Chapter 49

6.9K 252 4
                                    

Third Person’s POV

Sa ilalim ng maliwanag at bilog na buwan nakatanaw ang isang matandang babae.

Nakasuot ng isang mahabang bistida ngunit hindi ito simple lamang dahil mararamdaman mo ang kakaibang awrang nakapalibot dito, mararamdaman mo ang komportableng pakiramdam mula sa simpleng damit.

Hindi rin lang simple ang matandang babae dahil kahit kulubot na ang balat niya at may kakaibang ning-ning sa kanyang mga mata habang nakatanaw sa buwan na para bang may nangyaring maganda.

‘Sa wakas, ito’y nagising na….’

Unti-unting gumuhit ang isang kurba na manipis at walang kulay nitong labi at makikita mo ang masayang ekspresyon sa mata.

Dahan dahan itong naglakad paalis ngunit hindi mawawala ang ngiti sa labi nito.

Sa isang banda naman ay naglalakad ang isang babae wala man sa sarili ay makikita mo ang ngiting nakapaskil sa maputla nitong labi.

Hindi sinasadyang napatingin siya sa bilog na buwan at para bang kinakausap siya nito dahil sa mga mata niya ay nagnining-ning ang buwan.

Napailing nalang siya sa naisip at naalala ulit ang nangyari kanina.

Matapos ng isang oras na pagpaparusa sa limang kalalakihan saka lang niya namalayan ang kakaibang bagay na nararamdaman niya.

Ramdam niya ang dumadaloy sa dugo sa katawan niya at ang kakaibang lakas at bilis na meron siya.

Nang malaman niya iyon ay bigla na lamang gumuho ang pader ng kwarto at nagkaroon ito ng butas.

Nagulat siya ng makitang may apat na babaeng nakamaskara at ito ay nakatingin sa kaniya.

Hindi niya akalaing mas ikakagulat niya ang mga mata ng mga ito, mga pulang mata na may halong itim.

" Umalis ka na. " Saad ng babaeng nasa harap, nagdadalawang isip man siya ay umalis din agad siya dahil madami siyang katanungan na kailangan niyang hanapan ng sagot.

Muli siyang napatingin sa buwan dahil sa kakaibang enerhiyang ibinibigay nito at sa di malamang dahilan bigla na lamang umikot ang mga mata niya at bumagsak sa lupa ngunit nasa buwan pa din ang atensyon niya hanggang sa tuluyan na siyang nawalan ng malay.

Nakatingin naman ang matanda sa dalagang nawalan ng malay habang nakatingin sa buwan. Napapailing nalang siyang lumapit sa dalaga saka tumingin sa buwan.

'Masyado kang mapaglaro'

Muli siyang tumingin sa dalaga at binuhat ito. Tumingin siya sa buwan at tumango dito bago akayin palayo ang katawan ng dalagang walang malay.

Nakarating sila sa isang simpleng kubo sa loob ng kakahuyan. Inihiga ng matanda ang dalaga at kumuha ng pamunas at tubig bago punasan ang mga sugat at dugo na nasa katawan ng dalaga.

Napatingin siya sa mukha nito at iiling iling nalang sa mga pumapasok sa isipan niya.

Dumating na ang oras, hindi niya akalain na magkakatotoo ang sinabi niya, na darating ang huling dugo ng pamilyang iyon at ngayon nga ay nasa harapan na niya.

Nilinisan niya ang dalaga at pinalitan ng bistida bago lumabas ng kubo.

Napabuntong hininga nalang siya dahil sa nalalapit na pagtatapos ng misyon niya at pagkatapos ay pwede na siyang mamahinga.

Sa abandonadong lugar kung saan lahat ng tao ay wala ng kulay at hininga ay nagsidatingan ang mga itim na sasakyan at sunod sunod na bumaba ang mga lalaking may hawak hawak ng mga malalaking baril.

Wala ng utos na inutos at kusa ng nagkilusan ang mga ito habang sina Killian at ang mga kalalakihan sa buhay ni Kineya ay nagsimula na ding kumilos.

Pumasok sila sa loob at maingat na kumikilos dahil sa katahimikan ng lugar.

Dere-deretso lang silang naglalakad ng tumambad sa kanila ang isang katawan ng isang tao ngunit para bang isa itong bangkay dahil wala na itong kulay na lalong nagpa-alerto sa lahat habang ang apat na kalalakihan naman sa likod ay napakunot noo na lamang.

Muli silang naglakad hanggang sa may nagreport sa kanila na may nakita silang babae sa isang kwarto at mabilis namang kumilos sina Killian hanggang sa maraming ang nasabing kwarto.

Sa loob ng kwarto ay una nilang napansin ang malaking butas sa pader bago bumaba ang mga mata nila sa limang kalalakihan na hubo't hubad ngunit ang malala ay ang mga ari nitong putol na nasa bibig nila.

Napadako naman ang tingin nila sa babae, kilala nila ito ngunit hindi ito ang hinahanap nila ngunit hindi nila maiwasang magtaka kung anong nangyari sa mga ito lalo na at walang kulay ang katawan nito.

Nasigurado nilang wala dito si Kineya ngunit palaisipan pa din kung ano ang nangyari sa lahat ng mga tao dito, walng kulay ang balat na para bang sinipsip ito ng matindi.

------

Nag-update ang Lola niyo kasi false alert yung examination namin pero may binigay pa din sila pero ayos lang matagal pa naman deadline!

Thank you!🌟

I Became The Villainess 🌟Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon