Chapter 49

347 9 2
                                    

Vhong's POV

Gusto nyo ba malaman kung pano ko ginawa lahat. Sasabihin ko sa inyo ang naging plano ko.

Flashback...

1 year na din ang nakalipas since ng umalis si Anne. Miss na miss ko na sya.

Pinilit kong maging masaya, pero hindi ko magawa. Hindi na ko naghanap ng iba. Hinihintay ko syang bumalik.

Ako na ang nag papalakad sa AV Agency at legal na to.

Si Billy katulong ni Coleen at Anne sa pagpapalakad ng Tan Company. Si Jhong naman inalok ko ng mataas na pwesto sa AV agency pero tinanggihan nya ito. Mas gusto daw nyang magtayo ng isang dance studio. Para magturo ng mga sayaw sa ibang tao. Nagmamay-ari na sya ng isang malaking dance studio sa bansa. Si Vice at K naman ay inalok ng mataas na pwesto nina Billy at Coleen sa Tan company.

Isa pa rin kaming mga secret agent . Ako, si Billy at si Jhong.

Hindi naman nawala yung communication nya sa barkada. At kasama na ko don.

Ngaung araw kokontak si Anne sa amin. Pero bago pa sya tumawag kinausap ko muna si Jhong.

"Kuys Jhong?!" Pagtawag ko kay Jhong
"Bakit?!" Sabi nya ng makalapit sa akin
"May hihingin sana akong pabor."
"Ano yun?"
"Kuys Jhong kapag tatawag si Anne, wag mong sasabihin na ako na ang nagpapalakad ng AV agency. Sabihin mo ikaw ang nagpapalakad nito. Maliwanag ba?" Saad ko kay Jhong.
"Pero bakit?" Takang tanong niya
"Basta! Pwede ba?" Saad ko sa kanya Tumango naman sya bilang pagsangayon.

Ilang minuto pa kinontak na niya kami. Kumpleto kami ng tumawag sya. Pero hindi ako nagpapakita sa kanya. Nagtago ako sa likod mg computer para hindi nya ako makita.

"Hi guys, i miss you." Bati nya

Napangiti ako ng marinig ko yung boses nya.

"We miss you too Anne." Saad nila.
"So kumusta naman ang london?" Tanong ni Jhong
"London is london." Saad niya
"So kamusta naman ang ViceRylle?" Tanong nya pa
"Ok kami Anne, kami na nga eh." saad ni Vice
"Talaga?! Congrats"
"Thanks Anne, so kamusta ka naman dyan?" Tanong ni K
"Ok lang naman. Miss na miss ko na nga kayo eh." Saad nya at may lungkot sa boses nya
"Kailan ka ba kasi uuwi ate?" Tanong ni Coleen
"Soon bebe girl, soon." Saad nya
"So maiba tayo, kamusta na kayo ni Billy?" Tanong nya pa
"Ok lang kami Anne, kami na nga din eh." Masayang saad ni Billy
"Great. Yung bilin ko sayo Billy ha. Wag mo kakalimutan." Bilin nya kay Billy
"Oo naman, ako pa ba." Saad ni Billy
"Good, so ano na ganap dyan?" Tanong ni Anne
"Well, owner na ako ng AV Agency at legal na ito." Saad ni Jhong

Mukhang nagulat naman ang iba ng sinabi ni Jhong na sya ang may ari ng av agency kaya napatingin silang lahat sa akin. Sumenyas naman ako ng ok lang.

Tinuloy na nilang makipagusap kay Anne.

"Kami naman ate, ang nagmamanage ni Billy ng Company natin."
"at Kami naman ni Kurba, kinuha ni Coleen sa company nyo bilang supervisor." Saad ni Vice
"Im so happy for you guys." Masayang Saad niya
"By the way, asan si Vhong? Galit pa rin ba sya sa akin?" Saad nya,

May lungkot at pagalala ang boses nya.

Tumingin naman ulit sina Vice sa akin at sinenyasan ko sila na wala ako. Mabuti na lang at Nakisakay naman sila.

"Ah Anne, kailangan na naming umalis. May gagawin pa kami eh." Saad ni Billy
"Ganon ba, cge go a head. Bye guys, i miss you and i will see you soon." Pagpapaalam nya
"Bye Anne. We miss you too and see you soon." Saad nilang lahat

Agad nilang pinatay ang computer at humarap sa akin.

"Bakit hindi ka nagpakita kay Anne?" Tanong ni Vice
"Oo nga Vhong, narinig mo naman yung boses nya may lungkot." Dagdag pa ni K
"Siguradong miss na miss kana nung tao?" Saad naman ni Billy
"Hindi mo ba namimiss si Ate? Ha kuya Vhong?" Tanong ni Coleen
"Galit ka pa rin ba kay Anne, dahil sa ginawa nyang pagiwan sayo? Dba para sayo naman yun?" Saad ni Jhong

Fall Inlove With A Secret AgentWhere stories live. Discover now