Chapter 17 The Reason

750 26 4
                                    

Ken's POV
Nandito ko ngayon sa mansion namin, naiinis pa din ako dahil sa ginawa na yon ni Justin. Heira is really in deep pain. Wag na wag ko talagang makikita ang lalaking yon.

"Don't worry about me, I'm fine. Go to Selene, she needs you." Sobrang bait talaga nito kahit kelan.

"Are you sure?" Paninigurado ko, tumango naman ito at nagpilit na ngumiti.

Nagpaalam na ko sakanya pati na din kay Mommy para umuwi. Gusto ko na din makausap si Selene at mag sorry dahil sa naging reaksyon ko kagabi.

Habang pauwi ako ay biglang may tumawag sakin na unknown number.

OTP:

(Kamusta, Felip?)
"Maayos na sana kaya lang tumawag ka. Anong gusto mo?"
(Hmm, masyado ka namang excited. Balita ko may girlfriend ka daw ah. Selene Herrera, a furmom, I'm very interested.)
"Wala na kame, I already broke up with her, I only used her kaya di mo sya magagamit laban sakin. I'm not that idiot like you, Zeke."
(Shut up! Humanda ka sakin, makakaganti din ako sayo!)

Pagkapatay ng tawag ay nanginginig ang kamay ko sa galit. Pano nya nalaman yung about samin ni Selene?

Agad agad akong nagdrive pauwi sa bahay para ibalita kila Stell ang naging usapan namin ni Zeke. That bullshit! Hindi na natuto, gusto palagi nalang magulo. Fuck this life!

Pagdating ko sa bahay ay nakita ko agad si Selene at nagbabalak na lapitan ako. I'm sorry my love, hindi muna, aayusin ko muna ang gulong to. Ayokong madamay ka pa.

Dumiretso na agad ako sa office at tinawag sila Stell.

"Oh bat ikaw lang? Nasan yung dalawa?" Si Stell lang kase ang pumasok sa office.

"Umalis e, makikipagkita ata sa mga chikababes nila. Bakit ba? Ano bang meron at parang balisa ka?" Kinwento ko sakanya ang napag usapan namin ni Zeke kanina.

"Hindi ko hahayaan na madamay si Selene. Kung kelangan makipaghiwalay ako sakanya gagawin ko wag lang syang madamay sa gulong to." Napapailing si Stell dahil alam nyang masyadong maruming gumalaw si Zeke.

Zeke is my cousin, inggit na inggit sya sakin simula palang nung bata kame. Never kaming nagkasundong dalawa. Dati pa man ay mahilig na syang mag umpisa ng gulo at hindi naman sya nananalo.

"Ano na namang trip ng pinsan mo? Napakagaling! Timing na timing! Naaawa ako kay Selene." Kahit ako hindi ko lubos maisip na hihiwalayan ko sya. I hate this feeling! Nakakapanghina.

"Pero that's the only way para maging ligtas sya. I have a plan." Nakinig namang mabuti si Stell sa plano ko, nung una ay ayaw nyang pumayag pero para sa kaligtasan ni Selene sumang ayon din sya.

Lumipas ang mga araw at di pumapalya si Selene na magtangkang kausapin ako. Kahit na gustong gusto ko na syang yakapin ay di pwede.

Si Pablo at Josh naman ay di pa alam ang plano namin ni Stell, saka ko na sasabihin pag nakahanap na ko ng lilipatan ni Selene. Baka marinig pa nya ang plano namin at masira pa.

Nandito ko sa mansion namin at biglang nagtext sakin si Stell na may nagpadala daw ng litrato ko kasama ang isang babae sa bar.

Fck! That brat lady who kiss me! Inis na inis ako nung time na yon dahil amoy na amoy alak yung bibig nya.

That was 2 days ago, may nagpicture pala sakin.

I told Stell to throw it pero nahuli sila ni Selene.

Dali dali akong umuwi at dumiretso sa kwarto ko, ayokong saktan ka Selene pero I will used this opportunity para makalayo ka sakin, sa kapahamakan.

Hindi na ko nagulat ng biglang bumukas ang pinto ng kwarto ko. It was Selene, my love, my life.

She was begging, I wanted to hug her tight and kiss her but I need to be strong.

Pumasok ako sa cr dahil di ko na mapigilan ang emosyon ko, I'm crying, nakakapanghinang makita ang mahal mong umiiyak.

Akala ko paglabas ko ay umalis na sya pero andun pa din sya nag iintay sakin. Fck! I really hate this feeling! Lagot ka talaga sakin Zeke. Kung di ka lang maruming maglaro!!

Until now she's begging for me to come back, I'll be back, Selene but not for now.

Lumuhod na sya sakin at dun ko na di napigilang lalong mapaluha, umalis na ko sa kwarto at baka makita pa nya kong umiiyak. I'm so sorry, Selene. Ayoko mang gawin to pero kelangan. I promise, babawi ako.

Inutusan ko nalang si Stell na sya na ang maghatid kay Selene sa apartment na nakuha ko. Safe yung place na kinuha ko at maglalagay din ako ng guard to protect her. Pero yung hindi nya malalaman.

Sumilip muna ko mula sa taas at muntik pa kong makita ni Selene buti nalang at nakapagtago agad ako. I will miss you, love.

Ilang sandali pa ay nakabalik na si Stell, sobrang naaawa daw sya kay Selene, ano pa yung nararamdaman ko diba?

Pinatawag ko na sila Josh at Pablo kasama na din sila Yani, kahit pa kapatid nya yung gagong Justin na yon wala kameng samaan ng loob na dalawa.

"My cousin Zeke wants to take revenge again. Hindi ko alam kung anong pinaplano nya pero I know you can help me all." Nagtanguan naman silang lahat, they know Zeke sa mga katarantaduhan nitong ginagawa. Even girls di nya pinapalagpas sa kagaguhan nya.

"Please also help me protect Selene, Dave and Martin please guard the apartment of Selene. Wag kayong magpapahalata. The others let's take down, Zeke. I'm sure magtatawag ng kakampi yan, James and Keith will be his ally, kaya natin yon. Let's train hard." Nag agree naman silang lahat sa sinabi ko, dumiretso na agad kameng lahat sa training area para masimulan na ang pagttraining.

Zeke be ready! Dahil sayo nilet go ko si Selene, I'll make sure you'll get down!

A/N: Hello! Sabaw ang utak ko kaya medyo sabaw din tong UD ko hihe, pero sana magustuhan nyo pa din. Salamat sa patuloy na pagsuporta sa story ko. Labyu all!! ✌

I Met The Mafia Boss | COMPLETEDOnde as histórias ganham vida. Descobre agora