Chapter 45

357 8 2
                                    

Anne's POV

Agad naming dinala si Vhong sa ospital.

"Hanggang dito na lang po kayo." Pagpigil ng nurse sa amin na makapasok sa loob

Naiwan kaming tatlo dito sa labas ng OR at naghintay ng balita. Hindi pa rin ako tumitigil sa pagiyak kahit pinapatahan na ko nina Billy at Jhong.

"Anne wag kana umiyak. Tinext ko na sina Vice kung nasan tayo papunta na sila ngayon." Saad ni Jhong

Ilang saglit pa ay dumating na si Vice kasama si K at Coleen.

"Ate!" Pagtawag ni Coleen
"Asan si Vhong?" Tanong ni Vice
"Nasa loob pa, tinamaan sya ng bala." Saad ni Jhong
"Ate ayos ka lang ba?" Tanong ni Coleen
"Ayos lang ako. Kasalanan ko kung bakit nalagay na naman ang buhay ni Vhong sa peligro. Kung sana nagpaalam ako bago umalis eh di sana hindi mangyayari ang lahat ng ito at hindi mapapahamak si Vhong. Lagi na lang nya ko nililigtas." Saad ko habang umiiyak
"Wag mo sisihin ang sarili mo Anne. Ganon ka lang talaga kamahal ni Vhong, kaya ka niya nililigtas." Saad ni K
"Oo nga Anne, wag kna umiyak. Hindi ba sabi ni kuys Vhong, ayaw nya na nakikita kang umiiyak? Atsaka matapang yun si Vhong. Diba nga nakailang tama na ng bala si Kuys Vhong pero nalalagpasan naman nya lahat ng yun. Kaya wag kana umiyak." Dagdag pa ni Billy
"Tama si K at Billy , Anne lumaban ka para kay Vhong." Saad ni Vice

Ilang sandali pa ay lumabas na ng OR ang doctor ni Vhong. At agad kaming kinausap.

"Kayo ba ang kasama ng pasyente?" Tanong nung doktor
"Yes po doc, kumusta na po si Vhong." Tanong ko
"No need to worry, The patient is okay. Mag pasalamat na lang tayo at malakas ang katawan ng pasyente at lumalaban sya, dahil hindi biro ang mga nangyari sa kanya. Ililipat na lang namin sya sa ordinary room para makapagpahinga. At hintayin na lang natin ang magising sya. Excuse me." Saad ng doctor
"Thank you ho doc." Pagpapasalamat namin sa doctor

Umalis na yung doctor at hinintay na lang namin na mailipat si Vhong sa kwarto nya.

Nang mailipat si Vhong sa kwarto nya, pinauna akong papasukin nila Vice sa loob.

"Sige na Anne, mauna kana pumasok." Saad ni Vice, tumango na lang ako at pumasok na sa loob.

Nang makapasok ako sa loob, wala pa rin syang malay. Nakita ko naman ang kaawa awang mukha ni Vhong. Napaka raming pasa ni Vhong. Muli akong naiyak sa mga nakita ko. Kasalanan ko to.

Lumapit ako sa kanya at umupo sa gilid ng kama nya. Hinawakan ko ang kamay nya at kinausap ko sya.

"Vhong, patawarin mo ko. Kasalanan ko to. Hindi ka sana magkakaganyan kung hindi ako umalis ng bahay ng walang paalam. Lagi mo na lang ako nililigtas. Lagi ka na lang napapahamak ng dahil sa akin. Sorry!! Siguro kailangan muna natin maghiwalay, hanggat magkasama tayo lagi kang masasaktan. Ayaw ko na maulit ang mga nangyari at mas ayaw ko na mawala ka ng tuluyan sa akin. Masakit itong gagawin ko Vhong at alam kong pwedeng hindi mo ko mapatawad sa gagawin ko, pero kailangan ko to gawin para sa kapakanan mo. Ito na lang kasi ang naiisip kong paraan para maging ligtas ka. Mahal na mahal kita Vhong tandaan mo yan. Sana maging masaya ka at makahanap ka ng iba." Saad ko habang umiiyak. Hinalikan ko sya sa noo at umalis na ko ng kwarto nya. Iniwan ko sa kamay nya ang panyo na may pangalan ko.

Nang makaalis ako ng kwarto ni Vhong. Agad akong umuwi ng bahay ni Vhong para mag impake, kailangan ko muna magpakalayo layo. Laging mapapahamak si Vhong pag magkasama kami.

Pag tapos ko mag impake, nag pabook ako agad ng flight papuntang london.

Tinawagan ko sina Vice para magkita kita kaming lahat. Sasabihin ko sa kanila ang plano ko.

Fall Inlove With A Secret AgentUnde poveștirile trăiesc. Descoperă acum