9

355 20 3
                                    

Justin's POV

                      "But guys, come to think of it. Ginawa ko na ang lahat para mapalapit siya sa akin, pero layo lang siyang lumayo, what else can i do?.."

Sabi ko at bumusangot.

Narinig ko naman ang maliliit na tawa at ngiwi nila habang nakatingin sa akin.

"You really don't know her"
Said Rose.

Yes, it's Rose.


This past days, napapalapit sa Syclups si Rose. Maybe a bit fast but she is friendly and funny. Hindi siya mahirap pakisamahan hindi tulad ng ibang babae.
At alam ko din ang sekreto niya..

She likes Josh.


I once warned her that she'll might get hurt pero binilat lang ako ng bruha.



"Kapag gumawa ka ng bagay na ikakalapit niyo sa isa't isa, lalo siyang lalayo.. Kapag gumawa ka naman ng bagay na ikalalayo niyong dalawa.. Uhm, ikalalayo niyo pa rin, hihihi"

Napatampal sa noo si Stell sa sinabing iyon ni Rose.

We're talking about Rain, about what happened that night. Ngayon ko lang nakwento dahil pagkatapos niyon ay biglang naging busy ang klase namin.

Ayokong isipin ni Rain na dahil doon ay pinanghinaan na agad ako ng loob, hindi pwede.



"Si Rose lang ang malapit sa buhay niya"
Wika naman ni Ken na ngayon ay nagbabasa ng magazine.

"True"
Segunda naman ni Josh.



"What? Are you envying me now Mr. Justin?"
Pang aasar naman ni Rose sabay higup ng kapeng inorder niya.


Nasa canteen kami ngayon, oo, may ibang taong napapatingin sa amin. Pero ang akala kasi nila ay kababata ng isa sa amin si Rose kaya hindi nila ginawan ng kahit anong issue.

Mabuti na rin.


"Rose.. Kailangan na nga ata talaga kitang patumbahin."
Pabirong banta ko sabay duro sa kanya na ikinatawa naman ni Stell at Josh.


"Sorry Mr. Justin, but I'm irreplaceable. Bleeehhhh!"
Pang aasar rin niya sabay dilat.

"Quiet"
Paulo seriously said.


"C'mon Pau, wala tayo sa library"
Stell grimaced.


We're in the middle of our own laughters when two person suddenly enter the canteen.
Natahimik at napatigil kaming anim nang makita kung sino ang taong iyon.

Lumukot ang noo ko sa nakita.
Sino at bakit niya kasama ang taong yan na ngayon ko lang nakita, huh?


Rain is seriously talking to a guy while holding her paper. They were ordering and didn't even notice us.


Nakakainis, bakit kapag sa akin layo siya ng layo?
Bakit sa lalaking ito, kung magsalita siya akala niya reporter siya ng Abs Cbn?
Disgusting!


Lalapit na sana ako nang bigla akong pinigilan ni Paulo.
"Don't be impulsive"
Wika niya.

Tinawag naman siya ni Rose. She glance a bit and our eyes met for a second. Then after that, she ignored us again.

Masasabi kong kahit na ganun kabilis ang tingin niyang iyon sa akin, hindi pa rin mababago o mababawasan ang epekto niya sa buong sistema ko.


Ewan ko ba, sobrang cheesy pero.. Nag s-slowmo talaga ang lahat sa akin kapag nakatingin siya eh..
Am i possessed?

"Let's focus on this part.."

"Yes, this might be the theme there.."

After that words from them, they left. Umalis siya na parang walang nakita.. For real? Talagang iiwasan niya ako? Like, ok i admit, hindi kami close pero.. Argh basta, it just made me feel bad..


"Rose, sino yun?"
Stell asked out of nowhere..


Unti unti kaming nabalik sa kaninang ginagawa namin pero hindi ko pa rin maalis sa isip ko ang nakita ko kanina.
Guys, may kasama siyang lalaki...

Alam mo(a'tin) yung feeling na nakita mo si Justin ng SB19 na may kasamang babae..

"Hindi niyo kilala?!"
Rose hissed as she sit in front of us.

Sabay sabay naman kaming tumingin sa kanya at sabay sabay ring umiling.

Nalaglag naman ang balikat niya at napabuntong hininga.


"Omg Syclups, alam kong sikat kayo. Pero hindi niyo ba alam na kilalanin ang ibang sikat rin sa puder niyo?"

Kumunot naman ang noo ko sa sinabi niya.
"What do you mean?"


She clapped her hands two times then spoked nonstop.

"Zaijan Montero, 22 years old, architectural student, model, famous everywhere, handsome overload, madaming fans, matalino, talented, gentleman, pangarap ng lahat ng babae, at.."


"At?" -Syclups


"Hindi ko alam kung totoo, wala din naman kasing sinasabi sa akin si Rain.. Pero may rumor na mag ex sila.."




"WHAT?!!?"
Hindi ko mapigilang mapasigaw sa sinabi niya. Pati mga tindera sa canteen ay napapalingon na rin.

Tinapiktapik ni Stell at Josh ang magkabilang balikat ko habang ako ay naiwang nakatunga.

"Poor Justin, may love rival kana agad?"
Said Josh, half comfort, half mocked.

Bakit ngayon ko lang nalaman na may ex pala si Rain!?
Akala ko pa naman ako ang magiging first niya kung sakali. At tska... Sobrang unbelievable kasi, kailan, bakit, at saan siya nagkaroon ng boyfriend dati?!


"Okay lang yan Jah, madami ka namang magagandang fans eh.."
Segunda naman ni Stell.

"Do you think they can replace Rain? Huh?"
Inis kong sabi.



"At saka isa pa,"
Tumayo ako at nagtaas noo.
"Nasa akin rin ang lahat ng kalingkingan niya. Mas gwapo pa nga ako dun eh.."



Napailing iling si Josh at Paulo sa sinabi ko na akala mo'y disagree sila. Aba teka nga, ako yung kagrupo, ba't hindi man lang nila ako suportahan!?


"That's useless, my dear. Close siya kay Rain, at iyon.. Ang hindi mo magagawa"
Pang aasar muli ni Rose.


Aba, sumusobra na tong babaeng toh ah.
Mapanakit.


"Tumigil ka, ex is ex. Expired! They're just talking about designs. Kapag natapos ang project, sa tingin mo papansinin pa siya ni Rain? Sus."
Sabi ko sabay walk out.

Naiinis ako eh.


Anong karapatan ng Zaijan na yun na lapitan si Rain? Ex na nga eh, kapal ng mukha? Boiset..

She And Her Cold Heart (Syclups #1) Where stories live. Discover now