Chapter 46

332 6 3
                                    

Vhong's POV

Nang magising ako, puro puti ang nakikita ko. Asan ako? Inilibot ko ang mata ko at nakita ko sina Billy na nakapalibot sa akin. Kumpleto silang andito except kay Anne.

"Kuys mabuti at gising kana? Kamusta ang pakiramdam mo?" Tanong ni Billy
"Okay lang ako. Asan si Anne?" Tanong ko sa kanila.

Nagtinginan lang sila bago nila ako sagutin.

"Ah kasi Vhong, umalis ng bansa si Anne. 2 days ago." Saad ni K
"Ba-bakit?" Takang tanong ko sa kanila
"Kasi kuya Vhong, ayaw ka na daw nya masaktan ng dahil sa kanya. Kaya mabuti pa daw ay lumayo muna sya." Saad ni Coleen
"Nga pala Vhong, may iniwang sulat si Anne para sayo. Ito oh basahin mo." Saad ni Vice at ibinigay sa akin ang sulat.

Hindi ko muna iyon binasa at itinabi ko muna.

"Hindi mo ba muna babasahin?" Tanong ni Jhong
"Hindi muna. Hindi pa ko handa." Saad ko sa kanila

Hindi na nila ako pinilit na basahin yung sulat. Hindi pa ko handa basahin ang sulat na ibinigay ni Anne. Hindi ko pa kayang tanggapin na umalis sya ng bansa at iniwan akong mag isa.

Ilang araw pa ang nakalipas, mas nagiging ok na ang katawan ko. Ngayong araw ay makakauwi na rin ako.

"Ayos na kuys, pwede kana daw lumabas." Saad ni Billy
"Mabuti naman. Naiinip na ko dito sa ospital eh." Saad ko sa kanila
"Oh ano tara na. San ka ba uuwi? Sa condo mo?" Tanong ni Jhong
"Oo dun muna ko." Saad ko sa kanila
"Taralets na papa Vhong." Saad ni Vice.

Sabay sabay kaming lumabas ng kwarto. Hinatid nila akong lahat sa Condo ko.

"Oh hindi ba kayo papasok sa loob?" Tanong ko sa kanila
"Hindi na kuya Vhong. Magpahinga kana. Mauna na kami." Saad ni Coleen
"Cge salamat sa paghatid at sa pagbabantay sa akin sa ospital." Saad ko sa kanila
"Wala yun Vhong. Magkakaibigan tayo eh." Saad ni K
"Mauna na kami papa Vhong. Bye" saad ni Vice

Umalis na silang lahat at naiwan ako sa tapat ng pinto ng condo ko. Pagkapasok ko, namiss ko ang bahay na to.

Pero may isang tao ang namimiss ko na ng sobra sobra. Asan na kaya sya? Kamusta na kaya sya? Ok lang kaya sya?

Ang dami kong tanong na hindi masagot. Kaya naisip kong basahin ang sulat na iniwan nya. Ito na siguro ang tamang oras para basahin yun.

Agad kong kinuha ang sulat sa bag ko kasama ang panyo na iniwan nya sa gilid ng kama ko. Binasa ko naman ang laman ng sulat.

Dear Vhong,

Hi Babe! I miss you. Siguro sa mga oras na binabasa mo to ay wala na ko ng bansa. Patawarin mo ko kung hindi na ko nakapagpaalam sayo, alam ko kasing pipigilan mo lang ako. Ito na lang din kasi ang alam kong paraan para maging ligtas ka at hindi na mapahamak pa ng dahil sa akin. Sana maintindihan mo kung bakit ko to ginawa. Para sa ikakabuti mo din ito. Hanggat magkasama tayo laging malalagay sa peligro ang buhay mo at yun ang ayaw ko ng mangyari pa. Kapag naulit pa ang mga yon, baka hindi ko na kayanin pa. Sana intindihin mo na kaya ako umalis ay hindi dahil hindi kita mahal. Umalis ako para maging ligtas ka at hindi kana mapahamak pa. Sana maging masaya ka. Wag ka mag alala babalik naman ako pag handa na ako. Mahal na mahal kita Vhong lagi mong tatandaan yan, hindi ka mawawala sa puso ko pangako yan. Goodbye Vhong. And See you SOON. I love you.

Love,
Anne

Hindi ko mapigilan ang hindi maluha. Lumayo si Anne dahil gusto nyang maging ligtas ako at hindi na ko mapahamak pa.

Gusto mo ako maging masaya Anne? Pano ko gagawin yun kung yung mismong magpapasaya sa akin ay umalis at nagpakalayo para lang maging ligtas ako. Mas gugustuhin ko pa iligtas ka ng iligtas basta lagi lang kitang kasama.

Pero sige, kung yan ang gusto mo. Pipilitin kong maging masaya alang alang sayo.

Mahal na mahal din kita Anne, and i will see you soon.

A/N: awwwww!! kawawa naman ang ating mga bida. Magkita pa kaya silang dalawa? Happy ending pa ba ito? Or Ending na lang???

Thanks for reading...

Dont Forget to...
FOLLOW
VOTE
COMMENT

Follow me on...
twitter.com/Angelahermosa18
Instagram/Angelhermosa18

Fall Inlove With A Secret AgentWaar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu