Chapter 40

392 8 2
                                    

Anne's POV

Ilang days na rin kami nakatira dito sa bahay ni Vhong. At sobrang inip na inip na ko. Hindi ako makalabas ng bahay.

Pumunta ko sa kusina para maghanap ng makakain. Pagbukas ko ng ref, wala ng laman. Paubos na pala ang groceries namin. Kailangan ng bumili ulit.

Ting...

Oh yeah I have a bright idea...

Ako na lang ang bibili ng groceries. Malapit lang naman ang supermarket dito sa bahay ni Vhong eh. Ako na lang ang bibili.

Nagready na ako para pumunta sa supermarket. Hindi na ko nag paalam sa kanila. Tulog silang lahat eh. Actually ako lang ang gising ngayong tanghali. At lahat sila ayun tulog mantika at kasama na si Vhong don.

Nagiwan na lang ako ng note sa may ref, incase na hanapin nila ako.

Note:

Paubos na yung groceries natin, kaya bibili muna ko. Hindi ko na kayo ginising kasi mahimbing ang mga tulog nyo. Dont worry i will be fine. Babalik din ako agad.

Anne

Pagkatapos ko isulat yung note ay idinikit ko na yun sa ref. At agad umalis ng bahay.

Habang naglalakad ako, parang may sumusunod sa akin na isang Van. Bigla akong nakaramdam ng kaba, kaya agad kong binilisan ang paglalakad ko. Pero huli na. Naabutan ako ng Van.

Tumigil ang Van sa mismong harapan ko, at may mga lalaking bumaba at pilit akong pinapasakay sa loob. Nagpupumiglas ako at sumisigaw pero bigla na lang may nagpaamoy sa akin ng panyo at nawalan na ako ng malay.

Vhong's POV

"Anne? Anne?!" Sigaw ko at napabangon ako sa higaan ko.

Pawis na pawis ako at hinahabol ko yung hininga ko ng magising ako. Panaginip lang pala akala ko totoo na. Huminga ako ng malalim, bago ko lumabas ng kwarto ko.

Paglabas ko ng kwarto ko, agad akong pumunta sa kwarto ni Anne para silipin sya. Pagkatok ko, walang sumasagot kaya binuksan ko yung doorknob. Pagtingin ko wala sya don at mukhang hindi nya pa nagagalaw yung kama nya.

Asan kaya yun? Baka nasa baba lang. Pagbaba ko nakita ko sina Vice, K, Coleen, Billy at Jhong. Pero wala si Anne.

"Guys nasan si Anne?" Tanong ko sa kanila
"Wala ba sa kwarto nya?" Saad ni Billy
"Wala eh. Sinilip ko na. At mukhang hindi sya natulog don." Saad ko sa kanila
"Eh kanina pa namin hindi nakikita si Ate, ang akala namin natutulog lang sya sa kwarto nya." Saad ni Coleen

Pumunta ng kusina si Vice para kumuha ng tubig. Nang sumigaw ito ng napakalakas.

"VHONGGGGGGGG?!!!!" Pagtawag ni Vice
"Bakit? Makasigaw naman to. Rinig ka ng kapit bahay." Saad ni Billy
"Si Vhong ka ba?" Pamimilosopo ni Vice kay Billy
"Hindi!" Saad ni Billy
"Eh bakit ikaw ang lumapit?"
"Wala lang."
"Ano ba yun Vice? Bakit ka ba sumisigaw?" Tanong ko sa kanya baka mag away na naman tong dalawang to.
"Vhong, si Anne umalis ng bahay ng walang paalam." Nagaalalang saad ni Vice
"Panno mo nalaman?" Tanong ko
"Ito oh basahin mo." Saad ni Vice at iniabot sa akin ang isang maliit na papel.

Binasa ko yung note na binigay ni Vice.

Note:

Paubos na yung groceries natin, kaya bibili muna ko. Hindi ko na kayo ginising kasi mahimbing ang mga tulog nyo. Dont worry i will be fine. Babalik din ako agad.

Fall Inlove With A Secret AgentWhere stories live. Discover now