Chapter 18 Without You

688 21 10
                                    

Selene's POV
Ilang araw na din ang nakalipas at sobrang nabobored na ko dito sa apartment. Napagdesisyunan kong lumabas para makapag mall at malibang naman kahit papano.

Habang nasa byahe ay napansin ko ang couple na grabe maglambingan. Sakit sa mata, kainis! Mga nang-iinggit pa, oo na ako na, ako na mag-isa!

Hanggang pagbaba ko ay kasabay ko pa din sila. Yabang! Holding hands while walking. Binilisan ko ang lakad ko para di ko na sila makita pa.

Sa Tom's World agad ako dumiretso para libangin ang sarili. Bigla kong naalala si Ken, hindi pa kase kami nakakapag-gantong dalawa e. Hays!

Habang naghahanap ng pwedeng malaro ay nakasalubong ko si Justin. Wow! What a nice day!

"Sel." Tawag nito sakin.

"Hmm, Justin, sino kasama mo?" Pero tingin ko ay mag isa lang to.

"Wala, ako lang. Pasensya na nung nakaraan ah, pero I mean it." Napa-wtf look ako dahil sa sinabi nya. Magsisimula na naman ba sya? Jusmeyo!

"Justin, please, tama na, alam mo bang dahil sayo naghiwalay na kami ni Ken." Parang di naman sya nabigla sa sinabi ko.

"I know, kinwento sakin ni Heira." Ayos to ah, chumichika pa din sa ex.

"Okay, bye." Aalis na sana ko ng hilahin nya ko sa kamay. Aba malakas amats neto ah.

"Wait, please give me a chance. Wala naman na kayo ni Ken, e, so pwede na." Napapailing nalang ako sa lalaking to.

"Alam mo Justin, hindi naman porket naghiwalay na kame e makikipagbalikan na ko sayo. We're done already. Kaya please, hanggat natitimpi pa kita, leave me alone." Tuluyan na kong umalis sa Tom's World, nawalan na din ako ng gana na maglaro. Kainis!

Sa Pet Store nalang ako dumiretso at nagtingin ng mga pwede kong mabili kay Kuro. And there's Justin again, hay! Ano bang gusto nito sa buhay?

"What? Bakit mo ko sinusundan?" Pagtataray ko sakanya.

"Hindi, sakto lang talaga kase bibili ako ng cat food para sa alaga ko. Bumili din kase ko ng pusa." Napatingin ako sakanya dahil alam kong hindi sya mahilig sa mga hayop. Tatanungin ko pa sana sya kaya lang ay ayoko ng humaba ang usapan kaya umalis nalang ako at umikot para maghanap ng pwedeng iuwi kay Kuro.

"Ay ang nice nito, magugustuhan to ni Kuro." Nakakita kase ako ng laruan ng cat yung stick na parang pamingwit, basta ganon hahaha

"Hmm, bibili din ako nyan hehe." Side comment bigla ni Justin, nasa tabi ko na naman pala to.

"Oh teka wag ka naman magmadaling umalis, di na kita kukulitin. I'm here to buy also, okay." Tumango nalang ako sakanya at di na sumagot.

Ang dami ko pang nabili kay Kuro na kung ano ano, kahit papano naman ay may pera ko no. Pagdating sa cashier at ng magbabayad na ko ay inabot agad ni Justin ang card nya kaya wala na kong nagawa. Nakalibre pa nga.

"Baliw ka, may pera naman ako no." Tatawa tawa naman ito.

"Hahaha okay lang yan, regalo ko na kay Kuro yan kahit lagi nya kong inaaway dati." Natawa din naman ako dahil naalala ko dati na kapag lalapit palang sya ay inaangilan na agad sya ni Kuro.

"Ang baho mo daw kase." Napalingon pa ko sakanya dahil hindi sya sumagot, natawa naman ako dahil inaamoy nya ang sarili nya.

"Hindi naman, ah. Amuyin mo pa, oh, dali." Tumakbo na ko dahil ang kulit ni Justin gusto talaga nya ipaamoy sakin yung kili kili nya hahaha, hindi naman sya mabaho syempre joke lang yon, amoy baby nga sya e, ay hahaha

Nang mapagod kame sa paghahabulan ay bigla kong napagtantong naiinis nga pala ko sakanya.

"Oh bat ang sama ng tingin mo sakin?" Takang taka nyang tanong.

"Naiinis nga pala ko sayo." Natawa naman ito at lumapit sakin.

"Sige lang, mainis kalang hahaha. Yan namiss ko sayo e, ang pagiging moody mo." Aba bumabanat pa.

"Tigilan mo! Broken pa din ako, Jah. Ang sakit kayang maiwan." Pagdadrama ko sakanya.

"Kaya nga bumabalik na ko e." Binatukan ko nga.

"Hindi ikaw, si Ken sinasabi ko. Iba sya e, basta." Nawala naman ang ngiti sa labi nya at napalitan ng seryosong mukha.

"Ang sakit pala marinig ng ganyan sa taong mahal mo no, hahaha, tanga ko kase, e." Napapailing nyang sabi.

"Alam mo Justin, sa tingin ko nanghihinayang kalang e, pero di mo na ko mahal, siguro pakiramdam mo lang yan kase nga may nagmahal na saking iba e, akala mo kase dati magpapakatanga ko sayo, hahabol ako sayo. Pero alam mo nakakaawa lalo si Heira, kase ikakasal na dapat kayo, e. Kung ako sayo mas aayusin ko yung relasyon nyo ni Heira. Kase kung ako yung kukulitin mo araw araw wala din mangyayare, my heart belongs to Ken, at wala akong balak na palitan sya. Mag isip isip ka, take time to refresh your mind and your heart." Mahaba kong paliwanag sakanya. Parang medyo natauhan naman sya at napangiti.

"Grabe, ang matured mo na mag isip. Hindi ka naman ganyan dati ah. Iba impluwensya sayo ni boss." Natawa naman ako sakanya, sabagay, iba naman talaga epekto sakin ni Ken.

"Sige na, uuwi na ko. Baka hinahanap na ko ni Kuro. Salamat sa libre." Ngumiti naman ito at inabot ang kamay nya.

"Friends?"

"Friends." Nagngitian kame pareho bago maghiwalay, may pupuntahan pa din daw kase sya.

Pagkarating ko sa bahay ay sinalansan ko na ang mga binili ko para kay Kuro.

Eto talagang alaga ko, laging tulog. Sana all masarap lagi tulog. Hay! Miss na miss ko na si Ken, ano bang dapat gawin para mawala na sya sa isip ko? Diba nga ayaw na nya sakin!

Ken's POV
Nandito kame sa mall ngayon ni Stell, nagpasama lang ako para bumili ng pabango ko. And balak ko din sumilip sa apartment ni Selene. Pero syempre di ako magpapakita.

"Boss ano tagal mo naman pumili pabango." Inip na sabi ni Stell.

"Wait, parang gusto kong bilhin tong tatlo e, hirap pumili." Kakamot kamot naman ang ulo nito at kinuha yung tatlong pabangong gusto ko.

"Edi kunin mo na lahat boss, tapos tara na, kase may training pa tayo." Ang reklamador naman ng kasama kong to, kung si Selene sana kasama ko hay!

Paglabas namin sa pinagbilhan kong pabango ay may pamilyar akong babae na nakita.

"Boss, si Selene kasama si Justin." Sabi ko na e.

"Shhh, sundan natin." Dahan dahan naman kameng sumunod sa dalawa.

Yung huling pag uusap nalang nila yung narinig namin dahil ang bilis nilang maglakad na dalawa.

Ano kaya yung pinag uusapan nila na yon, tsaka anong iba impluwensya ko sakanya, loko talaga tong si Justin, uupakan ko to ulit e.

"Pst, boss. Tara na. Nakita mo na si Selene, oks na yon." Hindi ko inintindi yung sinasabi ni Stell dahil nakita kong nagkamayan yung dalawa. Anong meaning non? Bakit may paganon?

"Oh? Selos ka boss? Balikan mo na, marunong naman kase lumaban si Selene e, ewan ko ba sayo hiniwalayan mo para di mapahamak, ikaw din baka maagaw pa ng iba yan." Napaisip naman ako sa sinabi ni Stell, naguluhan din ako bigla, di ko din maintindihan sarili ko bakit ganon yung naging desisyon ko.

"Let's go." Yun nalang ang sinabi ko dahil para kong masisiraan ng ulo dahil sa pag iisip.

Wait for me Selene, don't fall in love with Justin. I'll win you back.

A/N: Hello pi, sorry ngayon lang nakapag-UD. Nalaglag kase phone ko sa tubig huhu ngayon lang narevive. Sana magustuhan nyo tong UD ko and sana tuloy tuloy yung support nyo kay Selene at Ken hihi. SLMT, mga kaps 💠

I Met The Mafia Boss | COMPLETEDWhere stories live. Discover now