Chapter 1

30 8 16
                                    

"Lou bilisan mo baka malate tayo ngayon ang dating nina Grey baka di natin sila maabutan sa airport" sabi ko sa bestfriend ko na napakabagal kumilos akala mo pagong.

"Ito na patapos na masyado ka na naming excited makita yung crush mo" Sabi nya habang palabras sya sa kwarto nya.

"Aba syempre naman summer na nga lang kami nagkikita palalampasin ko pa, tsaka isa pa lola nya naman nagsabi na sumama ako sa pagsundo sa kanila eh" sabi ko.

"Bet na bet mo din naman, tara na baka hinihintay na tayo ni lola Teresa" sabi nya nang makapag-ayos na sya.

Nagsimula na kami maglakad papunta sa bahay nina lola Tere dahil malapit lang naman yon sa bahay naming.

"Everleigh, apo hali na kayo dito para makaalis na tayo" sabi ni lola.

Sumakay na kami sa Van at nagsimula nang magbyahe papunta sa Manila.
Nakatulog sina lola Tere at Lou habang byahe, ako naman hindi makatulog dahil sa excitement na nararamdaman ko.

Nakilala ko si Grey noong ako ay 7 years old, 9 years old na sya nung nagkakilala kami. Tuwing summer lang sila umuuwi dito sa Pilipinas dahil doon sya nag-aaral sa States. Kaya tuwing summer ay hindi ko maexplain ang excitement na nararamdaman ko dahil makikita ko na naman si Grey.

Masungit talaga si Grey nung nagkakilala kami at sobrang naiirita sya sa'kin kapag nagpapapansin ako sa kanya. Sino ba naman ang hindi magpapapansin sa crush nila diba. Habang lumilipas ang mga araw ay nasanay na din si Grey sa presensya ko. Hanggang sa dumating yung araw na naging matalik na kaming magkaibigan.

Lumiwanag ang aking paningin nang natanaw ko na ang airport, ginising ko na din sina lola Tere at Lou.

"Le-Leigh!" agad akong napalingon noong narinig ko ang pamilyar na boses na tumawag sa akin pagkababa ko sa van.

"Grey!" sigaw ko at agad na nagtatakbo palapit kay Grey na sinalubong naman ako ng yakap.

"I missed you/Namiss kita"sabay naming sabi kaya natawa kami.

"Ehem I'm here din po" sabi ni Ashlyn kapatid ni Grey. 

"Namiss din kita Ash, hug?" sabi ko at agad naman itong yumakap sa akin.

"Mga apo" sabi ni lola Tere na kakababa lang ng van.

Tumakbo naman agad ang dalawa para salubungin ng yakap ang kanilang lola. Sumunod naman ako sa kanila pabalik sa may Van

"Nasaan parents nyo?" tanong ko sa kanila.

"Hindi sila nakasama pauwi kasi they need to finish some stuffs sa office kaya kami lang ni Ash ang umwi" sabi ni Grey habang tinutulungan ang driver na magkarga ng gamit nila sa van.

"Ate Leigh come here inside na it's so init kaya baka mangitim ka" sabi ni Ash.

Hindi pa din pala to sanay magsalita ng purong tagalog, si Grey kasi sanay na.

"Sige na sumakay ka na sa sasakyan patapos na naman ito" sabi ni Grey kaya sumakay na ako sa Van.

Habang byahe ay nakatulog si Grey dahil na din siguro sa pagod sa byahe.

"Ikaw ha bet na bet mo naman na tulog yan" bulong sa akin ni Lou.

Inirapan ko na lang sya, nakasandal kasi si Grey sa balikat ko kaya nang-aasar si Lou.

Nagising ako nang may ilaw na tumama sa mukha ko, hindi ko namalayan na nakatulog na din pala ako.

Nang tingnan ko kung saan galling yung liwanag ay nakita ko si Ash sa tapat naming na nakatayo at may hawak na cellphone. Kinuhanan nya pala kami ng picture habang tulog.

"Pawiin mo yan Ash"sabi ko.

Hindi ko maabot ang cellphone nya kasi lumayo sya bigla at isa pa baka magising si Grey

"Kunwari ayaw pero mamaya ipapasend din naman wag nga ako Leigh" sabi ni Lou.

Aakto sana ako na susuntukin ko sya nang biglang gumalaw si Grey.

"Ingay nyo, ano ba yung pinapapawi mo kay Ash?" tanong nya sa'kin.

"a-ano" hindi ko naituloy ang sasabihin ko dahil nagsalita bigla si Lou.

"Picture nyo habang natutulog" sabi nya.

"Patingin nga ako Ash" sabi ni Grey.

Binigay naman ni Ash kay Grey yung cellphone nya. Sinilip ko din yung picture at okay naman pala ang kuha kung iisipin para kaming magjowa sa kuha na yon.

"Send it to me right away" Sabi nya tsaka binalik kay Ash ang cellphone nya.

"Fine" sabi ni Ash.

"Alam nyo bagay talaga kayong dalawa" sabi ni Lou.

"Tumigil ka nga Lou" sabi ko.

"Bakit Everleigh totoo naman" sabi ni Lou.

"Ano ba Lou" sabi ko.

"Bakit Leigh ayaw mo ba sa'kin?" biglang tanong ni Grey.

"H-ha ano h-hindi naman"sabi ko.

"Bakit ka nauutal Everleigh? Alam mo mga binata at dalaga na kayo at kung magkakaroon man ng kasintahan itong si Greyson ay mas gugustuhin ko pang ikaw yon" sabi ni lola Tere.

"I agree if you won't be the girlfriend of kuya I'll suggest na wag na sya mag girlfriend" sabi ni Ash.

"Finally, andito na tayo tara na bumaba nagugutom na ako" sabi ko tsaka dali daling bumaba ng sasakyan dahil nahiya ako bigla.

Dire-diretso lng ako ng lakad at hindi ko sila pinansin kahit n tinatawg nila ako.

"Hoy Everleigh Fay Wilson saan ka pupunta aber?" tsaka ko lang narealize na lumampas na pala ako sa bahay nina lola Tere.

"Wala gusto ko lang umikot masama ba?" sabi ko tsaka nagtatakbo papunta sa loob ng bahay nina lola Tere.

"Ewan ko sayo" sigaw pa ni Lou.

Pagkatapos naming kumain ay nagpaalam kami ni Grey na magpapahangin lang.

"Andami nang nagbago dito ah" sabi nya habang kami ay naglalakad lakad papunta sa may tabing dagat.

"Oo halos lahat nagbago na dito, lalo ngang gumanda dito eh pero mas maganda pa din noong mga bata pa tayo" sabi ko.

"May mga bagay naman na hindi nagbago dito eh" sabi nya.

"Ha? Ano naman ang hindi nagbago? Ay halos lahat naman ng makikita mo dito hindi ganyan nung nakaraang taon" sabi ko.

"Ikaw at yung feelings ko sayo hindi nagbago" sabi nya.

Napatigil ako bigla dahil hindi ko narinig ng maayos yung sinabi nya habang sya naman ay tuloy tuloy lang sa paglalakad.

"HOY GREYSON ANO YON?" sigaw ko dahil malayo na sya.

"Wala ayaw ko na ulitin ang bingi mo" sabi nya.

Napairap na lang ako bago sumunod sa kanya sa may tabing dagat.

_______________________________________________________

A/N: This story is inspired by the movie "This Time".

Last Summer (Opacarophile Series #1)Where stories live. Discover now