Chapter 20 Paliwanagan

714 21 0
                                    

Selene's POV
Gumising ako ngayon na may mga ngiti sa labi, sino ba naman hindi diba, katabi ko lang naman ang Mafia Boss.

Namiss ko yung ganto, gigising ako sa umaga na sya agad yung bubungad.

Ang gwapo talaga, pinagmasdan kong maigi ang bawat features ng mukha nya. Ang ganda ng mga pilik mata nya, mahaba pa ata yung kanya kesa sakin, ang tangos ng ilong, ang pupula ng mga labi. Hay! Bat ang gwapo mo kainis!!

Habang busy ako sa pagtitig sa kanya ay bigla syang nagmulat, muntik ko pa syang maitulak sa gulat ko.

"Tunaw na tunaw ako, love." Yun agad ang sinabi nya na nakapag pamula sakin. Nakakahiya, baka isipin nya patay na patay ako sakanya, pero totoo naman hahaha

"Good morning, love. Anong oras palang ah, bat gising kana agad?" Tanong nya sakin, ewan ko din bat ang aga ko nagising, siguro ay dahil sa kilig hahaha

"Ah nasanay na kase ko gumising maaga simula nung naghiwalay tayo." Pero totoo yon, maaga ako nagigising simula nung lumipat na ko sa apartment.

"I'm sorry, love. Ipapaliwanag ko sayo lahat mamaya, sa ngayon kelangan na muna natin mag sipilyo at maligo para makapag breakfast na." Natawa naman ako sa sinabi nya, napaamoy tuloy ako sa bibig ko :D

Pagtapos naming maligo, di kame sabay ha, wag kayong ano jan, so ayun nga pagtapos naming maligo ay bumaba na din kame para makapag almusal. Nandun na yung tatlong bibe at kumakain na.

"Goodmorning, lovebirds. Kamusta ang tulog? Kung nakatulog ba talaga ha." Pang aasar ni Josh samin, natawa naman kame parehas ni Ken dahil natulog lang naman talaga kame. Magkayakap lang ganon :P

"Stop imagining things, Josh." Pagsita ni Ken na syang tinawanan lang ni Josh.

"Boss, nga pala, may gustong kumausap sayo mamaya sa training room daw." Pagbabalita ni Stell.

"Sino?" Tanong ni Ken pero nagkibit balikat lang si Stell.

Napatingin ako kay Ken pero ngumiti lang ito sakin. Sabagay kasama naman ako mamaya sa training nila. Di ko nga alam bat giyang na giyang silang magtraining ngayon e. Parang may pinaghahandaan.

Pagdating namin sa training room ay seryosong seryoso ang lahat sa kani kanilang mga ginagawa.

"Love, bakit napapatraining ata kayo ngayon?" Tanong ko sakanya dahil di naman sila ganto kaseryoso pag nagttraining.

Inakay ako ni Ken papunta sa mini bench sa loob ng training room.

"I'll explain everything to you, love. The day when I broke up with you, it's my plan. Natakot ako na baka pag tinuloy pa natin yung relasyon natin ay madamay ka sa gulong to. I don't want you to get hurt. May nabuo akong plano, kunwari ay ayoko na, kunwari ay di na kita mahal, pero nung nakita ko kayo ni Justin sa mall nung isang araw, dun ko narealize na I can't let you go, I want to win you back. Hindi ko pala kaya, so now I promise that I will protect you. I will protect you and at the same time you are here with me."

"Zeke, my greatest enemy, hindi sya patas lumaban, and I know he will use you para mapabagsak ako. I don't want that to happen love. But Josh, Stell and Pablo, they said some things that change my mind. And I know that they're right."

Sa mahabang paliwanag na yon ni Ken ay dun ko narealize na he just wants to protect me. Nakonsensya naman ako dahil pinag-isipan ko pa sya ng masama.

Hindi na ko sumagot sakanya at niyakap ko nalang sya. I know this will be the best answer than talking. I really love this man.

"I love you, Selene. I will protect you with all my life." Kiniss nya pa ko sa noo and the next thing I knew we're kissing passionately. Mabuti nalang at tago ang bench na inuupuan namin.

"Ay, kulaga." Sabay kameng napatayo ni Ken ng biglang sumulpot si Pablo.

"Sorry hahaha, may naghahanap sayo boss." Kakamot kamot naman si Pablo, samantalang kame ni Ken ay parehong pulang pula.

"Lagi nalang tayo nahuhuli." Naiinis na sabi ni Ken hahaha

Nag ayos lang ako saglit dahil panigurado yung lipstick ko kumalat.

Paglapit namin kila Pablo ay nakita ko si Justin, anong ginagawa nya dito?

"Boss." Sabi agad ni Justin pagkalapit namin sakanya.

Ken's POV
"At sinong may sabing pwede ka dito?" Hanggang ngayon ay galit pa din ako sa lalaking to, bukod sa iniwan nya ang kapatid ko, gusto pa nyang balikan si Selene.

"Pwedeng mag usap tayo?" Hindi ko na sana sya papansinin kaya lang ay pinigilan ako ni Selene na umalis.

"Talk to him, love. Dun muna ko kila Stell." Sasagot pa sana ko kaya lang ay umalis na agad si Selene.

No choice, makipag usap nalang dito.

"Talk." Maiksing sabi ko sakanya.

"I'm sorry, Ken. Alam ko sobra yung galit mo sakin, I understand that. Iniwan ko sa ere yung kapatid mo. Ang tanga ko kase, the feelings I have for Selene was just an infatuation. Boss, mahal ko yung kapatid mo. I just realize it nung magkausap kame ni Selene. She gives me words that made me realize that the one I love is your sister. Sana mapatawad mo pa ko, sana bumalik yung pagkakaibigan natin. I know it's hard for you to forgive me, I really understand." Mahabang litanya nya.

"Wag mo sakin sabihin yang bagay na yan, sa kapatid ko ikaw mag sorry, sya yung mas nasaktan sa nangyare. For now, I can't forgive you and I don't want to see you here. I'm sorry." Yun lang ang sinabi ko at iniwan ko na sya.

Magiging okay lang kame pag naging okay na yung kapatid ko.

"Love." Tawag ko kay Selene na busy sa punching bag.

She's really an amazing girl, ang dali lang din nyang natuto sa mga bagay bagay dito, ang lakas din nyang sumuntok. She's so unbelievably strong.

"Okay na love?" Hingal na hingal nyang tanong sakin, tumango naman ako at pinunasan ko ang pawis sa noo at likod nya.

"Wag masyadong magpakapagod, love." Tumango tango naman sya sakin habang umiinom ng tubig.

"I'll start my training na din." Ngumiti naman sya sakin at bumalik na sa pagsuntok sa punching bag.

Habang busy ang lahat sa pagttraining ay may biglang may nagtext sakin.

Frm: Zeke
See you soon.

The fuck!!!!

I Met The Mafia Boss | COMPLETEDWhere stories live. Discover now