Chapter 14 Problem

821 23 7
                                    

Selene's POV
Pag gising ko ay si Kuro na ang katabi ko at wala na si Ken sa kwarto. Pag tingin ko sa orasan ay 7am palang. Ang aga naman gumising ng isang yon.

Mag morning rituals muna ako atsaka bumaba kasama si Kuro.

Bat walang tao? Nasan mga kasama ko dito sa bahay? Sakto pagdating ko sa kusina ay nakasalubong ko si Pablo.

"Pablo, nakita mo ba si Ken?" Parang nalilito naman sya at di alam kung magsasalita ba o tutuloy na sa pag alis. Ano nangyayare dito?

"Ah, eh, maya nalang, Selene. May gagawin pa ko e." Sasagot pa sana ko kaya lang ay mabilis itong umalis.

Nagtataka man ay wala din akong ibang mapagtatanungan kaya binigyan ko nalang si Kuro ng pagkain tsaka ako nagbuklat ng pwede kong almusal.

Napangiti naman ako ng makita ko sa lamesa ang isang plato na may nakadikit na note.

Love,

Eat this. I'll be back. I love you.

-Ken ♡

Agad ko naman kinuha ang cellphone ko para picturan ito at ipost sa facegram. Wala lang share ko lang hahaha. Tinext ko na din sya para sabihing bumalik agad dahil miss ko na agad sya hahahaha ang kire :D

Kinain ko na din ang hinanda sakin ni Ken at naglibot libot muna sa bahay. Ngayon nalang kase ako nakaikot ulit kung sakali.

Habang nag iikot ay nakita ko si Stell na aligaga habang may kausap sa cellphone. Ano bang meron? I'm so confused! :3

Tatawagin ko palang sya ay umalis na sya at nagmamadaling sumakay sa kotse. Sana naman ay may mapatanungan ako kung anong nangyayare diba.

Bumalik na ko sa loob dahil baka kung saan pa ko masuot at maligaw pa ko dito.

Kukunin ko na sana si Kuro para umakyat ulit sa kwarto nang makita ko si Bruno na papalapit sakin.

"Miss Selene, pinapasabi ni Sir Suson na dun lang daw kayo sa kwarto nyo at wag nyo na sya antayin." Nagtaka naman ako at tiningnan ang cellphone ko. Sineen lang ni Ken ang text ko sakanya.

"W-wait! Ano bang nangyayare? Nasan ba sya? Tsaka bakit aligaga kayong lahat? Please, I want an explanation. Sobrang curious na ko sa nangyayare ngayon." Napakamot naman ito sa ulo at parang di alam kung sasabihin ba nya o hindi ang nangyayare.

"Mahigpit pong pinagbabawal ni Mr. Suson na wag sabihin sainyo kung nasaan sya. Pasensya na Ms. Selene. Mauuna na ko." Hindi na ko nakasagot kay Bruno dahil umalis din to agad.

I try to call Ken pero hindi sya sumasagot. I'm worried!! Pano ko matatahimik kung walang nagsasabi sakin kung anong nangyayare?!

Lumipas ang oras na di ako mapakali, 8pm na at ang huling kain ko ay nung umaga pa. Hanggang ngayon ay di sumasagot si Ken sa tawag at text ko.

Nakailang balik na si Bruno dito para sabihin na okay lang si Ken at wag ako mag alala. Pero iba yung pakiramdam ko. Gusto ko malaman kung anong nangyayare.

Sa kakaintay ko kay Ken ay nakatulog ako, pero agad din akong nagising dahil sa sunod sunod na pag park ng mga sasakyan. Kinakabahan man ay bumaba ako para silipin yon. Kahit papano naman ay may natutunan ako sa training namin.

Pagkababa ko ay sakto namang pagbukas ng pinto. Sugatang Ken, Stell, Josh, Pablo at Justin ang pumasok dito.

"Anong nangyare? Bakit sugatan kayo?" Sunod sunod kong tanong pero lahat sila ay nag iwas ng tingin.

"Ken! Ano? Wala ba kong makukuhang sagot?!" Lumapit naman ito sakin at hinawakan ang kamay ko.

"I'm fine. We're fine. Bat di ka pa natutulog?" Kitang kita ko ang pasa sa gilid ng labi nya at sugat sa kamao nya.

"May fine ba na ganyan ha? Please tell me what happen?" Huminga naman ito ng malalim saka tumingin kila Stell.

"Magpahinga na kayo." Sumunod naman ang apat at nagsialisan na para magpahinga.

"Let's go." Hinila nya ko papasok sa kwarto ko at pinaupo ako sa sofa.

"Tell me what happened, alam mo bang sobra sobra na kong nag aalala? Ang dami kong text at tawag sayo." Hindi ko na napigilan ang emosyon ko at napaiyak na ko. Agad naman nya akong niyakap at pinapatahan.

"I'm sorry, sila Yani kase tumawag kagabi at sinabing inaaligidan sila ng kampo nila James. Hindi naman ako papayag na maagrabyado ang kagrupo ko kaya pinuntahan namin kaninang madaling araw kung saan nandun sila Yani at yun na nga, nagkagulo, pero wag ka mag alala we're okay." Sa pagkkwento nya ay parang nakonsensya naman ako dahil tinarayan ko pa sya pagdating nya.

"Gusto ko lang naman kase malaman kung anong nangyayare, di mawawala sakin yung pag aalala. I'm sorry kung natarayan kita without knowing na pinagtanggol mo lang ang mga kagrupo mo." Agad ko namang hinalikan ang pasa sa gilid ng labi nya na nakapag pangiti sakanya.

"Nawala yung sakit, galing. Dito pa masakit." Sabay turo nya sa mismong labi nya. Napakaloko. Pagbigyan na nga hahaha. Kiniss ko din ang lips nya pero mabilis lang.

"Ay bitin." Pagkasabi nya non ay hinalikan nya ko at sinabayan ko nalang din ang galaw nya. Cloud nine talaga ang feeling sa tuwing nagkikiss kame. Ramdam na ramdam ko ang mga butterflies sa tyan ko.

Sabay naming habol habol ang hininga namin pagtapos ng mainit init na kiss na yon. Nagkatinginan pa kame at sabay na napangiti. Hay! Sobrang mahal na mahal ko ang lalaking to.

"Mahal na mahal kita, Selene. I'll protect you no matter what happen." Agad ko naman syang niyakap at agad naman nya itong ginantihan. Kung pupwede lang ay sana di na ulit mangyare ang pakikipag away nya pero hindi e, parte na ng buhay nya to.

"Gamutin ko mga sugat mo, upo ka muna. Kunin ko lang yung med kit ko." Sumunod naman agad sya sakin, halatang pagod na pagod ang katawan nito dahil para syang lantang gulay habang nakaupo.

Pagbalik ko ay tulog na ito at nakalaylay na ang ulo sa sofa. Kawawa naman ang boyfriend ko. Dahan dahan ko nalang nilinis ang mga sugat nito para di sya magising. Ang problema ko ay pano sya aayusin sa paghiga nya ng di sya nagigising.

Iaangat ko na sana ang paa nya ng magising ito at nakangiti pa sakin.

"Thank you, love. Tara sleep na tayo." Bumangon namana sya at nahiga na sa higaan ko. Tsk! Tsk! Si Kuro naman ay nasa higaan na din nya na binigay sakin ni Josh nung isang araw.

Niligpit ko lang saglit ang mga ginamit ko at tumabi na din sakanya.

"Goodnight, love. Mahal na mahal kita." Pagkasabi nya non ay pumikit na sya at yumakap sakin.

"Goodnight, mahal na mahal din kita. Sana pag gising ko bukas nasa tabi pa din kita." Pagkasabi ko non ay yumakap na din ako sakanya at natulog na.

Mr. Suson sana ikaw na talaga ang makakasama ko habang buhay. Mahal na mahal kita.

I Met The Mafia Boss | COMPLETEDWhere stories live. Discover now