Chpater 10 Cold

833 29 3
                                    

Selene's POV
Pagkarating sa bahay ay nauna na din agad si Justin na umalis dahil pupuntahan pa raw nya si Heira. Kabang kaba ako dahil lagot ako kay Ken. Hindi pa ko nakakapasok sa gate ay narinig ko na ang pagtikhim ni Ken sa likuran ko. Yare talaga!!! Kanina pa kaya sya jan?! 😩

 Yare talaga!!! Kanina pa kaya sya jan?! 😩

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

"K-kanina kapa ba jan? Hehe." Pakiramdam ko ay parang lalabas ang puso ko sa kaba.

"San ka galing?" Napalunok ako nang ilang beses dahil sobrang lalim ng boses nya. Nakakatindig balahibo.

"S-sorry, di na ko nakapag paalam kanina. N-nakipag-usap lang sakin si Justin." Ilang minuto syang nakatingin lang sakin bago lumapit. Huhu, anong gagawin nya?

Paatras ako ng paatras samantalang sya ay abante naman ng abante. Nang wala na kong maatrasan ay kinorner nya ko gamit ang dalawang braso nya. Siguro ay dinig na dinig na nya kung gano kalakas ang tibok ng puso ko.

"Nexttime, learn to ask permission." Pagkasabi nya non ay umalis na sya at nauna nang pumasok sa loob. Kitang kita ko sa mga mata nya ang pag-aalala at ang lungkot nito. Napaluhod nalang ako bigla sa sobrang panghihina dahil akala ko ay kung ano na ang gagawin nya sakin.

Pumasok na din ako sa loob, hindi ko na sya nadatnan sa sala, siguro ay nasa kwarto na nya sya. Tama ba yung nakita ko sakanya kanina? Nag aalala ba sya dahil wala ako dito sa bahay? Ken bat ka ganyan? Nahuhulog na ko at ayokong palalilimin pa to. Ayoko ng masaktan. Nakakapagod.

Pagkarating ko sa kwarto ko ay nandun na si Kuro. Sa pag galaw ni Kuro ay may napansin akong isang panyo na nadadaganan ni Kuro. Kanino to? Wala naman to kanina ah. Chineck kong maigi yung panyo at nakitang may nakaburda dito, Felip Jhon.

E? Nandito si Ken sa kwarto ko kanina? Anong ginagawa nya dito? Tatanungin ko nalang sya bukas.

Naglinis na ko nang katawan at nagpalit na din ng pantulog. Pakiramdam ko ay ang daming nangyare ngayong araw na to. Pagod na pagod yung katawan ko. Sa bawat patak ng oras ay di ko na namalayang nakatulog na pala ako.

~ K I N A B U K A S A N ~

Nagising ako sa pagdamba bigla sakin ni Kuro. Anong oras na ba? Pagtingin ko sa orasan ay bigla akong napabangon. 10am na, bat walang gumising sakin? Huhu. Dali dali akong nag-ayos para bumaba na at kumain. Nagutom kase ako bigla e. Sinama ko na si Kuro sakin dahil alam kong gutom na din to.

Pagdating ko sa kusina ay naabutan ko si Ken na tulala habang hawak ang tasa ng kape nya. Nilapitan ko naman ito para tanungin kung ano ang gusto nyang kainin.

"K-ken, anong gusto mong kainin? Mukhang kakagising mo lang din e. Sabay na tay----" Di ko pa natatapos ang sasabihin ko ay tumayo na to.

"I don't want to eat." Pagkasabi nya non ay naglakad na sya paalis. San kaya yon pupunta? Ang cold naman nya sakin.

Naghanap nalang ako ng instant noodles para yun nalang ang kainin. Nawalan na din ako ng gana. Binigyan ko na din si Kuro ng pagkain at naubos naman nya to agad.

I Met The Mafia Boss | COMPLETEDWhere stories live. Discover now