Chapter 8

9 4 21
                                    

Naenjoy namin yung mga natitirang araw namin doon sa resort. Pauwi na kami ngayon sa bahay at nalaman ko na hindi muna babalik sina Duke sa America. "Saan kayo mag stay nyan?" tanong ko.

"Sa bahay, doon sila sa mga guest rooms mag stay" sabi ni Grey.

Kita ko ang inis sa mukha ni Ash dahil makakasama nya si Xavier ng ilang linggo sa bahay nila. "Ash ayusin mo mukha mo sige ka papanget ka" pang aasar ni Xavier.

Inirapan lang naman sya ni Ash tsaka nangunang sumakay sa Van. Nasa unahan si yaya Lourdes at yung isa naman ay katabi ni lola Tere.

Lalong nainis si Ash nang si Xavier ang makatabi nya, wala na kasing bakante na upuan dahil ang mga gamit ay nakalagay sa likod.

Nakatingin lang ako sa bintana nang biglang hawakan ni Grey ang kamay ko. "I love you" sabi nya nung napatingin ako sa kanya.

Nginitian ko sya at sumandal sa balikat nya, naramdaman ko na hinalikan nya ang tuktok ng ulo ko. Pinaglalaruan nya din ang mga daliri ko.

"Nakakainis naman tong dalawang katabi ko" reklamo ni Mykel napatawa na lang kami ni Grey.

"Wag kang mag-alala dude, pag dating natin sa bahay nandoon yung crush mo" pang-aasar ni Grey. Binato naman ni Mykel ang hawak nyang panyo kaya natawa si Grey.

"Sinong crush?" tanong ko.

"Si Lou, crush ni Mykel yon" sabi nya. Sinabi sa akin ni Grey na kaya daw nakilala ni Mykel si Lou dahil palaging nagtatanong ito pag nakikita ang picture namin ni Lou.

Nakatulog ako habang byahe kaya hindi ko namalayan na nasa bahay na pala kami nina Grey. "Huy bakit hindi mo ako ginising?" tanong ko.

"Mukhang pagod ka eh kaya hinayaan na lang kita matulog" sabi nya.

Nagsuklay lang ako bago kami bumaba. Kami na lang kasing dalawa ang naiwan sa Van halos lahat sila ay nasa loob na.

"LEIGHHHHH" sigaw ni Lou at tumakbo palapit sa akin.

Niyakap nya ako at niyakap ko din sya pabalik "namiss kita gaga" sabi ko.

"Uhm Lou may ipapakilala ako sayo halika bilis" hinila ko sya palapit kay Mykel.

Bakas ko sa mukha ni Mykel ang hiya at kaba hindi ko alam kunh matatawa ba ako sa kanya kasi pulang pula ang mukha nya. "Mykel, si Lou best friend ko. Lou, si Mykel tropa ni Grey" pagpapakilala ko sa kanila.

"Hello, nice to meet you" sabi ni Lou at iniabot ang kamay nya kay Mykel.

Kita ko na nahihiya si Mykel pero inabot din naman nya ang kamay ni Lou "N-nice to meet you" sabi nya.

"Hahaha ang cute mo" sabi ni Lou at pinisil ang pisnge ni Mykel. Kita ko ang gulat sa mukha nya.

"Dude, ano ba yan para kang kamatis" pang-aasar ni Duke.

"Binata na ang Mykel namin" sabi naman ni Grey.

Hindi sila pinansin ni Mykel nagmamadali lang ito na pumunta sa taas. "Bakit umalis yon?" tanong ni Lou.

"Nahihiya sayo ate, haba ng hair" sabi naman ni Ash.

Nung kakain na ay tinawag ni Duke si Mykel pero ayaw nitong lumabas nahihiya daw sya kaya sabi ni Lou sya na lang ang tatawag para mawala na ang hiya ni Mykel.

Nagulat kami nung pagbaba ni Lou ay kasama na nya si Mykel at aba nagtatawanan pa ang dalawa.

"Si Lou pala ang gustong tumawag nako wala to olats na tayo dito Duke" sabi ni Xavier.

Pagkatapos namin kumain ng hapunan ay inihatid na kami nina Grey sa bahay. Una namin na inihatid si Lou dahil mas unang madadaanan yung bahay nila.

"Wala bang goodnight jan?" parinig ni Xavier kay Mykel. Babatukan sana ni Mykel si Xavier nung nagsalita si Lou.

"Goodnight Mykel" napatigil si Mykel nung narinig nya yon. Nginitian lang sya ni Lou "Goodnight din sa inyo, ingat kayo" sabi ni Lou bago sya pumasok sa bahay nila.

"Ayiiieeee" pang-aasar ko kay Mykel.

"Unang araw pa lang minahal na kita...." kanta naman nung tatlong lalaki. Nagtakbuhan sila nang makita nilang masama ang tingin sa kanila ni Mykel.

Ihahatid daw ako pero iniwan ako dito? Kamusta naman yon ano?

Nang makarating kami sa bahay ay pinapsok muna sila ni mama. Hindi na sana sila papayag pero nagpumilit si mama dahil gusto nyang makilala ang mga bagong kaibigan ko.

"Kayo iyong sikat na banda ano?" tanong ni mama habang nagseserve ng juice.

"Ah opo hehe" sabi ni Mykel.

"Itong si Grey matagal na itong kaibigan ng anak ko, palagi nyang nakwekwento ito sa akin at laging excited yan kapag Summer dahil uuwi daw si Grey" napahiya namana ko doon sa sinabi ni mama ilaglag daw ba ako.

Tumingin sa akin si Grey yun bang tingin na nang-aasar kaya pinandilatan ko sya ng mata tumawa lang naman sya sa akin.

"Kung magkakaboyfriend nga itong si Leigh ay gugustuhin ko pa na si Grey iyon at tiwala na talaga kami sa kanya" bigla namang sabi ng kadadating lang na si papa.

Nagkwentuhan lang sila ng ilang minuto pa bago nila napagpasyahan na umalis. Inihatid ko sila sa may gate nauna na yung tatlo na maglakad dahil kaya naman daw ni Grey mag isa.

"Paano ba yan may basbas na ako galing kay papa, bawal ka na maghanap ng iba kasi ako ang gusto nila hahahaha" sabi nya.

"Tigilan mo nga ako, para namang hahanap panako ng iba" sabi ko.

Nagpaalam lang kami sa isa't isa bago sya umuwi.

Hayyyy nakakatuwa naman at gusto ni mama sina Grey kahit hindi pa kami alam ko na hindi sila magiging tutol sa relasyon namin pag nagkataon.

Grey's POV

Natuwa naman ako dahil hindi pa man kami ay boto sa akin ang magulang ni Leigh.

"Dude kanina ka pa nakangiti jan" sabi ni Xavier.

Napagdesisyonan namin na dito na lang kami sa kwarto ko matulog, mayroon naman akong spare bed.

"Who wouldn't? Malaman mo ba naman na gusto ka ng parents ng babaeng gusto mo diba" sabi naman ni Duke.

Nagkwentuhan lang kami hanggang sa antukin kami. Tinext ko na din si Leigh. Hindi ako makatulog kaya inopen ko muna ang facebook ko.

Meriah Odette Gonzales
Hi, Grey how are you? I missed you so much

Nang mabasa ko yun ay hindi ko sya nireplyan hanggang ngayon ay hindi pa din ako tinitigilan ng babaeng to.

Naging partner ko sya sa isang film before and until now she's expecting that I like her. Hindi sya maniwala na lahat ng pinapakita ko sa kanya was just for the show.

Sobrang irita ako sa babaeng to, hindi lang ako pati sina Duke din. Napakaarte nya kasi at akala nya lahat ng nakakapartner nya may gusto sa kanya.

Meriah Odette Gonzales
Why aren't you responding to my messages?
Come on, I know you missed me too
I know you like me Grey, I know that all those things that you do was not just for the show.

Greyson Jimenez
Are you out of your mind? I will never like you mark my word.

Pagkasend ko ng message na yon a binlock ko sya. We are using our private account so I know doon naman sya magmemessage sa public account ko. I can't block her there magkakaroon ng issue at pwedeng masira ang career ko dahil doon.

Last Summer (Opacarophile Series #1)Where stories live. Discover now