Chapter 36

464 11 1
                                    

Anne's POV

Nang magising ako, andito ako sa backseat nakahiga. At naka kumot ng jacket. Teka, asan na ba kami? Bumangon ako at nakita ko si Vhong nasa labas at may kausap sa phone.

Lumabas ako ng kotse at nagmasid kung nasan na kami. Mukhang bakanteng lote ito ah.

Naririnig ko naman si Vhong na may kausap sa phone.

"Hello! Billy kamusta kayo?" Tanong nito sa kausap sa phone.

Mukhang si Billy ang kausap nito ah. Tinuloy ko lang ang pakikinig sa usapan nila.

"Ok lang kami, natutulog pa si Anne. Asan kayo ngayon?"
"Cge, magkita tayo sa rest house ko sa tagaytay. Hindi alam ni Gel yung bahay ko don."
"Walang nakaka alam ng bahay ko don kung hindi ako. Simula ng magtrabaho tayo bilang secret agent, nagpatayo ako ng bahay sa tagaytay para sa mga ganitong sitwasyon at para sa pahingahan ko na din."

Te-teka tama ba ang rinig ko? Isa siyang secret agent?

"Cge itetext ko sa iyo yung address. Magiingat kayo. Siguraduhin nyong walang makakasunod sa inyo don."
"Oo ako na bahala kay Anne. Para saan pa ang pagiging isang secret agent kung hindi ko kayang protektahan si Anne." Saad nito kay Billy
"Cge." Saad niya at ibinaba na ang phone

Hindi sya agad lumingon sa kinaroroonan ko ngayon. Tinext nya siguro ung address ng resthouse nya.

Pagkaharap nya, nagulat sya ng makita akong nakatayo sa may kotse.

"Oh gising ka na pala." Pambungad nyang saad sa akin
"Who are you?" Tanong ko
"Im Vhong Ford." Simpleng saad nya at lumakad na sya palapit sa kotse.
"I said who are you? At ano ba talaga ang trabaho mo?" Tanong ko ulit
"You dont need to know." Maiksi saad niya
"I need too. Malay ko bang kasabwat ka din pala ng mga gusto pumatay sa amin, at palabas lang yung ginawa mo. At isusuko mo din kami sa kanila, o di kaya ikaw mismo ang papatay sa amin. " Saad ko

Tama ba yung sinabi ko sa kanya? Tama bang paghinalaan ko sya ng ganon? Sa kabila ng pagligtas nya sa akin.

"You want to know the truth? Fine! Im Vhong Ford, a top secret agent. As well as Billy and Jhong, kaming tatlo ang top secret agents ng AV agency. At kinuha kami ng daddy mo para bantayan kayo magkapatid. Sa totoo lang, hindi kasama sa trabaho namin ang pagbabantay kasi ang totoong trabaho namin eh ang humuli ng mga drug lords. At sana inisip mo na kung gagawin ko lahat ng binibintang mo sa akin, mag isip ka sana muna mabuti. Sana nung una pa lang hinayaan ko ng tamaan ka ng bala, at hindi na ako nagaksaya ng panahon na iligtas ka." Saad nya sa akin

Nashock ako sa mga sinabi niya. Isa silang secret agent? Napatahimik na lang ako sa mga sinabi niya.

"Kaya kung wala kana sasabihin, mabuti pa pumasok kana sa kotse at aalis na tayo." Saad niya pa ulit

Lumakad na sya papunta sa driver seat.

"Saan tayo pupunta?" Tanong ko
"Sa resthouse ko sa tagaytay. Papunta na sina Billy at Jhong don." Saad niya

Pumasok na siya sa loob ng kotse, ganun din ako. Sa buong biyahe namin, tahimik lang ako na nakatingin sa bintana, nahihiya ako sa mga nasabi ko sa kanya. Bakit ko ba kasi nasabi yun sa kanya. Ang tanga ko talaga. Siya naman ay nag concentrate sa pagda drive.

After 2 hours, nakarating na kami sa resthouse niya sa tagaytay.

"Andito na tayo." Walang emosyon niyang saad sa akin

Bumaba na kami ng kotse at nakita namin sina Billy at Jhong na nasa labas at hindi makapasok.

"Kanina pa kayo?" Tanong niya sa kanila
"Medyo, hindi kami makapasok sa loob kasi may password yung bahay mo." Sagot ni Jhong
"Cge, halika na." Aya niya sa kanila

Fall Inlove With A Secret AgentTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon