Chapter 32

7.8K 287 4
                                    

Third Person's POV

        Umuwi na din sina Kineya at tahimik na dumaan ang gabi para sa kanilang mag ama habang sa kabilang banda naman ay pilit na pinpakalma ng mag asawang Delvage ang kanilang Prinsesa.

       Sa isang sulok naman ay nakatingin si Hades sa bunsong kapatid at saka may tinawagan sa telepono na siyang isa pang pasabog na magaganap kinabukasan.

       Hindi pa man sumisikat ang araw ay gising na gising na agad ang pamilya ni Gillian dahil sa nangyari sa kanila.

       Nag pull out lahat ng investors nila na siyang ikinalugi ng kompanya nila habang may isang kompanyang nasunog at may mga sugatan at namatay na empleyado.

       May mga pulis ding dumating upang arestuhin ang ama ni Gillian sa kasong murder at iba pang kaso na may kinalaman sa mga ilegal na gamot at armas.

      Naibato ni Terrese ang cellphone niya ng marinig ang lahat ng balita tungkol sa kaibigan. Nakakaramdam siya ng sobrang panganib ngunit agad din siyang kumalma.

       'Hindi nila alam na ako ang mastermind! And they will never know it! Calm down Terrese they will never know anything about it. Let's just proceed to my next plan'

        Habang pinapakalma ni Terrese ang sarili ay siyang ikinakatuwa ni Kineya sa mga pangyayari. Alam niya kung sino ang may pakana ng lahat ng nangyayari sa pamilya ni Gillian at hindi na siya nagulat pa dito.

        Nasa loob siya ng nobela, ng libro kaya naman ang imposible ay maaaring maging posible.

        'Karma is automatic bitch, but let's play more'

        Pumasok na siya sa paaralan nila at nadatnan niya si Aubrey na may kausap sa telepono ngunit may kakaibang ekspresyon sa mukha nito na madalas na din niyang mapansin nitong mga nakaraang araw.

        Hindi siya pwedeng magpadalos dalos at komprontahin si Aubrey, ang magagawa niya lang sa ngayon ay obserbahan at kumilos sa tahimik para makuha ang sagot na kinakailangan niya.

        " Kineya, kanina ka pa? " Tanong ni Aubrey sa kanya.

        " Nope… I just arrived… " sagot niya kay Aubrey.

        " Hmm.. may nalaman ka na? " Tanong ni Aubrey sa kanya habang nag aayos ng gamit.

        " Hmm.. wala pa pero malapit na "

        " Talaga? Pakopya.. " sagot ni Aubrey.

        " Here " ibinigay naman agad ni Kineya kay Aubrey ang research niya tungkol sa topic nila sa isang subject.

I Became The Villainess 🌟Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon