Chapter 15 Jealous

803 26 6
                                    

Selene's POV
Maaga kameng nagising ni Ken dahil gusto daw nyang mag jogging. Nandito kame ngayon sa isang malawak na park at kasama namin si Kuro.

Nang mapagod kame kakajogging ay humanap muna kame ng pwedeng maupuan at buti nalang ay meron kame agad nakita.

"Love halika ang pawis mo." Agad ko naman syang pinunasan sa likod pati na din sa noo nya.

"Ikaw naman punasan ko." Habang pinupunasan nya ko ay nakatitig lang ito sakin. Nakakatunaw!

"Grabe ka naman tumitig." Saway ko sakanya, pero ang isang to nginisian lang ako.

"Ang ganda mo e." Pakiramdam ko ay namula ng sobra ang mukha ko dahil sa compliment nya na yon sakin.

"Aw, kinilig. Look, Kuro, your mom is blushing." Kinuha pa nya si Kuro at hinarap sakin. Napakaloko din talaga nitong Mafia Boss na to e.

"Stop, love. Nahihiya tuloy ako." Tumawa naman ito ng tumawa at halatang enjoy na enjoy sa view na nakikita nya.

"You're so pretty when you're blushing. I'm falling deeper and deeper." Pagkasabi nya non ay hinalikan nya ako, ghad! I love this man so much!

Di pa sana sya titigil sa kakahalik sakin ng dinamba sya bigla ni Kuro. Hahaha, nagselos ata ang alaga ko.

"Aw, my Kuro is jealous." Kinuha ko si Kuro at niyakap ko ito ng mahigpit. Yumakap din si Ken kaya para kameng happy family hahaha

Mga ilang minutong pagpapahinga ay napagdesisyunan na naming umuwi.

Pagkarating sa bahay ay naligo na agad ako at nagpalit ng damit. Nakakapagod din mag jogging ha.

*tok tok

Agad ko naman binuksan ang pinto at si Stell ang sumalubong sakin.

"Hi Selene. Kain na daw sabi ni Ken." Tumango naman ako sakanya at sumunod na din sa pagbaba.

"Ang aga nyo umalis ni bossing ah. San kayo nagpunta?" Tanong sakin ni Stell.

"Ah, nagjogging kame. Kasama namin si Kuro. Ang ganda nga don e, sobrang laki ng place." Kwento ko naman sakanya.

"Dun ba kayo sa Jewel Park nagpunta?" Tumango naman ako sa tanong nya.

"Ah maganda nga don, minsan nagjjog din kame dun nila Pablo e. Next time sama nyo kame mag jog." Sasagot na sana ko ng madinig ko ang pagtikhim ni Ken, nandito na pala kame sa kitchen.

"Love, come here." Agad naman akong sumunod at pumunta malapit sakanya.

"Naligo pa kase ko e, feeling ko ang lagkit ko kanina." Hindi to sumasagot at nakatingin lang sakin, ano na naman problema nito?

"Bakit, love?" Umiling naman sya at nagsandok na ng pagkain.

Nilagyan din nya yung plato ko ng kanin at ulam.

Tahimik kameng lahat na kumakain ng biglang may tumawag kay Ken.

Tumayo muna sya at lumayo bago sagutin ang tawag.

Pagbalik nya ay nakasimangot na sya at parang galit.

"It's my sister, Justin wants to meet you daw." Nagtataka naman ako dahil bakit gusto na naman makipagkita ni Justin sakin?

"Bakit daw?" Tanong ko dito pero umalis nalang sya bigla at umakyat. Nabadtrip ata.

"Nako, yare!" Biglang sigaw ni Josh, binatukan naman sya ni Pablo.

"Sundan mo, Selene." Agad ko namang sinunod ang sinabi ni Stell at sumunod kay Ken.

Nasa may office sya kung saan ako unang dinala ng tatlong bibe (Josh, Pablo, Stell)

I Met The Mafia Boss | COMPLETEDWhere stories live. Discover now