Chapter 7

11 5 5
                                    

Habang kumakain kami ay may mga lumapit sa amin at tumugtog ng violin.

Luminga ako sa palagid para hanapin yung iba pero hindi ko na sila nakita. Wala na sila doon sa pwesto nila kanina. Kami na lang ni Grey ang tao dito bukod sa mga staff ng hotel.

"Do you have a problem?" tanong ni Grey.

Ngumiti lang ako sa kanya "Nothing, hinahanap ko lang yung mga kasama natin nawala kasi sila doon sa may cottage" sabi ko.

"Ahhh bumalik na sila sa taas doon na daw sila kakain ng dinner sa room nina mamu" sabi nya.

Habang kumakain kami ay nag-usap lang kami tungkol sa iba't ibang bagay. Nagkwento na din sya kung ano ang mga nangyari sa kanya sa America before mag summer.

Nagulat ako dahil nung nagpalit ang tugtog bigla syang tumayo at lumapit sa akin. Iniabot nya sa akin ang kanyang kamay, parang alam ko na ang gusto nyang mangyari kaya iniabot ko din sa kanya ang aking kamay.

Sinabayan namin ang tugtog. Napakaperfect ng gabing ito. Maganda ang langit, madaming bituin, payapa ang karagatan at tahimik ang paligid. Para bang kami lang ni Grey ang tao dito sa sobrang tahimik ng paligid. Ang tanging maririnig mo lamah ay ang musika galing sa violin at hampas ng alon.

"Leigh" tawag sa akin ni Grey sa kalagitnaan ng aming pagsasayaw "May gusto sana akong sabihin sayo".

"Ano yun?" tanong ko naman sa kanya.

Huminga sya ng malalim bago nagsimulang magsalita. "I don't know where to start but gusto ko lang sabihin na kung ano man ang malalaman mo ngayon, I hope this won't affect our friendship"

Naguluhan ako sa sinabi nya, paano bang makakaapekto ang sasabihin nya sa friendship namin?

"Hindi ko alam kung paano or kailan nag start ito pero all that I would say is true. Walang halong biro totoo lahat ng sasabihin ko" tumigil sya ng kaunting minuti bago ulit nagsakita. "I like you Leigh, no I think I don't like you anymore because I love you"

Ito na naman ang pag iinit ng pisnge ko ano ba naman to hindi ba pede na itago yung kilig kakainis.

"Wala to kinikilig ka na naman sa akin, ako lang to Leigh" pagyayabang nya.

Hinampas ko ang braso nya at tumawa lang sya niyakap nya ako at niyakap ko din naman sya pabalik.

"I love you Grey" sabi ko.

Napabitaw sya bigla sa sinabi ko, tiningnan nya ako na para bang hindi makapaniwala sa sinabi ko "Totoo? Mahal mo din ako?" tanong nya.

Sa halip na sumagot ay niyakap ko lang sya, niyakap nya din ako pabalik at nagulat ako nang bigla nya akong buhatin.

Ibinaba nya ako nang biglang mag start yung fireworks.

"Dami nyong ganap ah" sabi ko.

Tumawa lang sya at umakbay sa akin. Nakwento nya sa akin na kaya wala sila kanina ay may pinagawa yung manager nila akala pa nga nya ay hindi nya matutuloy yung plano nya pero buti na lang daw hindi sila kinulang sa oras dahil tumulong din si Ash.

Naglalakad lakad lang kami sa tabing dagat ngayon dahil tinatamad pa kami na pumasok sa loob. Binigay nya sa akin ang polo na suot nya baka daw nilalamig na ako.

"So ano na tayo?" tanong nya.

Hindi ko din alam ang sasabihin ko dahil kahit ako hindi ko din talaga alam kung ano na ba kami "Natatakot ako Grey" yan lang ang nasabi ko.

Napatingin sya bigla sa akin at napatigil sa paglalakad "Natatakot ka na baka hindi tayo mag work? Natatakot ka na baka hindi natin kayanin ang ldr? Leigh I won't force you na magkalabel agad tayo kasi kahit ako natatakot din sa mga pwedeng mangyari" sabi nya.

Pareho lang pala kami ng iniisip ang hirap ng ganito pero takot akong pumasok sa ldr dahil baka hindi namin kayanin.

Napagdesisyunan namin na hindi muna namin lalagyan ng label sa ngayon, MU nga kung tawagin ng iba.

May tiwala kami ni Grey sa isa't isa, sanay na din naman kami na mag adjust sa oras kung kailan free time naming dalawa.

Almost 9:00 pm na nang napagdesisyunan namin na pumasok na sa hotel. Hinatid nya ako sa kwarto namin ni Ash.

"Don't forget to clean your wounds adi, and drink your meds para gumaling na agad sugat mo" paalala ni Grey pagdating namin sa tapat kwarto namin ni Ash.

"Opo" sabi ko. Niyakap nya lang ako at niyakap ko din sya pabalik.

"I love you, ali" sabi nya.

"I love you too" sabi ko. Hinalikan nya ako sa noo at nagpunta na sya sa room nila ni Xavier.

Pagpasok ko sa room namin ay nakita ko si Ash sa living area nag eedit ng video. "Oh you're here na pala" sabi nya nung tumabi ako sa kanya sa sofa.

Nginitian ko lang sya tsaka hinubad yung polo ni Grey. Ang bango ng polo nya parang ayaw ko na ibalik hahahaha.

"So ano na?" tanong ni Ash.

"For now MU na lang muna kami ni kuya mo"sabi ko sa kanya. Pinaliwanag ko din kung bakit ganon ang naging desisyon namin ni Grey.

Naintindihan naman nya yung desisyon namin at agree naman sya doon "Don't worry ate babantayan ko yun pagbalik namin ng America" sabi nya.

Nagkwentuhan lang kami ni Ash ng ilang minuto pa bago ako nagpaalam para mag half bath. Nilinis ko na din yung sugat ko at uminom na din ako ng gamot.

Medyo okay na yung sugat ko, tamang tama makakapagswimming na kami bukas. Pero sabi ni Ash mag pipicture daw muna kami then magshoshoot para sa vlog nya. Pumayag naman ako bilang support na din sa ginagawa nya.

Nagscroll lang ako sa IG nang biglang dumaan yung post ni Grey. Picture namin yon kanina habang nanonood ng sunset.

GjJimenez
Ali

Yan ang nakacaption sa picture, hindi nya ginamit ang public account nya dahil ayaw nya na kumalat yung pictures namin.

Nagbasa ako ng comments doon sa picture

LouRylee
I need some chika

AJimenez
I love you two

ItsXavieee
Sana all ali. ako ash hindi mo love :(

DukeEddison
What a perfect view

Mykeloves
Nandito ako dahil fan ko kayo

Natawa na lang ako sa comment ni Mykel at natuwa naman ako dahil support sila sa amin ni Grey.

Lahat sila ng Opacarophile ay may private account at doon namin sila friend. Nakafollow din kami sa public account nila pero hindi nila kami pwede na ifollow doon.

Minessage ko kang si Lou para ikwento ang nangyari. Tatawagan ko sana sya pero may sira daw yung connection sa kanila kaya minessage ko na lang sa kanya.

Support naman sya sa amin, at sabi pa nya may tiwala naman sya kay Grey at alam nya na sooner or later kakayanin na namin sumugal.

From: Ali<3
Hi ali, still awake?

Napangiti ako sa message nya kaya nagreply din ako kaagad.

To:Ali<3
Yup pero patulog na din.

From: Ali<3
You take your meds na?

To: Ali<3
Yes adi, I already take my meds after ko mag half bath

Tumawag sya sa akin at tumagal din yon ng ilang minuto. Pinatay na namin ang tawag nang pareho na kaming dinalaw ng antok. Pinaalala nya pa sa akin na pagkagising ko daw after ko maligo ay linisin ang sugat ko then wag kalimutan ang meds bago bumaba para after namin kumain ay mainom ko kaagad.

Hayyyy thank you lord for giving Grey to me.

Hindi ko na namalayan kung anong oras na ako nakatulog dahil bigla na akong tinamaan ng antok.
______________________________________________________
A/N: Ali- akin lang ikaw
I know corny but hayaan nyo na hahaha

Last Summer (Opacarophile Series #1)Where stories live. Discover now