Chapter 14

12 3 5
                                    

"Leigh ready ka na ba? hinihintay ka na ni kuya mo sa baba" rinig ko na tawag sa akin ni mama.

"Yes ma, pababa na po ako" kuya decided na sya ang maghahatid sa akin sa school wala naman daw yang gagawin and gusto din daw niya sulitin kasi after wedding nila ay aalis na ulit sila.

Hindi na namin dinaanan si Ash kasi may driver naman sila.

"Kamusta kayo ni grey?" tanong ni kuya habang nagmamaneho.

"Okay naman kami, we are still frie....."

"Tigilan mo ako sa friends, friends na yan Everleigh. I know nagkakamabutihan na kayo, Grey told me that's why I'm worried din kasi I know napanood mo yung video." nagulat ako sa sinabi nya kasi hindi ko alam na close pala sila.

"Close ba kayo non?"

Tiningnan nya lang ako at tumango "He always ask me about your favorites, kasi nahihiya daw sya magtanong sayo and hindi nyo din naman daw masyado napag-uusapan yung ibang favorites nyo aside from favorite movies, food, and song" sabi nya.

So kaya pala alam nya yung favorite flower ko even though hidni ko sinabi sa kanya. I didn't expect that Grey will ask kuya about those things.

"Dalaga na ang baby girl ko" sabi nya tsaka kinurot ang pisnge ko.

Pilit ko yung inaalis kasi ang sakit nya mangurot "kuya ano ba masakit kaya" sabi ko.

"Pero seryoso Leigh, boto ako kay Grey para sayo at alam ko ganon din sina mama at papa. May tiwala kami sa kanya" sabi nya.

Natuwa naman ako sa narinig ko dahil hindi pa man kami ni Grey ay boto na sila sa aming dalawa "Kahit pa magkajowa ka o magkaasawa ikaw pa din ang nag-iisang baby girl ni kuya" sabi nya.

I'm very lucky to have a lovable, caring and protective brother like him.

After ilang minutes nakarating na din kami sa shcool, nakita ko si Ash na hinihintay ako sa may waiting shed sa tapat ng gate. Nagpaalam lang ako kay kuya bago bumaba ng sasakyan.

"Good morning, Ash" bati ko sa kanya.

"Good morning ate let's go inside na we'll find our classroom pa" sabi nya.

Pagkapasok namin sa loob ay dumiretso agad kami sa bulletin board doon kasi nakapost ang aming Block and nakaindicate na din doon kung saang class kami pati na din yung schedule namin. Luckily magkaklase naman kami sa lahat ng subjects.

After namin makita yung schedule pumunta na kami ni Ash sa room namin. Buti nga at nakapasok agad kami kasi kasunod na pala namin yung prof namin. Magkatabi dapat kami ni Ash kaso binago yung arrangement kasi gusto daw ng prof namin is alternate.

Dito ako pinaupo sa may likod dahil ako ang pinaka matangkad sa girls, wala pa akong katabi kaya masaya ako walang iistorbo sa akin.

Naputol ang kaligayahan ko nang biglang may pumasok na isang matangkad na lalaki. "Mr. Miller, please sit beside Ms. Wilson" sabi na eh sa tangkad ba naman nito malamang sa likod din sya mapupunta at isa pa yung katabi ko na lang na upuan yung bakante.

Nung makaupo na sya sa tabi ko napansin ko na parang familiar yung mukha nya. Para bang nakita ko na sya somewhere pero hindi ko maalala kung saan.

"Okay class so I am Mrs. Madeline Castor your and I......" nagpakilala na yung prof namin sinabi nya din yung mga rules and regulations pati na din yung mga kailangan namin for this subject.

After nya idiscuss lahat yun ay pinagpakilala nya kami isa-isa.

Matagal pa naman bago makarating sa akin so chill muna ako dito. After ilang students ay si Ash na ang magpapakilala doon kasi sya sa may bandang gitna nakaupo "Good morning ma'am, I am Ashlyn Dianne Jimenez, 18. I am actually from the US. I am half Filipino and half American. My dad is American and my mom is Filipina. I love doing vlogs and taking pictures. That's all. Thank you." Matangkad naman si Ash pero mas matangkad ako sa kanya kaya hindi kami magkalapit. Nakuha nya kasi yung height ng mama nya di masyadong matangkad pero hindi din naman maliit kumbaga tama lang yung height nya.

After ng ilan pang mga students ay ako na ang susunod akala ko nga hindi pa ako aabutin kasi medyo malapit na mag time "Hello everyone, my name is Everleigh Fay Wilson, 19 years old. I am pure Filipino and I love taking pictures, directing, and writing stories. That's all. Thank you."

Hindi pa ako nakakaupo ay tumayo na agad itong katabi ko, ano ba naman ito parang nagmamadaling magpakilala "Hi, I am Kendrick Aidan Miller, 19 years old, half Filipino and half American" pagkatapos niyang sabihin yun ay umupo na kaagad sya nagmamadali nga ata ito.

Pero maganda ang pangalan nya ha pero mukha siyang masungit, sayang pogi pa naman siya.

Nung natapos na kami magpakilala ay ngpalam na din ang prof namin. Sa buong araw na first day namin ay orientation lang ang ginawa namin. Nagulat nga ako nung nalaman ko na classmate ko din yung si Kendrick sa halos lahat ng subject.

Palabas na sana kami ni Ash ng school at ito na naman may nagmamadali na namang lalaki ang nakabangga sa akin "Ano ba tumingin ka nga sa dinadaanan mo" sabi ko.

"Sorry..... wait I know you"

"Malamang we're blockmates" sabi ni Ash.

Si Kendrick sya yung nagmamadaling lalaki na nakabangga sa akin, wait parang may naalala ako "Ikaw nga yun" sabi ko.

"Ako ang?" tanong ni Kendrick.

"Ikaw abg dahilan kung bakit nabasag yung phone ko before" kita ko sa mukha nya ang pagtataka.

"What do you mean?"

"Nung enrollment, diba nagmamadali ka din na pumasok. May nabangga ka ako yun, lumingon ka pero hindi ka man lang nagsorry. Nabasag yung phone ko dahil sayo" sabi ko.

Bakas ko sa mukha nya na parang pilit nya na inaalala yung nangyari "Yeah nalala ko na, I'm sorry. I have to go" sabi nya.

After nya sabihin yun ay iniwan na nya kami ni Ash. Ganon na lang yun? My gosh.

"Let's go na ate hayaan mo na yun sayang ang handsome face nya panget ng ugali" sabi ni Ash.

Hanggang sa pag-uwi ay badtrip ako kay Kendrick. Ganon na lang yun, mag sosorry na nga lang sya parang napilitan pa. Hindi ko naman hinihiling na palitan niya yung phone ko. Mag sorry lang sana sya yung sencire sana hindi yung parang napipilitan pa sya ay kasalanan naman nya talaga.

"Gwapo ka nga panget naman ng ugali mo"

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jun 30, 2022 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Last Summer (Opacarophile Series #1)Where stories live. Discover now