Chapter 54

6.3K 217 4
                                    

Third Person’s POV

Malalim na ang gabi at muling nakasilip ang maliwanag at bilog na buwan mula sa langit.

May kakaibang ningning na para bang may nais iparating ngunit tanging ganda langt ang nakikita ng mga titingin maliban nalang sa isang matandang nakatunghay sa buwan.

‘Alam kong nagkita na sila kaya mas maganda kung tumahimik ka dyan’

Napapailing nalang ang matanda dahil sa buwan ngunit hindi rin naman niya ito masisisi lalo na at malapit ng magtapos ang lahat, malapit ng bumalik sa tamang daan ang lahat at hindi na siya makapaghintay pa.

Sa isang kwarto naman malalim na hininga ang pinakawalan ni Kineya habang inaalala ang kwento sa kanya ng mga magulang niya at ang tunay niyang pagkatao.

“ Hindi kami tuluyang mamatay ng gabing iyon pero humiwalay ang kaluluwa namin sa katawan namin kaya naman inakala ng mga kalaban na patay na kami. ” Paunang kwento ni Richard.

“ Sinunog nila ang katawan namin at saka kami iniwan pero hindi naapektuhan ng apoy ang mga katawan namin lalo na at hindi pa tuluyang naglalaho ang mga kaluluwa namin. Gusto ka naman naming hanapin ngunit hindi namin magawa lalo na at wala kaming katawang lupa. Matapos ng pitong araw muli kaming nagising at isang matandang babae ang tumulong sa amin. ” Patuloy ni Camila sa kwento.

“ Sinabi niya sa amin kung anong mga nangyari sayo at kung paano ka napunta sa mga kamay ng mga Creos kaya naman mula sa malayo ay sinubaybayan ka namin. Nakita namin lahat ng paghihirap mo at lahat ng pinagdaanan mo mula ng mamatay ang kinikilala mong ina. We want to help you pero sinabi ng matanda na maaari ka lang namin kausapin at lapitan na oras na mag 20 years old ka na lalo na at lalabas ang tunay pagkatao once na maging 20 ka kaya ngayon lang kami anak.  ” Dagdag ni Camila habang nagsisituluan ang mga luha nito.

“ So, kayo pala yon?  Yung lagi kong nararamdamang nakamasid? ” Tanong ni Kineya.

“ Yes, kami yon at alam din namin kung sino at kung anong klaseng tao ang mga nakakasalamuha mo. Kami din ang nagpadala ng apat na babaeng tumulong sayo para makatakas. ” Sagot ni Richard.

“ What are you? ” Tanong ni Kineya at naalala ang apat na babaeng yon, yung lakas at mga mapupulang mata ng apat.

“ They call us Reapers and we’re companions of vampires.  We can control vampires base on their level and they treated us like royal vampires. We have the same authorization with vampires.” Sagot ni Richard na hindi na ikinagulat pa ni Kineya dahil matagal na niyang alam na ang romance book na palagi niyang binabasa ay isa ng fantasy book.

“ So, Reaper din ako? Pero what is last blood? ” Tanong niya.

“ Last blood' means having a pure blood and characteristics of vampire pero isang mortal. Dahil humiwalay ang kaluluwa namin at pagtangkang pagsunog ay nawala ang pagiging last blood namin kaya nag-iisa ka lang na last blood lalo na at pamilya natin ang nag-iisang pinagmumulan ng mga Reapers. ” Saad ni Camila.

“ You have a characteristics of vampires especially, their eyes and we know na alam mong pinalilibutan ka ng mga bampira, tama ba? ” Tanong sa kanya ni Richard na hindi na lamang niya pinansin.

Napatingin si Kineya sa buwang nagniningning sa kalangitan mula sa bukas na bintana sa kwartong kinalalagyan niya.

Ano bang mangyayari sa mga susunod na araw?

Ano pa bang matutuklasan niya? Ano pang mga sikreto ang mabubunyag niya?

Marami ng nangyari pero pakiramdam niya, may mga hindi pa siya alam na makakapagpabago ng buhay niya.

Nag-ayos na siya ng sarili at handa ng umalis. Kailangan na niyang bumalik kina Killian lalo na at matagal na siyang nawala, ayaw na niyang pag-alalahin pa lalo ito lalo na sila.

Nagkaroon na rin sila ng parte sa puso niya at kahit siya ay hindi makapaniwala pero ano bang ginagawa niya? Kung puso na niya mismo ang nagdikta?

Pero nakakasigurado siyang may mga darating pang mga problema sa hinaharap at kailangan niya pang lagpasan iyon hindi pa natatapos ang lahat at doon ay sigurado siya.

Kailangan niya lang magpakatatag.

I Became The Villainess 🌟Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon