SPECIAL CHAPTER

8.1K 285 40
                                    

INSIDE THE BOOK

Tatlong taon, tatlong taon matapos makabalik ni Atheya sa tunay na mundo at tatlong taon na ding nabubuhay sa misteryo ang mga naiwan niya sa mundo ng libro.

" Sir? Wala na po kayong meeting. " Saad ng sekretarya ni Killian sa kanya ngunit para bang wala siyang naririnig.

Ilang beses na tinawag ng sekretarya ang amo ngunit para bang nasa ibang mundo ito, palagi nalang wala sa sarili at nagsimula ito tatlong taon na ang nakalipas.

Lagi nalang niyang nadadatnan ang amo niya na nasa isang kwarto na malapit lang sa sarili nitong kwarto, minsan ay makikita niya itong nakatulala sa upuan sa dining room na katabi niya o di kaya ay lagi itong nakatingin at hinahaplos ang upuan sa backseat.

Hindi niya alam kung ano bang dapat niyang gawin dahil kahit anong pilit niyang magpatingin ito sa Doctor ay binabalewala lang siya nito kaya naman nanahimik na lang siya at nanatili sa tabi nito.

Noong isang beses ay narinig niya na kausap ng amo niya ang isang kaibigan nito, sinabi ng kaibigan nito na bumalik na si Killian sa ibang bansa lalo na at doon naman talaga ito nakatira pero sinagot ito ng amo niya.

" I'll stay here. I feel like I should stay here and I want to stay here for the rest of my life. "

Mula noon ang ganito na lamang ang naging takbo ng araw araw na pamumuhay ng amo niya.

Bahay at trabaho lang ito, nag-aalala siya lalo na at may edad na din ang amo at wala man lang itong naging kasintahan.

Hindi na niya alam ang gagawin niya.

Sa isang bar naman kung saan nagsasaya ang lahat, sa isang kwarto kung saan hindi marinig ang ingay sa labas ay naroroon ang limang lalaki.

May mga katabi itong mga babae ngunit tahimik lamang na umiinom ang mga ito ay hindi binibigyang pansin ang mga babaeng pilit na nagpapapansin.

" Get out. " Saad ni Apollo.

Tatlong taon na ang nakalipas ngunit sa loob noon ay marami ding nagbago sa kanilang grupo.

Ang dating masayahin na sina Adonis, Apollo at Poseidon ay nagaya na kina Zeus at Hades na laging walang emosyon sa mukha.

Sa tuwing papasok sa klase ay marerealize nalang nila na nakatingin sila sa isang upuan sa loob ng classroom, ganoon din ang nangyayari kapag nasa Cafeteria sila.

Pakiramdam nila ay may kulang, pakiramdam nila ay merong isang tao na dapat ay nasa tabi nila at ang taong iyon ay napakahalaga pero hindi nila malaman kung sino ang taong iyon.

Wala silang ibang magawa kundi ang tumunganga at maghintay na sana dumating din ang taong iyon.

Sa isang tahimik na malaking mansion ay tulog na ang mga naninirahan maliban nalang siguro sa apat na lalaking nakatitig sa bilog at maliwanag na buwan.

Tatlong taon na ang nakalipas mula ng pakasalan nila ang kanilang mga kapareha at tatlong taon na din silang nagsasama pero hindi gaya ng nasa libro, hindi ganoon kasaya ang pagsasamang meron sila.

Hindi gaya ng sabi sa libro na sinasabing magiging masaya at puno ng pagmamahalan ang magiging pagsasama ng mga mag kapareha, ang pagsasama nila ay kasing tamis ng nasabi sa libro.

Hindi lilipas ang isang linggo na hindi sila nag-aaway at hanggang ngayon ay hindi pa rin nila naiisip na magkaanak kahit anong pilit ng mga mates nila.

Pakiramdam nila ay hindi dapat ganito ang kalalabasan ng hinaharap nila.

Pakiramdam nila na dapat masaya sila at pakiramdam nila may ibang tao na nasa tabi nila ngayon.

Wala silang ibang magawa kundi ang tumingin at buwan at tahimik na tanungin ang Dyosa ng pag-ibig at buhay.

Mula naman sa buwan ay hindi alam ni Neoma kung anong dapat niyang gawin.

Bilang isang Dyosa ng Pag-ibig at buhay ng mga bampira, normal lang na bigyan niya ng basbas ang lahat ng bampira at ibigay ang mga pangangailangan ng mga ito ngunit sa pagkakataon na ito ay wala din diyang ibang magawa kundi ang umupo na lamang at panoodin ang mga ito.

Nagulat naman si Neoma sa paglitaw ni Tadhana sa kanyang tabi.

" Tadhana? Alam mo ba ang nangyayari sa kanila? " Tanong ni Neoma na hindi naman sinagot ni Tadhana.

" Akala ko ba ay maayos na ang lahat? Akala ko ba babalik na sa dati ang lahat? Hindi ba at iyon ang itinakda mo? " Muling tanong ni Neoma na ikinabuntong hininga nalang ni Tadhana.

" Love. " Sagot ni Tadhana na ikinataka naman ni Neoma.

" Because of love, they love her and they're longing for her. Their heart wants to reach her and fate can't stop that. " Sagot ni Tadhana.

Maging siya ay inakalang magiging maayos ang takbo ng lahat matapos niyang ibalik si Atheya sa tunay nitong mundo.

Pero dino bang mag-aakala na kayang hadlangan ng pagmamahal ang tadhanang itinakda niya?

Pero hindi niya akalain na may magagawa pala ang 'pagmamahal' na ito na isang bagay na napakaimposible kung kanyang tutuusin.

At iyon ay ang pagtawid sa kabilang mundo.

I Became The Villainess 🌟Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon