Prologue

220 18 4
                                    

"Leigh, Leigh tabachoy" yan ang palaging bungad sa akin kapag lumalabas ako ng bahay.

"Wala talaga kayong magawa sa buhay no?" tanong ko.

"Wala kaya aasarin ka na lang namin hanggang sa umuwi ka na sumisikip ang daan eh" sabi nung isang matangkad na lalaki.

"Bakit ako yung inaasar nyo? Hindi nyo ba kayang asarin mga ka edad nyo? Ano ba kayo bakla?" tanong ko.

"Hoy sinong bakla? Baka gusto mo sapakin ka namin" sabi naman nung isa pang lalaki.

"Bakla nga kayo pumapatol kayo sa babae" sabi ko.

"Ay babae ka ba? Akala ko kasi lalaki ka mas malaki pa katawan mo sa akin eh HAHAHAHA" nagtawanan sila nung kasama nya.

Lalapit sana ako sa kanila nung biglang may nagsalita mula sa likuran ko.

"Can you please stop teasing her?" sabi nya.

"Sino ka ba?" tanong nung matangkad.

"Oo nga sino ka ba? Bakit ka nangingialam dito?" sunod na tanong nung isa.

"Bumalik ka na nga lang sa pinanggalingan mo, teka baka bampira ka ha sobrang puti mo eh" sabi naman nung matangkad.

"Do you know that what you're doing to her is bullying? Do you know that the words that you've said to her can ruin her confidence?" tanong nya.

Grabe ang pogi nya. Ano kayang pangalan nya, crush ko na sya hihi.

"Ano bang sinasabi mo? Yabang mo ah paenglish english ka pa" sabi nung matangkad.

"Hahahahaha ang gagaling nyo mang-asar tapos di pala kayo makaintindi ng english Grade 8 na kayo ng lagay na yan?" natatawang tanong ko.

"Tara na nga, may araw ka din sa aming tabachoy ka. Ikaw din na kano ka may araw ka din sa amin" umalis sila pagkatapos nilang sabihin yon.

Pagkaalis nila ay nilingon ko yung lalaki na tumulong sa akin.

"Uhmmm, thank you" sabi ko.

"No problem, by the way I am Grey you are?" tanong nya.

"Everleigh, but you can call me Leigh" sabi ko at nagshake hands kami.

Nagkwentuhan lang kami at nalaman ko na mas matanda pala sya sa akin ng 2 years. Kaedad nya pala yung mga nang-asar sa akin kanina.

Every summer lang daw sila umuuwi dito sa Pilipinas and the good thing is malapit lang yung bahay nila sa bahay namin.

Buong summer ay kami ang magkasama.

Yung summer na yon ang hindi ko makakalimutan dahil nung summer na yon, doon nagsimula ang aming kwento.

Last Summer (Opacarophile Series #1)Where stories live. Discover now