Chapter 11 Official

914 25 5
                                    

Selene's POV
Lumabas kame ni Ken na magkahawak ang kamay. Hanggang ngayon ay di pa din ako makapaniwala na official na kameng magkarelasyon. Hindi na peke, totoo na talaga. Oo alam ko mabilis, pero iba yung saya ko pag kasama o kahit nakikita ko lang sya.

"I love you, Selene." Pakiramdam ko ay sobrang pula ng pisngi ko dahil sa sinabi ni Ken. Grabe pala magpakilig ang isang Mafia Boss.

"I love you, too, Ken." Pagkasabi ko non ay agad agad na namula ang tenga nya. Iba din kiligin ang isang to.

"Date tayo?" Hindi pa ko nakakasagot ay hinila na nya ko palabas ng bahay.

"Teka, Ken. Hindi na tayo magbibihis?" Nakapambahay lang kase ako, shorts tsaka loose shirt lang ang suot ko ngayon. Tiningnan naman ako ni Ken at napagtantong nakapambahay lang ako.

"Oh, sorry, love. Sige bihis ka muna. Gusto mo sama natin si Kuro magdate?" Uuy! I love that idea. Gusto ko din ilabas si Kuro.

"Sure, Ken. Excited na ko." Ngumuso naman sya na parang nagtatampo. Look at this man, iisipin mong hindi sya isang Mafia Boss pag ganto sya. Cute.

"Bakit, Ken? Bat nalungkot ka bigla?" Mas lalo pa itong ngumuso at binitawan ang kamay ko.

"Call me love." Oh! Dahil pala don hahaha ang cute mo Mafia Boss.

"Hahaha okay okay, love. Wait mo nalang ako dito, mabilis lang ako magbihis." Bago ako umakyat ay kiniss ko muna sya sa pisngi nya na ikinabigla nya hahaha napahawak pa sa pisngi nya habang nakangiti. Nakakabaliw mainlove sa isang Ken Suson.

Pagkaakyat ko sa kwarto ko ay nagbihis na ko agad. Nadatnan ko din si Kuro na natutulog sa may kama ko. Mukhang inakyat na sya ni Stell dito kanina. Pagkabihis ko ay binitbit ko na din si Kuro, actually meron akong bag na pwede syang ilagay, clear bag yung para talaga sa mga pusa.

Pagbaba ko ay nakaabang na agad sakin si Ken. Hay! Sobrang gwapo, mas lalo akong naiinlove hahahaha

 Hay! Sobrang gwapo, mas lalo akong naiinlove hahahaha

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

"Let's go, love." Hinawakan naman ako agad nito sa kamay at kinuha sakin yung bag na nasa loob si Kuro. Gentleman din naman pala ang isang to. 😆

Habang nasa byahe kame ay nagkkwentuhan kame. Hay! Ang sarap sa pakiramdam ng ganto.

"Naalala ko nung nabato kita sa ulo love hahaha, sorry talaga." Natawa naman sya at hinawakan pa ang parte ng ulo nya na nabato ko.

"Tss, pasalamat ka gwapo yung nabato mo." Ang yabang, kainis hahaha

"Pasalamat ako dahil mabait yung natamaan ko, and syempre mahal ako." Napangiti naman sya at kitang kita kong namumula na naman ang tenga nya. Kinikilig amp!

Ilang sandali pa ay huminto na kame sa isang malawak na park. Ang ganda dito, ang daming bulaklak. May ganto pala dito sa Pilipinas.

"Ang ganda, love." Ngumiti naman ito at nauna nang lumabas, pinagbuksan ako ng pinto at kinuha si Kuro sa back seat.

Pagkababa namin ay may kinuha pa syang mga gamit sa compartment. Ready sya ah, picnic ata gagawin namin dito.

"Wow, kelan mo to niready?" Ang dami kaseng pagkain, may sandwich, fruits, juice tas mga chips.

"Kanina nung nagbibihis ka, pinahanda ko na kila Bruno, kase naisip kong maganda magpicnic ngayon." Aw, nakakatuwa talaga tong si Ken.

Inayos na namin yung mga gamit namin at naupo na sa may lapag. Si Kuro naman ay nakaupo lang din sa lap ko, ang bait talaga nito ni Kuro kahit nasa labas kame e.

Nilabas naman ni Ken isa isa yung mga pagkain at sinalansan. Nakakagutom. Noodles nga lang pala ang kinain ko kanina.

"Kain na love." Inabutan naman nya ako ng sandwich kaya nilantakan ko agad ito. Si Kuro naman ay busog pa dahil pinakain to ni Stell kanina.

Habang kumakain kame ay may naalala akong itanong kay Ken.

"Love, kamusta yung pagbalik nila Kuya Yani sa grupo nyo?" Napatigil naman ito sa pagkain nya at tiningnan ako. Mali ata ako ng tanong, tsk.

"Hm, actually nakapag meeting na ulit kaming lahat. Nung time na umalis ka na di nagpaalam sakin. Kaya ka nga nakaalis kase walang bantay e. Nasa UG kameng lahat, si Justin lang ang wala dahil nga nakipagkita sya sayo. Pero sa next meeting ay kasama na sya." Ow! Kaya pala masama ang tingin nya sakin nung pagkatanong ko. Yun pala yung time na umalis ako. 🤦‍♀️

"Ah hehe, mag iingat ka palagi sa bawat laban nyo ha. Di kita pipigilan, dahil dumating ako sa buhay mo na ganyan kana. Ang gusto ko lang ingatan mo ang sarili mo, kayong lahat. Ayokong may makikita akong galos isa man sainyo." Napailing iling naman sya sakin at hinawakan ang kamay ko.

"Don't worry, love. Hindi ko hahayaan na may masaktan ni isa man satin. I'm always here to protect you." Pagkasabi nya non ay naalala ko na naman yung gabi na binuhat nya ako at sinabi ding poprotektahan nya ko.

"Bakit gusto mo ko protektahan? Wala naman akong kaaway." Tama naman ako diba, dapat ang protektahan nya yung sarili nya kase sya yung madaming kaaway.

"No, love. I know na gagamitin ka nila against me. Kaya sobrang nag alala ako nung time na nawala ka, tapos di kapa sumasagot sa tawag ko. I thought I lost you." Wht? Madadamay ako? Hay! Sabagay, boyfriend ko lang naman ang Mafia Boss, panigurado ay gagamitin nila ko para matalo nila si Ken. Pero di ako papayag na mangyare yon. Kung sya poprotektahan nya ko, pwes ganon din ang gagawin ko.

"Love, can you teach me how to fight? I want to help you. And ayoko din magibg pabigat sayo." Lumingon naman ito sakin

"Are you sure?" Pagtataka nyang tanong sakin. 100% sure na ko.

"Yes, please teach me." Hinalikan naman ni Ken ang kamay ko sabay ngumiti sakin. Sobrang gwapo!!!

"As you say my love. Tomorrow we'll start your training. But for now let's enjoy our date with Kuro-chan." Kinakabahan ako pero for Ken I'll do my best. Gusto ko makatulong sa grupo nila. Ayokong maging isang pabigat na kelangan pang tulungan once nagkaproblema. I'm with you, love.

I Met The Mafia Boss | COMPLETEDWhere stories live. Discover now