Chapter 46

6.8K 308 16
                                    

Third Person’s POV

Puno na ng sugat at mga pasa ang katawan ni Kineya ngunit wala man lang kahit na anong daing ang nanggaling sa kaniya. Walang pagmamakaawang nanggaling kay Kineya habang pinagtutulungan siya ng mga lalaki. Hindi naman maiwasang makaramdam ng paghanga ang mga lalaking pumapalo kay Kineya ng kahoy dahil kahit nasasaktan na ito, hindi nito hinahayaan na ipakita ang kahinaan niya sa babae ng Boss nila.

Naiinis na si Terrese dahil wala man lang siyang nakukuhang reaksyon mula kay Kineya, akala niya ay iiyak ito o sisigaw man lang ngunit matibay talaga ang isang toh. Ganon pa man ay kitang kita niya na ang mga dugo, pasa at mga sugat sa katawan nito.

Habang pinapanood niya ang nangyayari kay Kineya ay may pumasok na isang napakagandang ideya sa isipan niya. Umarko ang isang ngiti sa labi ni Terrese ngunit may kalakip ito na masamang bagay.

“ Boys? You’re in heat? Yes? ” Tanong ni Terrese sa mga kalalakihan ngunit hindi agad naintindihan ng mga ito kaya tumingin ang mga ito sa kanya habang napatawa naman si Kineya sa isipan niya dahil masyadong stupido ang mga lalaking ito para hindi maunawaan ang simpleng salita.

Pero sa isip-isipan niya ay may estupida si Terrese dahil gusto niyang iparanas sa kanya ang naranasan nito para maabot ang kinalalagyan nila ngayon. Pangalawang beses niya na itong kinakaharap ngunit iisa lang din lang naman ang kalalabasan at yun ay ang di pagtatagumpay.

“ Stupid…. I want you to devour her. Eat her. Send her to heaven. ” Saad ni Terrese na siya namang ikinaikot ng mata ni Kineya.

Oo, hindi siya lumalaban pero hindi naman siya tanga para hindi pumalag sa mga mangyayari.

Habang naghahanda si Kineya, ang mga kalalakihan naman ay parang mga asong ulol na tuwang tuwa sa utos sa kanila at malugod nila itong susundin. Nasa harapan mo na ang ginto, tatanggi ka pa ba?

“ Enjoy.. '' Saad ni Terrese at lumabas kasama ang Boss ng mga lalaki na kanina pa naglalaway sa kanya kahit na pasimple din nitong pinagpapantasyahan si Kineya.

Nagtawanan ang mga lalaki at unti-unting naghubad ng mga damit. Pinagmamasdan nila ang walang galaw na babaeng kanina lamang ay pinagpapantasyahan nila at akalain mo nga namang bibigyan sila ng pagkakataon para maabot ang isa sa mga pangarap nila.

Kahit na puno ng mga pasa at sugat ang babae ay di mo maitatanggi ang kagandahang taglay nito, lalo na ang katawan nitong may perpektong katawan. Hindi nila tatanggihan ang grasya at dadalhin nila ito sa langit.  

Unti-unti silang lumapit dito at may sari-sarili ng pwesto. Hahawakan na sana nila ito nang bigla itong bumalikwas mula sa pagkakahiga at isang kamao ang sumalubong sa lalaking nasa unahan nito. Nagulat ang mga lalaki at wala ng oras para magulat pa ng sabay sabay silang natumba dahil sa pagpatid sa kanila ng babae. Gulat at takot silang napatingin sa babaeng nasa harapan nila lalo na ng makita nila ang mata nito na kulay pula at may malamig na ngiti ito na tila ay hinihigop ang lakas nila. Wala silang ibang maramdaman kundi takot.

“ Let’s start.. Shall we? ”

I Became The Villainess 🌟Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon