Chapter 42

337 8 2
                                    

Vhong's POV

Malapit na mag alas 9 ng gabi, at iyon na ang oras ng pagkikita namin ni Gel.

Sinilip ko ang kwarto ng bawat isa para makasiguradong tulog na nga silang lahat.

Pag silip ko mukhang mahimbing naman ang tulog nila.

Dahan dahan akong umalis ng bahay para hindi sila magising. Nang makalabas ako ng bahay, agad akong nag punta magisa sa park. Nakita ko naman na may Van na naka tigil doon. Mukhang ito na ang susundo sa akin.

Lumapit ako sa Van para siguraduhin na ito nga ang sinasabi ni Gel. Nang makalapit ako sa Van, bigla na lang may pumokpok sa likod ko dahilan para mawalan ako ng malay.

Jhong's POV

Maaga kami nagsiakyat, para na rin ihanda ang mga sarili namin para sa plano. Nagpunta na kami sa kanya kanya naming mga kwarto.

Habang naghihintay kami ng hudyat, naramdaman kong parang may nagbubukas ng doorknob ng kwarto ko, alam kong si Vhong to. Kaya agad akong nagtulog tulogan.

Nang magbukas ang pinto, naramdaman kong lumapit ito sa akin. Siguro gusto nya icheck kung siguradong tulog na kami.

Nang masiguradong tulog na ako. Lumabas na agad ito ng pinto.

Agad kong tinext sina Billy, Vice, K at Coleen kung nagpunta na si Vhong sa mga kwarto nila.

Group Message...

Guys, nagpunta na ba dyan si Vhong sa mga kwarto nyo?

Message Sent...

4 messages received...
From: Billy
Oo kuys

From: Vice
Oo, mukhang naninigurado tong si Vhong ah

From: K
Oo, Jhong kakaalis nya lang dito sa kwarto ko

From: Coleen
Oo kuya Jhong, ano na ang gagawin natin.

Group Message...

Maghanda na kayo. Pag narinig nyong tumunog ang pintuan sa baba, ibig sabihin umalis na si Vhong.

Message Sent...

Maya maya pa ay narinig na namin ang hudyat na naka alis na nga si Vhong. Kaya agad kaming nagsilabasan ng mga kwarto namin.

"Ano handa na ba kayo?" Tanong ko sa kanila
"Always ready." Sagot ni Billy
"Oo naman no." Saad naman ni Vice
"Ready na ready na." Sabay na saad nina K at Coleen.
"Tara na, baka makalayo na si Vhong." Saad ko sa kanila

Agad kaming lumabas ng bahay. Mabuti na lang at hindi pa nakakalayo si Vhong.

Sinusundan lang namin sya, hanggang sa makarating kami sa park na malapit sa bahay nya.

"Ano ang gagawin nya dito sa park?" Tanong ni Billy
"Baka naman magiisip isip lang yan." Saad ni Vice
"Sssssshhhhhh!!! Wag kayong maingay. Iba ang kutob ko dito." Saad ko sa kanila

Nagmasid lang kami sa gagawin ni Vhong. Maya maya pa ay lumapit sya sa Van na nakaparada malapit sa park.

Nang makalapit sya dito, agad syang pinokpok ng isang lalaki sa likod dahilan para mawalan ng malay si Vhong. Agad nilang isinakay si Vhong sa Van at umalis.

"Oh my gosh!" Gulat na saad ni Coleen
"Tara na dalian nyo, kailangan nating sundan yung Van." Saad ko sa kanila
"Pero pano? Wala naman tayong sasakyan?" Tanong ni Billy

Fall Inlove With A Secret AgentWhere stories live. Discover now