ayos naman tong babaeng ito akala niya kasal niya.

Oo, importante din ang ganap ngayon, pero required ba talagang mag make up siya ng ilang oras?!

After some minutes, sa wakas ay bumukas na ang pinto at lumabas ito suot ang isang formal dress.

Yayayain ko na sana siyang umalis pero kumunot ang noo nito at pinagmasdan ang kabuoan ko.
"Sa tingin mo makaka alis ka ng bahay nang ganyan ang itsura? No way!"


Wala akong nagawa kundi mapasigaw nang bigla niya akong hilain papasok ng kwarto niya at hinila sa harap ng salamin at mga make up niya.


Ito na nga ba ang ikinakatakot ko.










***
Justin's POV

                      "Ready naba? Si Paulo? Magbibigay pa yun ng speech ah.."

Tarantang wika ni Stell habang inaayos ang damit at ang dalang bag.
Ewan ko kung para saan.

Hindi naman na siya papasok eh.

"Relax, Stell. Nauna na si Paulo, aayusin na niya ang lahat"
Pagpapakalma naman ni Josh.


Sabay sabay na kaming sumakay sa van at tahimik na sinimulan ang byahe.
Oo, tahimik ako. Pero halo halo ang nararamdaman ko.


Masaya na malungkot na nanghihinyang na ewan. Parang ayoko pang bitawan ang lugar na iyon. Madami kaming nabuong memorya na dadalhin ko sa buong buhay ko.

Dahil after lot of difficulties, sufferings, challenges, pains within that four years, sa wakas..




GRADUATE NA KAMI!




"So anong plano niyo after this?"
I asked between silence.



"Ano paba? Edi maghahanap ng trabaho. Nakakita kana ba ng fresh graduate na nagpakasal agad?"
Sarkastikong sagot ni Stell na nasa likod.



"May iba nga nagpapakasal kahit na di pa graduate eh"
Sabat naman ni Ken na ikinatawa namin.


Savage but true.



"Ikaw, Jah?"
Tanong ni Josh.


"Secret"
Nakangiting sagot ko.



"Secret?"
Sabay sabay na ulit nila.



Kaming dalawa lang ang nakaka alam ng plano ko for the future.
Kaming dalawa lang.


Kahit na hindi ako sure kung kailan ako balak sagutin ni Rain, kahit na natatakot ako na baka wala lang ang lahat, kahit na medyo napapagod na ako minsan, hihintayin ko pa rin siya.


Kung gusto pa niya ng isa pang taon, kakayanin at willing ako. Para sa kanya.



Hindi din ako nagsisisi kasi kung hindi ako pinaghintay ng halos dalawang taon ni Rain, hindi ko malalaman kung gaano ko kalakas at katibay ng pagmamahal ko para sa kanya.




Huminto ang van, hudyat na nakarating na kami sa lugar na naghihintay sa amin.

Hindi ko alam kung paano, pero bigla nalang kaming sabay sabay na napabuntong hininga.

She And Her Cold Heart (Syclups #1) Where stories live. Discover now