Chapter 48

355 13 7
                                    

Anne's POV

Nagpasama ako kina Billy, papunta sa puntod ni Vhong.

"Gusto ko makita ang puntod ni Vhong." Saad ko sa kanila
"Sigurado ka ba dyan Anne?" Tanong ni K
"Oo." Tipid kong sagot
"Cge kung yan ang gusto mo. Manong, pakideretso po muna sa heritage park." Saad ni Billy

Habang nasa biyahe, hindi ako mapalagay. Hindi ko alam kung kakayanin kong makita ang puntod ni Vhong.

Makalipas ang 30 mins.nakarating na kami sa sementeryo, kung saan nakalibing si Vhong.

Sinamahan nila akong puntahan ang puntod ni Vhong. Pero nag paalam silang umalis muna.

"Anne, iiwan kana muna namin. Para makapagmuni muni ka muna." Pagpapaalam ni Jhong

Tumango na lang ako atsaka sila umalis. Naiwan ako magisa sa harap ng puntod ni Vhong at umupo sa harap nito.

"Vhong naman eh, bakit mo ko iniwan? Umalis ako para hindi kna mapahamak pa. Pero nagkamali ako, hindi dapat kita iniwan. Kung sana hindi ako umalis, edi sana buhay ka pa hanggang ngayon. Patawarin mo ko Vhong. Ano pa silbi ng buhay ko kung wala kana? Mahal na mahal kita Vhong." Saad ko habang patuloy pa rin umiiyak

Gusto ko na syang yakapin pero alam ko na kailan man hindi na mangyayari yun.

"Hindi ko inaasahan na sa ganitong paraan tayo magkikita ulit. Vhong!" Saad ko
"Sana kahit saglit makita at mayakap kita, pero alam kong kailanman hindi na mangyayari pa yun." Dagdag ko pa

Pero ilang saglit pa , may batang lalaki ang lumapit sa akin at may iniabot.

"Ate, may nagpapabigay po nito." Sabi ng bata at iniabot sa akin ang isang panyo
"Wag ka na daw pong umiyak. Ayaw daw po nya ikaw nakikitang umiiyak." Saad nung bata. at agad tumakbo paalis
"Sandali!" Pagpigil ko pero huli na, nakalayo na yung bata.

Familiar ang mga linyang sinabi ng bata, parang ilang beses ko na narinig ang mga linya na yan. Si- si Vhong???!! Oo tama kay Vhong ko narinig ang mga salitang yun. Agad kong tinignan ang panyo na iniabot ng bata sa akin kanina.

Teka panyo ko to ah. Ito ang panyo na iniwan ko sa kama ni Vhong nung huli naming pagkikita. Hindi ako pwedeng magkamali.

Lumingon lingon ako baka sakaling makita ko ulit yung bata, pero wala na sya.

Agad akong humarap ulit sa puntod ni Vhong.

"Ang bilis mo naman magparamdam Vhong." Sabi ko sa kanya at ngumiti,

"Tingnan mo Vhong oh, suot ko ung kwintas na binigay mo. Wag ka magalala hindi ko na to huhubarin para lagi kang nasa puso ko. Alam mo Vhong, ang dami kong kwento sayo. Sana andito ka noh. Para makukwento ko sayo ng personal. Pero alam ko naman na hindi na pwede mangyari pa yun. Miss na miss na kita Vhong. Gustong gusto na kita yakapin ulit. Pero hindi ko magawa." Saad ko at muling umiyak

Ilang sandali naramdaman kong may lumapit sa akin na isang lalaki.

"Hi miss, bakit ka umiiyak? wag kana umiyak. Ang ganda ganda mo pa naman. " Saad ng boses sa likod ko.

That voice! Hindi ako pwede magkamali...

Agad akong lumingon sa likod ko at nakita ko ang isang familiar na mukha.

"VHONG?!" gulat na tanong ko
"Hi Anne." Saad nito nang nakangiti
"I-ikaw nga." Saad ko at niyakap sya ng mahigpit na mahigpit
"Aray ko naman Anne, hindi ako makahinga." Saad nya kaya bumitaw na ko sa pagkakayakap.
"Pero pano nangyari to?kung buhay ka sino tong iniiyakan ko?" Tanong ko sa kanya.

Ikinuwento nya sa akin lahat lahat. Na plinano nya daw lahat ng to para daw surpresahin ako.

Pero imbis na matuwa ako. Sinampal ko sya.

PAK!!

"Aray ko Anne, bakit mo ko sinampal?" Galit nyang saad
"Dahil yan sa pag papaiyak mo sa akin. Hindi mo alam kung ganno ko nasaktan at mas lalong hindi mo alam kung gaano gumuho ang mundo ko ng malaman kong patay kana. Tapos malalaman kong plinano mo lahat." Saad ko sa kanya habang umiiyak. Atsaka ako nag walk out.

Nakakainis ka Vhong, plinano mong lahat ng to. Nakakainis ka talaga.

Agad naman nya akong hinabol at nagback hug sa akin.

"Wag kana magalit, ginawa ko lang yun dahil gusto ko malaman kung ano ang magiging reaksyon mo pag nalaman mo na patay na ko." Saad nya habang naka back hug pa rin sa akin
"Ngayong alam mo na ang reaksyon ko, masaya kana. Pinaiyak mo na naman ako. Ang sabi mo hindi mo na ko paiiyakin. Pero anong ginawa mo pinaiyak mo ako ng drum drum. Nakakainis ka Vhong." Saad ko sa kanya
"Wag kana magalit Anne. Sorry na." Saad nya at iniharap ako sa kanya
"Mababawi ba ng sorry mo yung mga iniyak ko kani....." naputol ang sasabihin ko ng hinalikan nya ko sa lips

Tumagal ang halikan namin ng 10 secs.bago nya ito putulin

"Kaya nga nagsosorry eh. Sorry kung pinaiyak kita. Hindi na mauulit to. Promise." Saad nya pa
"Sige na nga, You are forgiven. Basta ayaw ko na mauulit yung ginawa mong yun. Hindi ko alam kung ano na mangyayari sa akin kapag nangyari talga sayo yun. Mahal na mahal kaya kita." Saad ko sa kanya
"Mahal na mahal din kita." Saad nya

At nagulat ako ng bigla syang lumuhod at may kinuha sa bulsa nyang maliit na box.

"Anne Tan, are you willing to be mrs. Vhong Ford. Anne will you marry me?" Saad nya at binuksan ang isang box, naiyak ako sa sobrang tuwa.
"Yes, i will marry you." Saad ko.

Agad niyang sinuot sa akin ang isang diamond ring at niyakap ako ng napaka higpit

"I love you so much Anne Tan." Saad nya
"I love you too Vhong Ford." Saad ko

Oh i really love this man. And I dont know how to live without him. I'm willing to be with him for the rest of our lives.

A/N: wanna know, kung panno nabuo ang surprise ni Vhongskie? Abangan ang next chapter. Btw, Last 2 chapters na lang to and it will be end na..

Thanks for reading...

Dont Forget to...
FOLLOW
VOTE
COMMENT

Follow me on...
twitter.com/Angelahermosa18
Instagram/Angelhermosa18

Fall Inlove With A Secret AgentМесто, где живут истории. Откройте их для себя