Chapter 34

493 10 2
                                    

Vhong's POV

Andito kami ngayon sa sala, sina Anne, Coleen, Jhong at Billy ay busy sa paglalaro ng video game. Si K nasa kusina may ginagawa. Kami naman ni Vice ay nandito sa gilid, pinapanuod sina Anne magvideo game.

Mukhang masaya na si Anne. Mukhang naka move on na nga talaga sya sa nangyari.

Habang pinagmamasdan at pinapanuod ko si Anne, hindi ko namalayan na kinakausap na pala ako si Vice. Kaya nagulat ako ng kalabitin na nya ako.

"Hoy! Vhong, nakikinig ka ba sa kwento ko?" Saad ni Vice

Pero hindi ko sya narinig at nakatingin pa rin ako kay Anne. Bumalik lang ako sa sarili ko ng kalabitin na nya ako

"Hoy, Vhong!" Saad nya
"Ha? Ano ulit yung sinasabi mo?" Saad ko sa kanya pabalik
"Ayos ka lang ba? kanina pa kita kinakausap, lumilipad na naman yung utak mo." Saad nya pa
"Ok lang ako." Sabi ko sa kanya habang nakatingin pa rin kay Anne.

Sinundan naman nya ng tingin ung tinitingnan ko. At tumingin sya sa akin sabay hila sa akin sa may hagdan.

"Halika nga Vhong, mag usap tayo." Saad nya at hinila ako sa may hagdanan.
"Teka lang Vice, kailangan kong bantayan si Coleen." Pagpigil ko sa kanya
"Si Coleen ba talaga?" Saad nya naman. Hindi na ko sumagot at sumama na lang ako sa kanya

Nang makarating kami sa hagdan. Hinarap nya ako para makipagusap.

"Vhong, tapatin mo nga ako. Mahal mo pa ba si Anne?" Seryosong saad nya
"Hi-hindi naman nawala yun eh. Kahit kailan hindi mawawala ang pagmamahal ko kay Anne." Malungkot kong Saad habang nakayuko
"Oh bakit hindi mo ligawan ulit?"
"Panno ko gagawin yun eh kung hindi nya ako kinakausap at sa tuwing dumadaan ako sa harap niya eh para lang akong hanging hindi nakikita." Malungkot kong saad
"Wag ka magalala tutulungan ka naman namin eh. Andito ako, si K at si Coleen. Tutulungan ka namin." Saad nya
"Atsaka sa pagbabati nyo magkakapatid, tutulungan ka namin." Dagdag pa nya.
"Hayaan mo muna Vice, siguro sa tamang panahon na lang. At kung maayos na ang lahat. Pero sa ngayon, Makukuntento muna ako sa pag sulyap ko sa kanya." Malungkot kong saad
"Oh sige, hahayaan ka muna namin sa desisyon mong yan. Pero pag handa kana ulit ligawan sya at kung maayos na ang lahat andito lang kami ha. Tandaan mo yan." Saad nya at niyakap ako. Niyakap ko na rin sya pabalik
"Salamat Vice." Pagpapasalamt ko sa kanya
"Walang anuman Vhong." Saad nya at kumalas sa yakap.
"Halika na nga, pumunta na tayo sa sala." Pagaya nya sa akin. Tumango na lang ako at sinundan sya.

Nang makabalik kami sa sala. Ganun pa rin silang apat, abala pa rin sila sa paglalaro ng video game. Andon na din si K, nanonood sa kanila. Pero nagulat kaming lahat ng may sumigaw sa pintuan ng bahay nila. Kaya lahat kami ay napalingon sa direksyon na yun.

"I'm HOME!!!!!" Sigaw ng lalaki sa may pinto.

Nagulat ako sa nakita ko. Hindi ko alam kung ano ang magiging reaksyon ko sa nakikita ko ngayon.

"Daddy!!!!!" Sigaw nina Anne at Coleen, sabay takbo sa kinaroroonan ng daddy nila

Nanigas ang buong katawan ko at para bang ayaw lumakad ng mga paa ko papunta sa daddy ni Anne. Bumabalik na naman sa akin lahat ng napanuod ko at nalaman ko. Nakita kong nakatingin sina Billy at Jhong sa akin at para bang nagaalala sila sa magiging reaksyon ko.

Bumalik na lang ako sa ulirat ng marinig ko si Coleen na magsalita.

"Daddy, come! We would like you to meet our bodyguards." Saad ni Coleen
"Sure baby Coleen. Where are they?" Saad ng daddy nila
"Nasa sala po. Halika na." Sagot naman ni Coleen at hinila ang daddy nya

Fall Inlove With A Secret AgentNơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ