Chapter 5

15 7 9
                                    

Leigh's POV

"I love you Leigh"

Yan yung mga salita na paulit ulit na tumatakbo sa isip ko simula pa kanina.

After ng surprise eme ni Grey ay kumain na kami ng dinner at nagdecide na din pumunta sa kani-kanilang kwarto.

"Ate Leigh!" nagulat ako nung biglang sumigaw si Ash.

"Huy bakit ka sumisigaw?" tanong ko.

"Duh, kanina pa kita tinatawag ate tulala ka lang naman jan ano bang nangyari sayo? After dinner ganyan ka na. Are you sick?" tanong nya.

"Ha? hindi ah wala akong sakit may iniisip lang ako" sabi ko.

"Is it kuya?" tanong nya.

"H-hindi noh" sabi ko.

"Sus hindi daw, tuloy na nga natin pinapanood natin. Wag mo na isipin yun mahal ka non" sabi nya at bumalik na ulit sa panonood.

Nasa kalagitnaan kami ng panonood nang biglang may kumatok sa kwarto namin. Si Ash na ang tumayo para tingnan kung sino yung kumatok.

"Ate, kuya Duke is looking for you" sabi ni Ash.

Pumasok si Duke sa loob ng room namin, iniwan kami ni Ash don sa may living area at pumunta na sya sa kwarto.

"Bakit Duke?" tanong ko.

"Nothing, I just want to check if okay ka na ba" sabi nya.

"Ah okay na naman ako, siguro bukas or sa isang araw makakapag swimming na" sabi ko.

Natahimik kaming dalawa sandali.

"Uhm Leigh may sasabihin sana ako" sabi ni Duke.

"Ano yun?" tanong ko naman sa kanya.

"I like you Leigh" sabi nya.

Nagulat ako sa sinabi nya hindi ko magawang tumingin sa kanya bigla akong nakaramdam ng hiya.

"A-ah Duke..."

"You don't need to say anything Leigh, I just want you to know that I like you and I want to court you" sabi nya.

"Bakit?" tanong ko.

"Anong bakit?" tanong nya pabalik.

"Bakit ako?" tanong ko ulit.

"Hindi ko din alam. Una pa lang kitang nakita iba na yung impact mo sa akin. I watched you silently. Nakita ko kung gaano ka masayahin, nakita ko kung paano mo pasayahin ang iba. Nung time na unang beses kitang nakita na umiyak, nasaktan ako kasi sa likod pala ng mga tawa at ngiti na pinapakita mo ay may problema ka pala na dinadala" sabi nya.

Nagtaka ako kung ano ba ang sinasabi nya. Kailan nya ako nakitang umiyak?

"Nakita mo ako na umiyak?" tanong ko.

"Yes, it happened 6 years ago sa park ng village nyo" sabi nya.

"Ikaw yung lalaki na nakabangga ko noon?" tanong ko.

"Yes, ako nga" sabi nya.

"Bakit hindi ka nagsabi na ikaw yon? Hindi kita nakilala ang laki ng pinagbago mo" sabi ko.

"Wala lang gusto ko kasi kusa mong maalala pero hindi mo naalala agad eh hahahah" sabi nya.

Natahimik lang ulit kaming dalawa ng ilang minuto pero binasag din agad ni Duke yon.

"So, can I court you Leigh?" tanong nya.

"I'm sorry Duke pero kasi ano...." sabi ko.

"Si Grey" sabi nya.

"Ha?" nag-aalangang sabi ko sa kanya.

"Si Grey ang gusto mo diba? It's okay Leigh, alam ko naman. Sinubukan ko lang talaga and I think wala talagang pag-asa" sabi nya.

Bakas ko yung lungkot sa mga mata nya.

"I'm sorry" sabi ko.

"You don't need to say sorry, alam ko naman na masaya ka kay Grey so kakalimutan ko na lang yung feelings ko for you" sabi nya.

"Thank you, Duke" sabi ko.

"So pwede ba tayong friends? Baka naman pati dito tanggihan mo ako ha" pabirong sabi nya.

"Syempre naman pwede" sabi ko.

Nagkwentuhan pa kami doon ng ilang minuto pa. Naging maayos naman kami, hindi naging awkward, actually masaya ako dahil natanggap nya ang desisyon ko.

Pagkatapos namin mag usap ay bumalik na din sya sa kwarto nila at ako naman ay sumunod na kay Ash sa bed room.

Nakita ko si Ash na natutulog na sa kama nya, inayos ko lang yung kumot nya bago ako nagpunta sa kama ko at nahiga na.

Patulog na sana ako nang biglang may nag message sa phone ko

Grey <3
Hello, I just want to say goodnight and kung may narinig ka man na sinabi ko kanina tama yung narinig mo. Let's talk tomorrow. Tulog ka na goodnight, see you in your dreams I'll be there.
I love you

Ramdam ko ang pamumula ng pisnge ko habang binabasa ang text ni Grey.

Ibig sabihin tama yung narinig ko na binulong nya? Nag I love you sa akin si Grey.

Duke's POV

After namin mag-usap ni Leigh ay nagpunta ako sa kwarto nina Grey, gusto ko din siyang kausapin.

"Oh Duke gusto mo daw ako kausapin?" sabi nya habang paupo sa may kabilang sofa katapat ko.

"May gusto lang akong sabihin sayo" sabi ko.

"Ano yun?" tanong nya.

"I like Leigh" sabi ko.

Natahimik sya at halatang nagulat sa sinabi ko.

"Umamin ako kay Leigh kanina, nakausap ko sya bago ako magpunta dito. I asked her if pwede akong manligaw sa kanya" sabi ko.

"Anong sabi nya?" tanong ko.

"Hindi sya pumayag" sabi ko.

Natahimik kaming dalawa, wala din siguro syang masabi kaya ganon.

"Grey I know you like Leigh, and I know she is happy whenever she's with you. Grey make a move" sabi ko.

"I'm scared Duke, alam mo na after summer babalik na din ako sa America. Mahal ko si Leigh pero natatakot ako na baka hindi namin kayanin ang ldr alam mo na magiging sobrang busy na ulit ako pagbalik ng America dahil sa studies at sa career" sabi nya.

"Pero Grey, alam ko na gusto ka din ni Leigh. Alam ko din na kakayanin nyo ang ldr relationship dahil kilala ko kayo ikaw alam ko na palagi mong gusto na nakakapag update ka kay Leigh palagi at si Leigh alam ko na napakaunderstanding nya at maiintindihan nya kung magiging busy ka" sabi ko.

"Hindi naman agad kailangan ng label, basta alam nyo sa sarili nyo na mahal nyo ang isa't isa. Kung hindi nyo pa kaya mag commit sa ldr subukan nyo muna hindi bilang mag girlfriend at boyfriend" sabi ko pa.

"You mean kahit MU muna tama ba?" tanong nya.

"Yes, that's right. Tutal alam nyo naman sa sarili nyo na mahal nyo ang isa't isa at may tiwala kayo sa isa't isa" sabi ko.

"You're right maybe it's time para subukan namin. Thank you Duke" sabi nya.

Pagkatapos namin mag usap ay pumunta na ako sa kwarto namin ni Mykel. Nakatulog na pala tong si Mykel ang tagal ko nga siguro sa labas.

Masakit man pero alam ko na dito sasaya si Leigh kaya pipilitin ko ang sarili ko na makalimutan ang feelings ko kay Leigh.

Alam kong mahirap pero kakayanin ko para sa ikasasaya ng dalawa kong kaibigan.

_____________________________________________________
A/N: currently editing some parts of this story

Last Summer (Opacarophile Series #1)Where stories live. Discover now