Chapter 4 The Ex

851 25 0
                                    

Selene's POV

Nandito kame ngayon sa isang party, so it explains why we are wearing formal clothes.

Nakasunod lang ako kay Ken dahil sabi nito ay wag daw akong mawawala sa paningin nya kundi lagot ako. Grabe talaga manakot tong isang to.

Sila Stell naman ay kumukuha na ng pagkain nila sa buffet huhu gusto ko na din kumain.

"Pst, Ken. Kain muna tayo?" Pakiusap ko dito, pero parang wala syang narinig at nagtuloy tuloy lang sa paglalakad.

Kainis talaga tong lalaki na to oh! Nagwawala na mga alaga ko sa tyan e hays!

"Goodafternoon, Mr. Suson." Bati ng isang matandang nakabantay sa isang gintong pinto. Nagnod naman si Ken bilang sagot at pumasok na sa loob. Sumunod nalang ako agad dito dahil tinatamad na kong magtanong, wala din naman akong nakukuhang sagot.

"Where's Heira?" Naglakad naman agad ang bantay kanina at nagpunta sa may isa pang pinto at kumatok.

"Ms. Heira, your brother is here." Agad agad namang bumukas ang pinto at iniluwa ang isang napakagandang babae.

"Ken!!!!!" Dumamba ito kay Ken at muntik na sila matumbang dalawa, ano ba tong kapatid ni Ken g na g

"Stop that, Heira! Here's my gift for you. Happy birthday." Inabot nya ang regalo na nakabalot sa kulay itim na papel. Hindi halatang favorite color nya yung black ha.

"Thankyou, Ken. Btw, who is she? I think she looks familiar." Turo naman nito sakin, ngumiti lang ako ng pilit at kumaway.

"She's Selene, my girlfriend." Niyakap naman ako ng kapatid nya at bineso beso. Ang hyper naman nito.

"Hi, Selene. Nice to meet you. Hey, Ken. Wag mo sya aawayin ha." Ngumiti nalang ulit ako sakanya dahil naaawkwardan ako sa paligid ko.

"Oh btw, I invited my bestfriend. Finally makikita ko na din sya ulit hihi. And you know what, he tells me na break na sila ng girlfriend nya." Kwento nito kay Ken, mukha namang di interesado si Ken sa kinukwento nito kaya sakin nalang sya bumaling. Ang daldal nya grabe.

"I have a secret, please don't tell this to anyone okay?" Tumango naman ako dito, pero di sya nakuntento. Nakipag pinky promise pa nga!

"I have a huge crush on my bestfriend. You know, I work abroad for the past 3 years. And ngayon lang ako nakapag bakasyon. Nagpakabusy ako sa pagwwork abroad para makalimutan ko yung feelings ko sakanya. I decided to go back here in Philippines when he tells me that he and his girlfriend broke up. He tells me that he likes me and yes, we are official now." Mahabang kwento nya sakin na kinikilig kilig pa, tumango tango lang ako sa kwento nya. Hindi ko naman kase kilala sinasabi nya e. Nakita ko si Ken na palabas na ng room kaya nagpaalam na ko sa kapatid nya. Kumaway kaway naman to sakin at may pahabol pang sigaw.

"Bye future sister in law!" Kung alam mo lang, hindi ako future sister in law mo huhu

"Don't mind her, she's always that loud." Nagkibit balikat nalang ako sa sinabi ni Ken at dumiretso na sa buffet. Gutom na talaga ko e.

Habang kumakain kame ni Ken ay may biglang nagsalita sa stage. Magsstart na ata yung party ah. Hindi ko pala natanong kung ilang taon na yung kapatid ni Ken.

"Let's give a round of applause to Ms. Heira Suson." Sabay sabay naman nagpalakpakan ang mga taong nandito sa loob.

Lumabas ang kapatid ni Ken at nakabihis na ito ng maganda. Suot nya ay isang mermaid style na gown na kulay balat. Aakalain mo na iisa ang balat nya at ang suot nyang damit. Napakaputi at napakakinis nito. Ang ayos ng buhok nya ay naka messy bun na bumagay talaga sa mukha nya. Para syang isang dyosa.

"Hello everyone! Are you enjoying the party?" Sigawan naman ang mga tao ng magsalita na ito sa harap.

"Thank you everyone for coming here. I would like to thank my family and friends for celebrating with me. Specially to my bestfriend and now my fiance, Mr. Justin de Dios." Napatigil ako sa pagsubo ng marinig ko ang pangalan na binanggit nya. Tama ba pagkakarinig ko? Justin de Dios? S-sya yung tinutukoy nyang b-bestfriend nya?

Tumapat ang ilaw sa gawing likod at nakita ko ang taong sobrang nanakit ng damdamin ko. Justin de Dios.

Ngiting ngiti itong lumapit at umakyat ng stage

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Ngiting ngiti itong lumapit at umakyat ng stage.

"Hello, everyone. I'll used this opportunity to announce that we are finally engaged." Naghiyawan naman ang mga tao sa biglang announce nya nito. Pain! Yan ang nararamdaman ko ngayon. Para akong tinutusok ng karayom sa puso ko.

"Bakit ka umiiyak?" Nagulat ako sa tanong ni Ken, di ko namalayan na umiiyak na pala ako. Hindi na ko sumagot at umalis nalang sa lugar na yon.

Bakit ganto kasama sakin ang tadhana? Sinasadya ba nila kong saktan? Ano bang ginawa ko para maranasan tong sakit na nararamdaman ko?

Hindi ko alam kung saan ako pupunta, basta ang alam ko lang gusto kong makalayo. Habang tumatakbo ako ay may humila sakin. It's Ken.

"Bitawan mo ko! Ayoko na dito, please." Pagmamakaawa ko sakanya. Tila naguguluhan naman sya sa nangyayare.

Hindi nya ko binitawan bagkus ay niyakap ako nito. Hindi na ko nagdalawang isip at umiyak nalang ako ng umiyak sa kanya.

"It's okay to cry to ease the pain." Dahan dahan naman nya akong tinapik tapik sa likod ko, medyo gumaan kahit papano ang pakiramdam ko dahil sa ginagawa nya.

"T-thankyou, Ken." Hindi na sya sumagot at tuloy tuloy lang na tinapik ang likod ko.

Ilang minuto kame sa ganong posisyon at naisipan kong maupo sa malapit na bench na nakita ko. Pumayag naman sya, buti nalang at nakikisama sya ngayon. Parang hindi sya mafia boss dahil sa pinapakita nya sakin ngayon.

Pagkaupo palang namin sa bench ay nagtanong na ito agad.

"So, tell me, why are you crying after my sister called her bestfriend?" Naalala ko na naman hay.

"The man your sister called is my ex boyfriend. Remember the night I accidentally throw a stone to you? That day is our monthsary and the day he broke up with me. I was in deep pain that night, yung mga bato ang napagdiskitahan ko para kahit papano ay gumaan ang pakiramdam ko. Hindi ko naman akalain na may matatamaan ako." Mahabang paliwanag ko sakanya, tumango tango naman ito bilang sagot.

"I didn't know that my sister got engaged the day she comes back here at the Philippines. I thought she comes back here to celebrate her birthday. But I guess the true reason is that she's now engaged." Sabi naman nito sakin, so surprise pala ang announcement nila na yon kanina. Well, congrats!

Habang nagkkwentuhan kame ni Ken ay may biglang humintong mga itim na sasakyan sa harap namin. Sabay sabay na bumaba ang mga sakay nito at lahat sila ay lumapit sa gawi namin. Sht! Ano na naman to?! Bakit ba sa tuwing nasasaktan ako may gantong eksena sa buhay ko?

"It's so nice to meet you, Felip!" Sabi ng isang lalaki na nakatuxedo. Felip? Sino si Felip? Tumayo naman si Ken at lumapit sa lalaking ito. Oh no! Gulo ata to.

"It's not so nice, James!" S-so sya si Felip? Kala ko ba Ken ang pangalan nya? Ang gulo naman huhu

Tatayo na sana ako para ayain na si Ken na umalis ng suntukin ito ng lalaki.

WTH!!! Kelangan kong tawagan sila Stell!!!!

I Met The Mafia Boss | COMPLETEDWhere stories live. Discover now